December 24, 2007
Chaos: A Day Before Christmas
Ayun, grabe Mr. T! NagGalleria kami kahapon ni Cathy and ate Bibing. Bumili si Cathy ng laptop nagpasama sa kin. Una sa Galleria tapos sa Megamall. Pero bago yun, nagPuregold muna kami ni mama para mamili ng mga ihahanda para sa Pasko. So yun, kanina naman, nakakabaliw. Pumunta si ate dito sa bahay tapos pinagtatapon niya mga kalat dito sa bahay. Tapos inayaos rin namin yung stante ng mga baso. Ayun, tapos umalis si ate iniwan kaming nakatiwangwang yung mga baso and every kalat. So, habang binabalik ko mga kupita sa stante, ayun, nagshake yung tinutuntungan ko, basag ang kupita. Grabe, akala ko yun lang, nalaglag at nabasag siya sa isang platong tinetreasure ng nanay ko as in. Grabe! Nabaliw nanay ko. Uminit ulo niya. Binasag nang tuluyan yung plato. Grabe as in sobrang galit siya. I've never seen her this angry in 10 years. So yun, buti na lang nagmass kami and nung nagpeace be with you ako sa kanya sabi ko para sa plato yun... hahaha. Anyways yun, tapos around 12mn, pumunta kami sa bahay ni ate para kumain. Kasama rin sina Alyssa, Jasper, Kathy, and ate Bibing. So yun, tapos uwi and then tulog na. Medyo hindi na mainit ulo ni mama. Hay... Grabe... kabaliw...