Wah di ako makatulog Mr. T! at November na pala!!! Dapat magsusulat ako ng something about what I'm feeling right now pero nung halughugin ko tong blog ko, may entry na pala akong super duper ineexpress nararamdaman ko as of these moments. Eto siya, sinulat ko siya noong  May 12, 2007, or kung gusto mo eto yung link niya ::CLICK HERE::

"Back Mr. T! Hay sobrang totoo yang nararamdaman ko na yan. Minsan nga alam mo iniisip ko kung Choice ko bang maging single or there really isn't a chance for me to experience to be in a relationship at all Mr. T! I'm already 21 pero parang highschool pa rin ako dahil crush dito, crush doon lang ang mga lovelife ko. Nakakaaliw minsan isipin pero parang hello di ba. Meron nga diyang iba highschool pa lang nagkarelasyon na at tumagal pa hanggang college. Alam kong 21 is still too young for me to worry about relationships and lovelife pero alam mo, iba eh. Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na masaya ko with my friends, family and relatives and even my relationship with God, iba eh. Not putting God aside naman, for practicality's sake, may kulang pa rin. Alam kong may kulang and the more I try to say na hindi ko kailangan ng relationship, the more I long for it.

    Baket kaya ganun, hindi ko talaga alam kung anong dapat gawin para makaranas nito. Sabi ng iba maghintay, sabi naman ng iba, maghanap. Eh ano ba ang mas tama Mr. T? Di ba, ang gulo eh. Kung maghihintay naman ako, eh paano kung mabulok ako sa kahihintay? Ang lungkot di ba? Sa kabilang dako naman, kung maghahanap ako eh magmumukha naman akong desperado at parang atat na atat na magkaroon lang ng isang relasyon. Hindi naman sa pagmamayabang Mr. T!Marami na rin naman nangarir sa kin. Pero sa lahat sa kanila napakabilang lang ng mga taong nahulog ang puso ko. Nahulog nga sumasablay naman pagtumatagal ang pagkilala ko sa kanila. Meron naman iba, sobrang hulog na hulog na ko, ayun, hinayaan lang akong mahulog hindi naman ako sinalo. Minsan tuloy dahil sa mga ganyang pangyayari, nawawalan ako ng tiwala sa iba pang mga darating. Oo, sige, siguro sasabihin mo na dapat maging bukas ang puso at pag-iisip ko at iba-iba naman ang mga tao pero iba pa rin eh. Alam mo yung isang pakiramdam na ayaw mo na maramdaman ulit dahil napakasakit? Meron namang pakiramdam na sobrang tamis na ayaw mo na matapos eh bigla na lang magwawakas sa dahilang hindi mo namalayan kung ano. Gusto mo man maramdaman ulit eh wala ng pagkakataon at hindi mo na maramdaman to sa ibang tao. Hindi ako bitter Mr. T! Sinasabi ko lang nararamdaman ko ha.

    Isa pa sigurong problema sa kin kung baket takot at hindi ako handa maging parte ng isang relasyon eh mahirap kasi ako madevelop. Naku, nakakalungkot Mr. T! pero napakatotoo niyan. I don't fall easily with someone I've just met. It might take long months or even years para mafully develop ako sa isang tao. Swapang na kung swapang pero isang paraan lang para madevelop ako sa isang tao eh time. Nadedevelop ako sa isang taong lagi kong kasama, nakakausap at present physically. Hindi ako nadedevelop sa chat, sa text o sa pakikipagusap sa phone. Iba pa rin yung physically present at may contact kayo. Kaya nga naiinis ako sa sarili ko eh.

    Baket kaya ako ganito? Masyado ba kong choosy or I'm just making sure na tama yung taong gusto kong maging karelasyon. Though inaamin ko choosy ako pero not all times. Sige, oo, choosy ako sa mga crush pero crush sila. Hindi ko sila gusto mahalin agad. Iba yung crush at iba rin yung gusto mo mahalin. Sobrang malaki pagkakaiba nila sa kin Mr. T! Ang crush for me physically attracted ka lang or naattract ka to some of his assets --- like magaling kumanta, matalino etc. On the other hand naman, pag yung taong gusto ko namang mahalin, I make sure that we connect a lot. Gusto ko yung taong pinagkakatiwalaan ako at pinagkakatiwalaan ko rin. Gusto ko mahalin yung taong hindi nagprepretend to be somebody else. Gusto ko rin yung taong tatanggapin ako bilang ako at hindi ko rin kailangan magkunwari sa harapan niya. Ang dami kong angal noh Mr. T! Alam mo sa mga gusto ko sa isang karelasyon, sobrang posibleng mahulog ako sa napakalapit na kaibigan eh. Pero sobrang natatakot ako mangyari yun or maging kami ng kaibigan ko. Naalala ko tuloy sinabi ni Earl na there are big rewards for big risk. Pero nakakatakot pa rin aya siguro wala pa rin akong lovelife dahil sa kaartehan ko. Ayoko rin naman magkaroon ng karelasyon na nakilala ko lang sa isang bar --- this kind of acquaintances never ever work sa pagkakaalam ko. Mga tao naman sa net, pareparehas din. Sa dami ng nahook up ko, sila ang gusto ulit makipagkita sa kin ulit pero ako ayaw ko na sila makita. Sama ko noh, pero ganun talaga Mr. T! It's a matter of preference lang siguro.

    Hay Mr. T! nakakalungkot pero kailangan ko maging masaya :). Hay... gusto ko ng mamahalin at mamahalin din ako. Ng aalagaan ko at aalagaan ko rin. Yung tatawagin kong beh, baby, sweetheart, honey at ganun din siya sa kin. Nakakatuwa isipin noh pero nakakalungkot at the same time. Actually ngayon, hindi ko alam kung magiging masaya ako sa pagiging single or hindi. Pero lahat naman ng bagay di ba may PROS and CONS. I'd take and do anything just to experience LOVE right now. Hay... baka mamatay akong hindi nakakapartake sa isang romantic relationship hahaha. Huwag naman sana. :)
    
    Tapusin ko na toh Mr. T! dahil wala na sa lugar tong pinagsusulat ko. Sana dumating or mahanap or magparamdam or makita ko na yung taong pwedeng umintindi sa kin, kaya akong tanggapin, yung pagkakatiwalaan ako, yung pagpapasensiyahan ako, yung maaliw sa kin, yung sasabihan ako ng mga pinakakatago niyang sikreto, yung pasasayahin ako, yung patatawanin ako, yung walang paki sa sasabihin ng iba, at higit sa lahat yung mamahalin ako ng buong buo at mamahalin ko rin siya tulad ng pagmamahal niya sa kin. Buong buo. Hay... sarap isipin... :)"

          Drama noh? Talo ka? Hahahaha--- anyways, naaliw naman ako dahil nakakatuwa isipin at nakakalungkot din dahil baket hanggang ngayon yan ang nararamdaman ko? Hahaha --- baliw na ba ko Mr. T! Desperado? Lonely? Weird? Pathetic? Hmmm.... basta ang alam ko lang, yan ang nararamdaman ko, no more, no less? Ayt? Okay na? Aalis na sila papuntang Ilocos in 2 hours at ako maiiwan sa bahay at magbabantay ng drugstore! Wahuhu! Sige sige... I love you Mr. T! :)  

Currently listening to: Fallin' by Teri DeSario
Currently feeling: smiley
Posted by jjcobwebb on November 1, 2007 at 02:10 AM in Everyday Drama | 5 comment(s)
Comment posted on November 1st, 2007 at 08:36 PM
Hehehehe to talga :) it'll come...
Comment posted on November 1st, 2007 at 07:40 AM
Awwww..I really like this entry...it's so sweet and honest :)
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

subtlebliss (guest)

Comment posted on November 1st, 2007 at 11:06 AM
wow! thanks! sweet talaga ako at honest :P beh! hahaha... naaliw lang ako at may entry pala akong may sense kahit paano... hihi...

zhouls (guest)

Comment posted on November 1st, 2007 at 05:42 AM
it'll come. the things you need may come slow, but it'll come. =>

subtlebliss (guest)

Comment posted on November 1st, 2007 at 11:05 AM
yeah, my friend told me nga, only time will tell... :)