Entries for December, 2007

          Anyways Mr. T! Ang dami na nangyari sa buhay ko nung mga panahong di ako naguupdate. May mga pangit na ayaw ko na maalala at eto yung mga puwede pang alalahanin:

  • Birthday ni Erwin and Marco
  • New found gay-friend
  • BP Research Deal
  • Coup d' etat sa Peninsula
  • Over the phone til 4am
  • Curfew
  • PRTEMAN second exam
  • Bonifacio Boring Day
  • Pumasa na sina Tin sa SYSDEV2
  • Devil's Advocate sa RELSFOR

          Yun, lang mga maalala ko Mr. T!, yung iba sadness. Wala lang. Alam mo parang may nag-iba sa kin. Hindi ko alam kung ano. Weird nga eh. Parang hindi na ko as caring as before. Ayoko na rin masyadong maging friendly sa mga tao. I end up being misinterpreted. Hay... basta ganun... final defense na sa METHODS mamaya --- goodluck sa amin. Sige sige goodnight... 

Currently listening to: It's Sad To Belong by England Dan and John Ford Coley
Currently feeling: unsure
Posted by jjcobwebb on December 3, 2007 at 01:27 AM in Everyday Drama | Post a comment
          Yan ang sinabi sa min kanina ni Mr. Sipin sa PRTEMAN defense --- hahahay. Okay lang, masama masyado ang nag-iisip at nakakaCancer yan. Basta maging masaya ka lang lagi Jacob! Di ba di ba Mr. T! Hahaha --- matatapos din ang lahat ng tao. Paano? Magpakamatay --- hmmm... puwede pero sayang ang buhay! Ahahaha --- hmmm... sana nga matapos na ang lahat ng toh. Everything right now is out of my hands --- kahit ako ang dahilan kung baket nangyayari toh. Anyways, bahala na talaga --- be happy and gay na lang siguro. :) Mwah mwah! Ahahaha... hihihihi, hohoho.. huhuhu... hala nasiraan na ng bait!
Currently listening to: When She Cries by Restless Heart
Currently feeling: uncomfortable
Posted by jjcobwebb on December 5, 2007 at 11:39 PM in Everyday Drama | Post a comment
          Hello Mr. T! Eto, andito ko ngayon Central Plaza sa Yuchengco. Ayun, depressing day dahil bagsak kami sa METHODS --- and final na yan. Hay, anyways, wala akong magagawa. KakaPRTEMAN ko lang. Eto nasa harapan ko si Anjhe and Prince. Kumusta talaga, kumain kami ni Barry sa Red Ribbon kanina lang. Magulo utak ko Mr. T! Ewan ko ba... hay, pero okay lang. Parang hind naman ako sanay bumagsak. Buti na lang immortal na ko. Yun ang mahalaga. Sige sige, gragraduate din ako. 4.0 pala kami kanina sa poetry reading namin sa LITERA1 kanina. Ayun, anyways, umiyak na ko. Just look at the bright na lang Jacob, framework na lang ang aayusin niyo next term. Okay naman halos lahat eh, yun nga lang sumablay sa framework. Sige sige Mr. T! Sasabihin ko sa magulang ko about this. Hay... :)
Currently feeling: sad
Posted by jjcobwebb on December 6, 2007 at 03:33 PM in Everyday Drama | Post a comment
          Ayan ang oras ngayon while I'm updating you Mr. T! Grabe, sobrang di ako makatulog sa sobrang lungkot dahil sa METHODS na yan. Akala ko over na ko pero bumabalik siya ngayong gabi/umaga. Hay, ayun, ewan ko ba, ang dami naming sinacrifice diyan sa METHODS na yan and it all boils down na to failure. Hay, grabe talaga, ang sakit ng puso ko ngayon. Sana man lang 1 kami, at sa ICTPROJ na lang kami pinagawa ng framework ulit. Hay, ilang beses ako nagparesched sa RELSFOR Service para sa lintik na METHODS na yan. Ilang beses na rin ako nagcut sa ibang subjects ko para sa METHODS na yan. Imbis na dapat nageenjoy ako nun nung birthday ko, gumagawa kami ng lintik na METHODS na yan. Sayang lahat talaga ng effort, yung mga inemail namin kay Dol Loyd parang walang nangyari. Ni hindi nga siya nagrereply sa mga emails namin sa kanya. Sana nabigyan niya man lang kami ng feedback dun sa framework na ginagawa namin at natulungan niya pa kami. Grabe, imbis na dapat saluhin niya kami kanina dahil adviser namin siya, eh siya pa yung bira ng bira sa proposal namin. Ang sakit talaga Mr. T! but I really have to let this out. Baka hindi ako matahimik nito. Hay, lahat ng effort ng pagpunta sa MMDA, paginterview ng mga Head ng Offices dun, ang init init pa sa loob ng MMDA, yun elevator na di-electric fan. Hay, dahil sa METHODS na toh baka madamay pa ibang subjects ko at bumagsak rin ako. Grabe, gusto ko ng grumaduate sa totoo lang. Kahit ilang beses kong ijoke na ayaw ko pa magtrabaho, I can't deny the fact na tumatanda na ko ang sobrang mabilis ang panahon. Hay, 22 na ko tapos di pa ko graduate? Nakakalungkot di ba Mr. T! Gusto ko sumigaw at humiyaw Mr. T! Naiinis ako talaga at nalulungkot. Ewan ko ba baket ganito talaga. Pag nagkaproblema ka patong patong. Bwisit. Wala naman akong makausap ngayon, gusto ko man manghingi ng consolation eh wala naman ako mahingan. Wala naman sa kin nakakilala ng as in super kilala right now, onti lang sila. Mr. T! I need faith right now. Sana mahanap ko siya kung hindi ngayon sana sa Christmas break. Ewan ko ba ano nangyayari sa kin. I wish I'm just dead right now para tapos lahat toh. Pero sayang ang buhay eh, hindi pa nga ako nagkakalove life mamatay na ko --- hehehe. Hay, ewan, shet, anlabo as in. Grabe na toh. May PRTEMAN defense pa tomorrow and hindi ko na talaga alam baka magbreakdown na ko sa harap ng panelists tomorrow. Anyways, Mr. T! I need faith right now... I need faith...
Currently feeling: super depressed
Posted by jjcobwebb on December 7, 2007 at 03:36 AM in Everyday Drama | 2 comment(s)
          Imagine drinking a 3/4 bottle of tequila. Who won't pass out? Goodness, the last thing I remembered was I was sucking the lime into my face and licking the salt on my palm. They said I was laughing and cried the rest of the night. I threw up inside the car they said. Grabe, now I know how it feels to be drunk and dead... hahaha....
Currently feeling: sober
Posted by jjcobwebb on December 9, 2007 at 04:07 PM in Everyday Drama | Post a comment
          Baket ganun Mr. T! Lately napakasensitive ko sa mga bagay bagay. Hay... ewan ko ba. Gusto ko lang ng masasandalan, mapagbubuhusan ng mga depression ko, yung makukuwento ko sa kanya, yung magsasabi sa kin ng okay lang yan. Wala atang taong puwede. And minsan, it's not enough kasi na ako lagi ang nagsasabi sa sarili ko nun. Pagod na ko tumingin sa malayo at magisip ng kung anu ano. Lalo lang akong nalulungkot :( Hay... hindi ko talga alam gusto kong isulat sa yo. Nalulungkot pa rin ako... :(
Currently listening to: Unfaithful by Rihanna
Currently feeling: sad
Posted by jjcobwebb on December 12, 2007 at 11:42 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Nahihilo pa rin ako Mr. T! dahil dun ata sa sausage na kinain ko kahapon. Grabe, straight from the can ko kinain. Walang luto luto para akong patay gutom Ayun, lately nagbabantay ako ng drugstore. Kahapon sa San Juan tapos kanina sa Mandaluyong at San Juan. Anyways, buti kumoquota kami kaya mag 20% ako sa kita ng tindahan. Hmmm, yun, wala naman, lately narealize ko wag ako masyado maging fragile sa kung anu anong bagay around me. I'll let things flow like the wind na lang. Ayoko na masyado mag-isip. May nakuha akong 2 strands ng white the other day tapos ang hair line ko narealize ko ang taas na. Ayaw ko na talaga magkaproblema or isipin pa ang problema. Tsk, sayang ang beauty that God has given me... hahaha... Si Bel on the other line, nangungulit na sinasabi kahawig ko raw yung jowa ng friend nila! Shux, hindi naman eh! Wah....

Currently listening to: electric fan
Currently feeling: hot
Posted by jjcobwebb on December 15, 2007 at 12:45 AM in Everyday Drama | Post a comment
          Ang boring ng buhay Mr. T! Ayaw ko na ng bakasyon! Gusto ko na pumasok! Wahh... someone come and take me away. Away ko nag DVD marathon, ayaw ko na mga PS2 or XBOX, ayaw ko na rin magVideoke, ayaw ko magTV, ayaw ko na magnet. Grabe, ano ba puwede gawin? Dami dami namang tao sa mall ngayon. Wahhh, ayaw ko na rin matulog! Gusto ko ng kausap! Wala naman ako makausap! Ahuhuhu...
Currently listening to: All This Time by Tiffany
Currently feeling: super bored
Posted by jjcobwebb on December 15, 2007 at 01:39 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Ayun, binyag kanina ng anak ni Bles na si PJ. Tapos super handaan sa bahay nila. Ang daming tao. Tapos sina Ate nasa bahay rin. Kumpleto, sina sina Page, Emo, Kobe and Kathleen sa bahay. Grabe parang reunion lang. Tapos sinakay ko sa LRT2 si Gab! Tuwang tuwa siya kasi aliw na aliw siya sa train and hindi pa siya nakakasakay dun. Tapos, umalis sila ate pumuntang Makati pinagshopping yung mga bata. Namili ata ng pamasko. Naiwan kami ni Reamaur sa bahay, nanonood kami ng Travel and Living finifeature yung Walt Disney. Grabe kelan ba kami makakapunta dun. Anyways yun, ngayon, kagagaling ko lang sa bahay nina Tinay sa North Greenhills. Pinahiram na muna niya yung treadmill nila kay Bambi. Ayun, inaantok na ko. Hindi pa ko nakakapagsimbang gabi. Try ko bukas. Hahaha... Sige update you soon...

P.S. Epal pala ang kuya ko Mr. T! Binabasa niya blog ko at nakakahiya di ba! Naku, ilipat ko kaya yung link ko! Hahaha... sige sige

Posted by jjcobwebb on December 16, 2007 at 11:57 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Ayun Mr. T! Super bonding kami kahapon ni Matthew. Since si Aubrey wala na sa bansa, si Tin hindi pumuntang school at si Deck paalis na rin ng Manila. Ayun, sina Anjhe and Anne at Matty kasama ko school. Tapos nun, to make it short na lang at para mukhang masaya ang entry ko, namumutakte ako ng 3 :). Yun, and then nagCIELOS kaming 4, andun si Jah. Tapos umalis si Anne and Jah. Tapos kami ng Matty pumunta ng William and hinintay si Ms. Wright til 5pm. Si Anjhe may meeting so yun. Tapos pumunta kami ni Matty sa Greenbelt. Anyways, sobrang traffic kahapon, may sunog pala sa Pasay Taft kaya ang daming bumbero nung nahihintay kami ng masasakyan ni Matty. Buti hindi kami nagLRT dahil nastranded. Ayun, jeep and bus kami ni Matty. Wala lang kung anu ano lang pinagusapan namin. Sobrang saya laughtrip talaga. Tapos yun, kaya pala ako nagpasama sa Greenbelt dahil titignan ko sa Tower Records (na akala ko nasa GB3, M1 pala yun!) ng bagong DVD ni Mariah. Kaso Friday pa raw dadating. So yun, since wala naman kaming ginagawa sa mga bahay namin. Nagikot ikot muna kami. Kung anu anong stores pinasukan namin. Si Matty naaliw dun sa parang health machine sa Mercury Drugs. Tapos ikot lang kami ng ikot. Tapos kumain kami sa Food Choices at nakita namin from the window na may free concert si Taylor Hicks dun sa harap ng Ascott. Yung garden sa gitna. Ayun, after eating nanood kami nung free concert. Around 9pm natapos yun. Tapos yun, ikot ikot na naman. Umupo muna at nagbonding moments kami sa may Food Choices again (same seat ha! walang umupo sa inupuan namin). Ayun, tapos since baka magsara na MRT, around 9:45pm umalis na kami. Bait ni Matty talagang hinintay niya kong makapasok sa MRT paid station bago siya bumaba sa sakayan papuntang Paranaque. Ayun, ayos naman lahat. :) Imagine, tagal ng bonding namin ni Matty ha! Nakakaaliw. Tapos nakita niya pala classmate niya nung HS sa Glorietta. Anyways yun lang. It was a day worth spending. Masaya masaya kesa maging bum sa bahay yesterday. Pagkauwi ko tatay ko sabi pa sarado na ang school baket ganung time lang ako umuwi. Si Mabel magisa lang nagbantay ng drugstore kasi wala nga ako. Anyways, yun, galing ni Taylor Hicks, pangAmerican Idol talaga ang boses, kakaiba siya! Sige sige update you soon Mr. T! Ayt? Mwahz!

Currently watching: Butterfly by Mariah Carey
Currently feeling: ngalay
Posted by jjcobwebb on December 19, 2007 at 10:56 AM in Everyday Drama | Post a comment
          Just got home from Greenhills Mr. T! Grabe, lahat ng tinry kong skinny jeans sa F&H walang nagkasya! Kawawa naman ako, ang laki laki kasi ng legs ko. Kasize ko naman yung waist line pero hindi ko talaga maangat as in. Anyways yun, kasama ko si Mama and Tita Nene. Ang dami nilang napamili ako wala as in talaga. Forever silang nasa Dressing room ng Bayo and Celine. Naku talaga! Tapos nagmerienda kami sa Tita Paring's. Grabe, sarap lahat ng kinain namin. Dinuguan, puto, lumpia etc. Ayun, tapos nagpagupit si Tita Nene sa may parlor dun. Ang traffic grabe ang sakit sa ulo. Ayun, nasa bahay sina Kathleen, Kobe and Emo. Ay shucks, si Charisse Pempengco kumanta sa Ellen show! As in! Standing ovation mga Kano sa kanya! Ang galing niya nakakatuwa siya. Ano pa ba, hmmm... ayun, si Barry tumawag habang nasa GH ako, sabi magdinner daw. Si Karol gusto magpasama sa Galleria. Kaso wala kong magawa kasama ko nanay ko. Anyways, update you soon Mr. T! Inaantok ako pero kailangan magbantay dito sa drugstore (si Reamaur kasama ni Mabel ngayon sa SJMM)... update you soon ayt? Mwah!
Currently listening to: Unwritten by Natasha Bedingfield
Currently feeling: hilo
Posted by jjcobwebb on December 20, 2007 at 08:46 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Hello Mr. T! Galing ako school kanikanina lang. Ayun, katatapos ko lang rin magmerienda. Habang nasa LRT2 kanina narealize ko ang ganda pala ng Have You Ever na song ni Brandy. Kinakanta kanta ko lang siya dati pero narealize ko ang ganda pala ng meaning. Post ko yung lyrics:

"Have You Ever?"

[Chorus]
Have you ever loved somebody so much
It makes you cry
Have you ever needed something so bad
You can't sleep at night
Have you ever tried to find the words
But they don't come out right
Have you ever, have you ever

Have you ever been in love
Been in love so bad
You'd do anything to make them understand
Have you ever had someone steal your heart away
You'd give anything to make them feel the same
Have you ever searched for words to get you in their heart
But you don't know what to say
And you don't know where to start
[Chorus]

Have you ever found the one
You've dreamed of all of your life
You'd do just about anything to look into their eyes
Have you finally found the one you've given your heart to
Only to find that one won't give their heart to you
Have you ever closed your eyes and
Dreamed that they were there
And all you can do is wait for the day when they will care
[Chorus]

What do I gotta do to get you in my arms baby
What do I gotta say to get to your heart
To make you understand how I need you next to me
Gotta get you in my world
'Cuz baby I can't sleep
[Chorus]

          Ayun, pinababalik ako ng school sa January since wala si Miss Kaishan sa office kanina. Sige sige... update you soon. Hahaha.... walang magawa shet! Lols...

Currently watching: How Will I Know music video by Whitney Houston
Currently feeling: sleep
Posted by jjcobwebb on December 21, 2007 at 06:12 PM in Everyday Drama | Post a comment
          Ayun Mr. T! Hindi ako natulog kahapon para maabutan ko ang simbang gabi. Hahaha... 4:30 am yung mass tapos magsisix o'clock na ko natulog. Gising ako ng 12nn. So yun, nakasabay ko pa si Emy papuntang simbahan, yaya siya nina Joriel and Gab. Ang daming tao sa simbahan. Nakakaantok misa ng pari. Ang bagal ng misa. Shux! So yun, tapos pagkagising ko bisita namin si Tess Macutay. Buhay pa pala siya. Dito raw siya magpapasko or magtu24. Naghihirap na ata ang lola mo kaya ganun sabi ni ate. Andito rin sina Emo, Kobe, Kathleen and Page. Grabe an gulo gulo. Tapos pinagbayad ako ni Mama sa SM Centerpoint ng PLDT bill. Sumama sa akin yung 3 makukulit. Si Emo, Kathleen and Kobe. Ayun, hindi ko sila hinawakan sa mall bahala sila. Sabi ko pagnawala sila hindi ko sila hahanapin. So yun, nagbayad muna ko tapos nag World's Of Fun kami. Pinabayaan ko sila gawin mga gusto nila may mga pera naman sila eh. Buti pa sila ako wala eh. Hahaha. So yun, ako umupo sa open mic videoke sa arcade. Ayun, tawa ko ng tawa sa mga kumakanta. Anyways, yun, tapos dumaan muna kong F&H para tumingin ng skinny jeans. Sa wakas may nagkasya sa kin. Bibilhin ko na lang pagnagkapera na ko. So yun, nagtaxi pala kami papunta. Tapos since malayo sakayan ng jeep sa SM Centerpoint, nilakad namin Araneta Avenue. Kaloka si Kobe, takot na takot dun sa ilog. Nagtakbuhan yung 3kasi kala nila tatakutin ko sila sa ilog. Puta sobrang sigaw ako ng sigaw sa kalsada na huminto sila. Ayun, hindi huminto. Nung lumampas na kami sa tulay, pinagsasampal ko yung 3! Hindi marunong sumunod kaloka! So yun, dumaan muna kaming Pure Gold tapos sa SJMM. Gusto maglakad ng 3 pauwi so nilakad namin hanggang bahay. Nagenjoy naman yung 3. Tapos yun, naaliw pa rin ako sa mga nagcacaroling. Gumawa ako ng game para masaya. Bunutan! Kung ano mabunot nila yun ang bibigay ko sa kanila. may 0, 2, 5, 10 and 20 pesos sa mga papel. Siyempre maraming 2 at isang 0 and 20. Tapos kumain sa bahay ang mga kolokoy at si Ate. Nangaroling din yung 3 kolokoy. Ayun si Page and Joyce muna nagbantay nung drugstore dahil pumunta kami ni Ate and Mama sa Lourdes hospital dahil naconfine si Tita Nita. Hay, ayaw ko ng malungkot na kwento. Moving on, kaloka si ate, akala niya nasira yugn kotse, break pala yung tinatapakan niya kaya ayaw gumalaw! Tanga niya raw! Tapos yun, nasa ER si Tita Nita. Si ate Katherine andun din. Ayun, kausap ng mga doctor. Sinundo namin si Dra. Pedrasa. Tapos si kuya Mike andun din sa hospital. Hay, baka sa hospital daw mga pasko si tita Nita kung matutuloy yung procedure. Tapos yun, sina Chiay, tita Baby, tita Beth, Danica, Papa and tito Freddie dumating din sa Hospital. Tapos yun, kailangan magdecide wheter maguundergo ng procedure si tita Nita by tomorrow para maabisuhan na yung gagawa at maayos na rin. Tapos pumunta kami sa bahay ni ate kasama si Dra. Pedrasa. Binigyan ni ate si Dra. ng 50 boxes at ako nagbuhat lahat ha take note. Tapos hinatid na si Dra. Grabe, yung crush ko sa school pamangkin pala ni Dra. hindi ko kinaya kanina yun ha! Tapos yun, bagong gawa pala bahay nina ate. PinaInterior design nila. Social na ng itsura. Pangmayaman! So yun, si Erwin naghatid sa kin pauwi tapos sinundo namin si Page and Emo. Si Emo nakatulog na kina Kobe. Ayun, si Erwin na ata ang nagbuhat papuntang kotse. Ayun muna update ko Mr. T! Grabe, ang hirap ng walang kasambahay! Ang dami kong plato na hinugasan kanina! Wahh.... 
Currently listening to: electric fan
Currently feeling: fresh
Posted by jjcobwebb on December 22, 2007 at 11:51 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Grabe, nabasa ko toh sa isang blog kagabi. Pero nakalimutan ko kung ano yun link niya. So kung sa yo galing toh, pakiinform na lang ako at ilalagay ko link ng blog mo. Ayt?

pinapaikot mo lang ako Nagsasawa na ako. Mabuti pang patayin mo na lang ako"
-electric fan


"hindi lahat ng walang salawal ay bastos"
-winnie d' pooh


"Alam mo ba wala akong ibang hinangad kundi ang mapalapit sa iyo. pero patuloy ang pag-iwas mo"
-ipis


"Hala! sige magpakasasa ka!
Alam ko namang katawan ko lang ang habol mo."
-hipon


"Ayoko na! pag nagmamahal ako lagi na lang maraming tao ang nagagalit! wala ba akong karapatang magmahal?!?"
-gasolina


"Hindi lahat ng green ay masustansya."
-plema


"Hindi ko hinahangad na ipagmalaki mo na ako'y sau
ayoko ko lang naman na sa harap ng maraming tao
ganun mo na lang ako itanggi.."
-utot


"Sawang sawa na ako palagi nalang akong
pinagpapasa-pasahan, pagod na pagod na ako."
-Bola


"you never know what you have till you lose it.
and once you lose it, you can never get it back"
-snatcher


"Ginawa ko naman lahat para sumaya ka
mahirap ba talagang makontento sa isa?
bakit palipat-lipat ka?
-TV


"hindi lahat ng maasim may vitamin c"
-kili kili


Sige, batihin mo ako.... Sigeee.....BATEEEEEE!!!!!!!!
-omelette


pilitin mo man na alisin ako sa buhay mo, babalik at babalik ako!
-libag


"wag mo na akong bilugin.."
-kulangot


Paano tayo makakabuo kung hindi ako papatong sa iyo?
-Lego


"hindi lahat ng dugo puedeng idonate"
-regla

Currently listening to: Jesus What A Wonderful Child by Mariah Carey
Currently feeling: Christmassy
Posted by jjcobwebb on December 23, 2007 at 02:05 PM in Everyday Drama | Post a comment
          Ayun, grabe Mr. T! NagGalleria kami kahapon ni Cathy and ate Bibing. Bumili si Cathy ng laptop nagpasama sa kin. Una sa Galleria tapos sa Megamall. Pero bago yun, nagPuregold muna kami ni mama para mamili ng mga ihahanda para sa Pasko. So yun, kanina naman, nakakabaliw. Pumunta si ate dito sa bahay tapos pinagtatapon niya mga kalat dito sa bahay. Tapos inayaos rin namin yung stante ng mga baso. Ayun, tapos umalis si ate iniwan kaming nakatiwangwang yung mga baso and every kalat. So, habang binabalik ko mga kupita sa stante, ayun, nagshake yung tinutuntungan ko, basag ang kupita. Grabe, akala ko yun lang, nalaglag at nabasag siya sa isang platong tinetreasure ng nanay ko as in. Grabe! Nabaliw nanay ko. Uminit ulo niya. Binasag nang tuluyan yung plato. Grabe as in sobrang galit siya. I've never seen her this angry in 10 years. So yun, buti na lang nagmass kami and nung nagpeace be with you ako sa kanya sabi ko para sa plato yun... hahaha. Anyways yun, tapos around  12mn, pumunta kami sa bahay ni ate para kumain. Kasama rin sina Alyssa, Jasper, Kathy, and ate Bibing. So yun, tapos uwi and then tulog na. Medyo hindi na mainit ulo ni mama. Hay... Grabe... kabaliw...
Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on December 24, 2007 at 11:02 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Ayun, Pasko na. Weird, eto ata ang pinakamahirap kong Christmas. Kahapon nakabili pala kami ni Page ng mga gifts para sa mga inaanak ko. 1500php bali nagastos ko since 3 lang sila. Tapos 1000php para sa mga pamangkin ko naman. Ayun, walang nagbigay sa kin ng gifts or pera. Hahaha... pero okay lang. Parang mas masarap naman magbigay eh. Ayun, tapos pumunta ko kina lola. Buhay na naman ang mga "W". Hindi na nagbago. Tuwing pasko na lang laging ganun. Tapos Si Cathy pinaayos sa kin yung laptop niya. Grabe walang fee! Ahahaha...joke. Tapos ayun, nung gabi dapat pupunta kaming Global Carnival kaso ang daming tao so umuwi na lang kami. Parang joyride lang ginawa namin. Tapos pumunta ko kina Tita Beth. Andun sina Katrina, Dindin, Precious and Danica. Saya! Buo ang barkada! Hahaha... anyways yun, tapos birthday rin ni Alex so pumunta ko at nilibre ko siya. So yun lang naman nangyari nung Pasko. Masaya naman kahit paano. As in grabe, parang kakaiba pa rin, wala talaga akong natanggap ngayon Pasko!!! Wah... ang hirap! Naman naman!

P.S. Napapagod na ko kahuhugas, kawawalis at kaayos ng bahay. Baket kasi ngayon pa nagbakasyon si Sheila!!! Wah... hindi naman naaappreciate mga ginagawa ko dito sa bahay. Grabe, tamad pa rin ako sa kanila kahit anong effort ang gawin ko! Huhuhu!!!

 

Currently listening to: Here I Am by Leona Lewis
Currently feeling: beautiful
Posted by jjcobwebb on December 25, 2007 at 07:23 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Hello Mr. T! Hahaha, di ako nakapagupdate kahapon. Well wala naman masyadong nangyari kahapon. Parang pagising ko ng 12pm tinimpla ko yung manok na lulutuin. Tapos umalis kami ni Mabel at pinarebond niya ko! Hahaha 1-5pm akong nasa parlor grabe. Ayun, bumagsak ang buhok ko. Hahaha, ganda na siya. Bawal muna basain for 3 days. Tapos pumunta muna kong PLDT para ayusin yung DSL and then umikot ikot sa SM Centerpoint. Grabe you won't believe who I saw there yesterday! It was "HIM". After more than 2 years I have seen him again. Hay Mr. T! Of course I pretended na lang I didn't see him. Ayun, wala naman. Wala nang feelings. Casual na lang parang hindi magkakilala. As in nasa likod ko siya at nasa likod niya ko. Wala deadma. Hay, nakakatawa. Hahaha... basta, brings back a lot of memories. It's been 2 years and loveless pa rin ako. Muntik na nun pero what can I do. Pag hindi sa yo hindi sa yo Mr. T! Hihihi... time will tell na lang.

          Ayun, ngayon naman kagagaling lang naming Powerplant with ate, Erwin, Kobe, Kathleen, Page, Emo and Reamaur. Nanood kami ng Bahay Kubo and Shake Rattle And Roll. Hati eh, yung mga kids sa SRAR, kami sa BK. Ayun, kumain muna kami sa Kenny Rogers bago manood. Ayun lang naman ang exciting na nangyari Mr. T! Nahihirapan na kami dito, si Papa na naglaba ng damit namin grabe dahil walang katulong. Hahaha, tapos ayun, pagkauwi pa namin si Kootshi nginatngat pa yung foam nagkalat tuloy. Wah, masisira aking precious hands. Hahaha... so yun, wala naman, natulog lang ako magdamag dito sa bahay hahaha. So yun muna update ko Mr. T! I'll update you soon ayt? Malapit na 2008, hay... salamat sa Diyos buhay pa ko :)

P.S Maulan lately, nakakasad. Hahaha

Currently listening to: Try It On My Own by Whitney Houston
Posted by jjcobwebb on December 27, 2007 at 10:55 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Ayun Mr. T! Kauuwi ko lang ng 12am. Hehehe. Galing kaming 3 sa Trinoma and first time ever na kaming 3 pumunta dito. Kumain sa La Maison, steak house siya. Mahal pero masarap kaso maliit ang serving. Hindi bagay sa appetite naming 3. Ayun, first nagmeet kami ni Barry sa Glorietta. And then ikot ikot while waiting for Rhitz. Tapos yun, dumating si Rhitz and we decided na sa Trinoma naman kami pumunta since lagi na kaming nasa Glorietta. Anyways, fun naman. Picture picture sa resto at sa car dahil may bagong digicam si Rhitz. Daming tao everywhere, traffic rin everywhere ano ba yan. Nakita ko pa yung pinsan ko sa Trinoma kasama friend niya. Ayun, tapos hinatid na namin si Ritz sa Pasay and ako bumaba na lang sa Cubao since paempty na gas ni Barry. Anyways yun lang update ko Mr. T! Birthday ni Tin ngayon, pinapupunta niya kong Greenhills after lunch. Magtetreat ata. Sige sige update you soon Mr. T! Ayt? Mwah!

P.S. Buti na lang umalis ako ng bahay or else feeling ko ako na naman maghuhugas ng plato at magwawalis ng bahay. Ayun, nagmerienda pala kami dito sa bahay ng Champorado and Chickenballs. Andito si Kobe sa bahay the whole afternoon bago ako umalis. Anyways yun. Nakahawak na rin ako sa wakas ng iPod Touch. Grabe ang ganda ganda! Sana magkaroon ako nun! Wah... so yun, tapos pinalabas pa kanina sa MusicOne yung Mimi Concert. Ahahaha... kaaliw! Sige sige... update you soon Mr. T! Mwah!

Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on December 29, 2007 at 01:29 AM in Everyday Drama | Post a comment

          Ayun, nakawala na naman ako sa bahay namin. Ayun, dito sa bahay kaloka, si Kobe aliw na aliw sa paputok, tapos as usual wal paring katulong. On the beautiful side of the day, birthday ni Tin ngayon and sinelebrate namin kanina sa Gerry's Grill sa may Promenade. It was raining awhile ago Mr. T! But before I got there hindi pa naman. Ayun, met up with Kristine and Ivan sa may Coffee Bean around 230pm. And then, we sat there muna while waiting for Matthew. Tapos we got bored, naisipan namin magFamily KTV while waiting for Matty. So yun, una, ako birit ng birit tapos sila naman nagduet ni Ivan. Lumamig ng lumamig yung room and paextend kami ng paextend dahil wala pa rin si Matty. So around 400pm siguro, Matty arrived na. Ayun, kanta kanta muna and hinintay namin yung last call ng waiter para sa time and then we planned on where to eat na. So yun, sa  Gerry's Grill kami kumain. We had Sinigang, Crispy Pata, Baked Tahong and siyempre kanin. Ayun, nakakabusog siya grabe. Nagextra rice pa tuloy kami nina Ivan, Matty and ako. Grabe, bituka talaga ng mga guys ibang level. And then afterwards, ikot ikot muna, sa GH. Naghanap si Tin ng headset para sa Sony phone niya. Kaso yung original 1200php tapos may class A 500php lang. Pero narealize niya na hindi naman kailangan and aksaya sa pera so yun. Ikot ikot ikot ikot, naisipan namin magIceCream so balik kami sa Promenade para mag FIC. Ayun, tumambay muna sa Promenade sa loob habang nilalasap ang aming mga Ice Cream. Tapos yun, gusto nina Tin maglakad lakad dahil masakit tiyan niya dahil meron siya. Ayun, ikot ikot kami parang tinour ko sila sa GH. Theater Mall, Shoppesville, Virramall,  The Shops and yun. Tapos tumawag ng mom ni Matty na susunduin siya and so yun, napagisipan namin na maghiwahiwalay na rin. So yun, naground trip kami sa GH for the last time. And then iniwan na namin si Ivan and Tin to wait a cab tapos kami ni Matty dun sa may sakayan ng bus and jeep. Ayun, libre pala lahat ni Tin kanina. Tapos si Matty gusto itip sa Gerry's  Grill 100php grabe! Ang yaman! Sabi naman ni Tin 20php lang. Nakita ko pa ata sina Karol kanina sa Gerry's Grill din kaso di ko na binati busy ata. So yun, it was really fun fun fun. Ang saya, never ko naimagine magiging close kami ni Tin and friends ng ganito. I'm happy to have them Mr. T! So yun, before pala nun andun mga parents /family ni Tin bago ko dumating, sayang di ko naabutan. Ayun, compute natin nagastos ni Tin, 1087php + 908php + yung Ice Cream = MAHAL. Hahaha, buti maraming dalang datung ang dalawa --- si Ivan and Tin. Sarap talaga ng libre, sarap nung crispy pata, sarap kumanta... hahaha. Sino kaya naghugas ng plato dito kanina sa bahay. Ahahaha... update you soon Mr. T!

P.S. Anong say niyo sa bangs namin ni Matty? Rebond? Shampoo lang yan! Nyahahaha!!! And yeah, sana Aubrey and Deck were here siguro lalong masaya :)

Currently reading: Luis's YM Window
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on December 29, 2007 at 11:32 PM in Everyday Drama | Post a comment
          Yan ang role ko kanina Mr. T! Nakailang balik ako sa palengke grabe na toh. Nung umaga, pinagbukas ako ni ate ng drugstore. Tapos umulan pa. Tapos hmmm... ayun hiniram ni Erwin laptop ko. Tapos kumain ng lunch. Tapos hugas ng plato. Pagtapos ko maghugas ng plato, natulog ako tapos yes, nahugasan ko na rin ang buhok ko after 3 days! Tapos yun inutusan ako ni mama pumuntang mamalengke. The joy of having no maid *insert sarcasm*. So yun, una wala yung pinabili ni mama so bumalik ako para bumili ng katulad na microwavable na lalagyan. Grabe, haba pa nung pila sa PureGold. Pagkauwi ko, si mama pinapagalitan si Kobe kasi binigyan ni ate Bibing ng 500php tapos 200php na lang natira. Tapos yun, naglagalag ako muna at kumain ng isaw and balunabalunan --- my favorite. Grabe, kelan ba magkakaroon ng katulong Mr. T! Si papa na naglalaba ng mga labada. Hindi ko na toh kaya!!! Hahaha... update you soon for 2007 review. Hahaha... I love you Mr. T! Mwah! Naupload na pala Mr. T! ni Rhitz yung mga pics namin sa Trinoma! Wahey! Nakakaaliw! http://rhitzjoy.multiply.com
Currently listening to: Everytime I See You by Fra Lippo Lippi
Currently feeling: cloudy head
Posted by jjcobwebb on December 30, 2007 at 06:11 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Mr. T! Isang taon na naman ang matatapos. Andiyan na ang 2008. Marami mga nangyari, marami mga nawala, marami ang dumating, marami ang pagsisi, marami rin mga pangyayaring dapat ay naiwasan, pero mas marami pa rin ang dumating na kaligayahan. Shucks, rhyming! Anyways yun na nga Mr. T! Hay, grabe sobrang bilis, hindi ko namalayan na 2008 na bukas o mamaya. Sige, list down ko na mga memorable things of 2007 para sa kin. Top 3 are listed below.

Song Of the Year:

  1. Umbrella  (Winner)
  2. Big Girls Don't Cry
  3. Don't Stop The Music

Videoke Room Of The Year:

  1. Family World KTV
  2. Timezone Greenbelt (Winner)
  3. Providence

Karaoke Song Of The Year:

  1. Love Will Lead You Back
  2. Changes In My Life (Winner)
  3. The Search Is Over

PC Game Of The Year:

  1. Nanny Mania
  2. The Sims 2 Bon Voyage (Winner)
  3. Mystery P.I

Movie Of The Year:

  1. Spiderman 3 (Winner)
  2. Superman
  3. Highschool Musical 2 

Music Video Of The Year:

  1. Umbrella (Winner)
  2. Candyman
  3. Beautiful Liar

Album Of The Year:

  1. Good Girl Gone Bad by  Rihanna (Winner)
  2. Highschool Musical 2 by HSM2 Cast
  3. Noel by Josh Groban

TV Show Of The Year

  1. Spongebob Squarepants
  2. Ugly Betty (Winner)
  3. Bakekang

Professor Of The Year:

  1. Mrs. Arcilla
  2. Mr. Sipin
  3. Ms. Velasco (Winner)

Subject Of The Year:

  1. INTPHIL (Winner)
  2. PROBSTA
  3. RELSFOR

Mall Of The Year:

  1. Powerplant
  2. Trinoma
  3. Glorietta/Greenbelt (Winner)

Favorite Site Of The Year:

  1. Youtube (Winner)
  2. Mariahdaily
  3. WindowXLive

Favorite DVD Of The Year:

  1. Coyote Ugly
  2. Highschool Musical 2
  3. The Adventures of Mimi (Winner)

Event Of The Year:

  1. Tagaytay/Batangas With ICTM Friends
  2. Barry, Rhitz, Jacob VS. Jeffrey (Winner)
  3. METHODS

          Ayun Mr. T! That's 2007 in a glance. Hay, tatanda na naman ako Mr. T! Dapat gagraduate na ko sa June kaso mapapOctober pa ata ako. Anyways yun, masaya naman ako dahil buhay pa rin ako hanggang ngayon. Maraming salamat din sa Diyos siyempre. Sa lahat ng taong special sa kin siyempre. Masaya ko, dahil lahat ng nangyari ngayong 2007 eh tumulong maging mas better na Jacob Webb. Anyways yun Mr. T! Hehehe... Happy New Year na lang muna. Marami pang gagawin dito sa bahay. Kanina pa ko naghihiwa ng mga prutas at gulay. Ayoko na maglinis at maghugas ng plato. Ahahaha... sige sige! I love ya, I enjoy ya and I appreciate ya Mr. T! I love you! Mwah!

Currently listening to: All This Time by Tiffany
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on December 31, 2007 at 05:31 PM in Everyday Drama | Post a comment
« 2007/11 · 2008/01 »