December 7, 2007
3:25 AM
Ayan ang oras ngayon while I'm updating you Mr. T! Grabe, sobrang di ako makatulog sa sobrang lungkot dahil sa METHODS na yan. Akala ko over na ko pero bumabalik siya ngayong gabi/umaga. Hay, ayun, ewan ko ba, ang dami naming sinacrifice diyan sa METHODS na yan and it all boils down na to failure. Hay, grabe talaga, ang sakit ng puso ko ngayon. Sana man lang 1 kami, at sa ICTPROJ na lang kami pinagawa ng framework ulit. Hay, ilang beses ako nagparesched sa RELSFOR Service para sa lintik na METHODS na yan. Ilang beses na rin ako nagcut sa ibang subjects ko para sa METHODS na yan. Imbis na dapat nageenjoy ako nun nung birthday ko, gumagawa kami ng lintik na METHODS na yan. Sayang lahat talaga ng effort, yung mga inemail namin kay Dol Loyd parang walang nangyari. Ni hindi nga siya nagrereply sa mga emails namin sa kanya. Sana nabigyan niya man lang kami ng feedback dun sa framework na ginagawa namin at natulungan niya pa kami. Grabe, imbis na dapat saluhin niya kami kanina dahil adviser namin siya, eh siya pa yung bira ng bira sa proposal namin. Ang sakit talaga Mr. T! but I really have to let this out. Baka hindi ako matahimik nito. Hay, lahat ng effort ng pagpunta sa MMDA, paginterview ng mga Head ng Offices dun, ang init init pa sa loob ng MMDA, yun elevator na di-electric fan. Hay, dahil sa METHODS na toh baka madamay pa ibang subjects ko at bumagsak rin ako. Grabe, gusto ko ng grumaduate sa totoo lang. Kahit ilang beses kong ijoke na ayaw ko pa magtrabaho, I can't deny the fact na tumatanda na ko ang sobrang mabilis ang panahon. Hay, 22 na ko tapos di pa ko graduate? Nakakalungkot di ba Mr. T! Gusto ko sumigaw at humiyaw Mr. T! Naiinis ako talaga at nalulungkot. Ewan ko ba baket ganito talaga. Pag nagkaproblema ka patong patong. Bwisit. Wala naman akong makausap ngayon, gusto ko man manghingi ng consolation eh wala naman ako mahingan. Wala naman sa kin nakakilala ng as in super kilala right now, onti lang sila. Mr. T! I need faith right now. Sana mahanap ko siya kung hindi ngayon sana sa Christmas break. Ewan ko ba ano nangyayari sa kin. I wish I'm just dead right now para tapos lahat toh. Pero sayang ang buhay eh, hindi pa nga ako nagkakalove life mamatay na ko --- hehehe. Hay, ewan, shet, anlabo as in. Grabe na toh. May PRTEMAN defense pa tomorrow and hindi ko na talaga alam baka magbreakdown na ko sa harap ng panelists tomorrow. Anyways, Mr. T! I need faith right now... I need faith...
snapshots
