November 18, 2007
Divisoria -ing with Sheila
Ayun, Mr. T! Update na kita ngayon kasi baka antukin na ko mamaya. So, since umalis sila mama at pumunta sila sa Galleria at natira kami ni Sheila, kasambahay namin, dito sa bahay, sabi ko punta na lang kaming 168. Ayun, LRT2 kami then jeep Mr. T! Grabe! Sobrang dami ng tao sa Divisoria ngayon or kanina! Wah, nahilo ako. Actually, I really wanted to go there to canvas on PSP. 9000 ang pinakamura eh, pero hindi pa slim yun, 10K yung Slim na PSP. Anyways yun, nagTutuban Mall din kami after 168 Mall and then yung isa pang mall katabi ng Tutuban. Hindi ko inakala na 10 T-shirts mabibili ng dala kong 700php, at may sukli pa yun ha! Naaliw talaga ako sa 168 Mr. T! Hay... hehe, ayun, tapos jeep na lang kami pauwi. Hindi na kami nagmerienda since gusto na rin ni Sheila umuwi. Muntik pa mabunggo yung jeep na sinakyan namin. Anyways, yun lang naman nangyari, it's a good way to take me away from all my worries these times Mr. T! Hmmm... ano pa ba, ayun, maaga ako nagising kanina at nakapagbreakfast pa! For the first time ata nakapagbreakfast ako ng Sunday! Hmmm.... ay quiz pala bukas sa BPOUTSR at hindi pa ko nagaaral. Mamaya na lang. Tulog muna ko tapos mga hating gabi na ko mag-aaral. Hahaha --- update you soon Mr. T! Bye!