Apat Dapat, Dapat Apat
Okay, araw ng panlilibre ni Jeffrey ngayon and last day niya with us ngayong 2007 dahil bukas Graduation niya na and next Thursday he's off to Taiwan at babalik pa siya sa April --- sadness pero for his own good naman ata. So yun, sabi niya dapat by 11:00am andun na kami sa school para hindi makahabol kami dun sa Lunch ng kakainan namin. Sabi niya 12:00pm yung start til 2:00pm. So yun, nagising ako sa tahol ng aso Mr. T! As in, sa kwarto ni Reamaur ako natulog dahil lately dun siya nakatira kina ate. Anyways yun, sobrang init ng araw kanina Mr. T! As in. Nakafit pa kong damit at nagdadalawang isip ako kung magLLRT or magcacab ako papuntang school. So anyways yun, 10:20am na nung umalis akong bahay. Nagtext na si Jeffrey na nasa McDo na raw siya and maghihintay na lang siya dun. Anyways, dahil holiday walang traffic, mga bandang 10:40am nasa may Quirino na ko. Sabi ni birthday celebrant nasa Warzone na raw siya at dun na lang kami magkita. Kamusta naman parang alam ko yun di ba! So sabi niya malapit lang raw yun sa Providence. 10 minutes before 11am andun na ko sa may Providence. Hinahanap ko yung Warzone at ayun nga, malapit nga lang sa Providence. Hindi ko na tinext si Jeffrey na andun na ko so pumasok na lang ako sa loob.
Warzone
Ayun, grabe, pumasok nga ako di ko naman nakita si Jeffrey sa loob. Anyways tinext ko na lang siya at ayun lumabas na rin ng Warzone ang bruho. Ayun, since wala pa sina Barry and Rhitz, umupo muna kami sa may bench sa labas ng Warzone. Weird nga eh, katabi namin mga pedicab drivers, para kaming papasada rin ng pedicab. Hahaha... anyways, si Rhitz and Barry tinawagan ni Jeff at tinanong kung asan na raw sila. Si Barry, pupunta pang Pasig at Banawe tapos didirecho na lang raw sa Makati. Tapos si Rhitz feeling namin kagigising lang. Okay lang dahil malapit lang naman si Rhitz dun sa school eh. Since naburaot kami ni Jeffrey sa bench at malapit ang Prov. Nagprovidence na lang muna kami.
Providence
Walang tao ang providence. Holiday talaga. Ayun, bumili si Jeffrey ng 100php na tokens. And akala namin mauubos ang tokens. Biglang dumating agad si Rhitz. May natira pang 35php atang tokens. In fairness nagimprove ang voice ni Jeff. Ahahah... D+ na siya ngayon from F. Hmmm... tapos yun, tatago ko na lang yung tokens para pagbalik ni Jeffrey sa Pilipinas may tokens pa kami for Providence. Ayun, may dalang kotse si Rhitz and makulimlim na Mr. T! nung paalis kami. Sa may Pasong Tamo raw kami kakain sabi ni Jeff. So yun, habang papunta kami dun, bandang Buendia pa lang kami, biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. As in, tapos nung nakarating na kami dun sa kakainan "Kikofuji" yung name ng restaurant, walang parking dahil puno, wala kaming payong at si Jeff lang ang akala naming meron, baha ang kalsada. So yun, sabi ni Jeffrey sa may Makati Square kami magpark and from there lakarin namin. Kamusta talaga Mr. T! Nung pagkapark namin, lalo pang lumakas ang ulan. Buti naalala ni Rhitz na may payong raw sa kotse and so ayun, kinuha namin. Grabe, akala namin safe na kami dahil sobrang lalaki ng payong, pero grabe as in, ang lakas super ng ulan. Swerte ni Jeff nakatsinelas siya. Kaming 2 ni Ritz nakashoes. So wala kaming magawa. Sa ayaw at sa gusto namin. Nabasa ang aming mga medyas at sapatos. Buti hindi buong katawan namin ang nabasa. Buti na lang mga sapatos lang. Salamat sa payong. Hindi ko maimagine kung yung payong lang ni Jeff ginamit namin nung oras na yun. Siguro para na kaming naligo.
Kikofuji
So yun, Japanese Restaurant nga, just like what Jeffrey said. Pero akala ko buffet. By order pala! Amp! Ayun, cozy naman yung place. Maraming customers, sikat ata yung lugar. Tapos at first siyempre wala pa si Barry. Naghubad kaming sapatos and socks ni Ritz sa asang matutuyo pero hindi natuyo. Mga 15 minutes later dumating na siya. Ayun, para kaming may dance number. Si Ritz and ako nakablue while silang dalawa nakaRed. Saya di ba! So si Jeffrey ang nagorder for us. Siyempre ako hangal sa Sake Sashimi, akala ko pwede umorder ng puros ganun lang pero
hindi pala pwede. So yun, nagsushi fest kami. Marami yung food. Hindi ko inexpect na malalaki yung servings Mr. T! Hinamon ako ni Jeff na pagnaubos ko raw yung pagkain ko eh oorderan niya raw ulit ako! Wow! Ako pa hinamon sa mga isdang hilaw! Eh paborito ko ang may yun. But anyways, nahiya naman ako at hindi na ko umorder pa. Ayun, tapos umorder siya ng house tea. Una malamig binigay tapos may mainit din.
Ang labo. Tapos yun, lamunan na. Grabe sarap ng Ebi! Wah... sana mas marami yung sa min ni Jeff na ganun. Yung kay Ritz and Barry marami eh kasi may kanin sila at sa amin sushi lang. Anyways, yun, nagkape kami aftewards tapos since may calamansi akong hiningi at may mga tsaa pa, nilagay ko sa tea yung mga calamansi. Hahahaha... weird ng trip ko. Ayun, picture picturan session kami sa loob nung resto. Ganda ng lighting dun sa resto. Parang star yung mga itsura namin. Tapos may weird na shot na kinunan si Jeffrey. Ang labo, nakasabit na paslant yung cam. The pic shoul've been the best pic for that day pero nakatabingi Mr. T! Sayang. So yun, grabe, parang feeling ko ang ingay namin nun. Pero paki ba nila. Ganun lang talaga pagmasasaya kami. Ayun, pagkalabas namin, tumila na yung ulan. Basa ang aming mga sapatos Mr. T! So sabi ni Ritz bili raw kaming tsinelas.
Plaza Fair
Social ng Mall na toh! Pangmayaman *insert sarcasm here*. Walang aircon, ang init, luma at lahat ng pwedeng panglalait. Pero infairness, magaganda yung t-shirt nila at mura pa. Ayun lang ang maganda sa mall na yan. So ayun, bumili kami ni Rhitz ng Banana Peel. And yun, comfortable na kami maglakad ulit. Thanks sa Plaza Fair, nagkatsinelas kami somehow. Hahahah... ayun, so iniisip namin kung san manonood ng Apat Dapat, Dapat Apat. So naisip ko na never pa kaming 4 na nagsama-sama sa Rockwell. So sabi ko dun na lang. At least di ba, unforgettable pag umalis is Jeffrey. Nakatungtong kaming 4 sa Rockwell bago man lang siya nagTaiwan. Nakaka-uta na rin kasi sa Glorietta eh, parang since first year college andun na kami. Parang kahit nakapikit pwede na naming malibot yun. So change of place muna. So, nagRockwell nga kami.
Rockwell
Ayun grabe, eto ang totoong social na Mall! As in! Pero hindi ko magets, wala naman magawa sa Rockwell sa totoo lang. Movie House lang ata yung useful para sa kin dun. Yung PowerStation naman walang kwenta. Ayun, walang Apat Dapat, Dapat Apat ang Rockwell. Oh di ba, social talaga? Puro english movies lang yung Now Showing nila. Puros foreigner kasi naglipana sa Mall na yun eh. Anyways, umikot ikot na lang kami. Tapos nag Fully Booked. Si Rhitz, namili ng mga Cake dun sa Cake Fair. NagR&D raw siya. Hindi raw kasi sila naapprove dun eh. By invitation lang yung fair na yun. So yun, habang namimili siya, kaming 3 nagtetaste test naman nung iba't ibang cake. Isang cake lang yung nagustuhan ko eh, yung Brazo de Mercedes. Ang dami rin palang "brazo" dun Mr. T! hahaha... so yun, dahil wala na kaming magawa, bumalik na kami sa parking at mali pa yung parking napuntahan namin. Nalito lito na kami. Sa ibang side kami nagpark so yun, habang papunta sa kabilang parking, pinapapak namin yung binili ni Barry na cake. Hahaha... and yun, next stop, Market Market --- para malapit na sa Serendra pag naggabi.
Market Market
Ayun, hindi ko maalala kung first time din ba namin sa Market Market. But anyways yun, akala namin wala movie house sa Market Market. Ayun, inaakyat namin until top floor. Thank God at merong movie house at merong Apat Dapat, Dapat Apat. Ayun, so si Jeff na nanlibre ng ticket and KKB na raw sa dinner. 4:00pm na nun and yung movie ends at 4:30pm at magstastart ng 5:10pm raw so nagikot ikot muna kami. Ayun, since ang daming tao, yung Timezone ang daming tao, ang daming jologs here there and everywhere, at sabi ni Jeffrey pangmahirap raw, ayun, nagDepartment Store muna kami kung san walang tao. Ayun, nagikot, umupo, naaliw sa mga gown, pumunta sa Toy Section until 4:25 na and we had to make pila na sa labas ng movie house. Anyways yun, weird, nung mga lumalabas na tao, may mga parang naluluha, yung iba natatawa, yung iba naman blank. Anyways yun, pero bago pumila nagGulaman muna sina Ritz and Barry dun sa Siomai House. Wah --- pati dun merong Siomai House. Ayaw ko bumili dun kasi feeling ko pangLRT stations lang yun. Ahahaha... so yun pila pila tapos nakapasok din sa wakas.
Apat Dapat
I intend not to write anything here for the sake of those people who still have not watched the movie yet. :) Basta sa part na toh, nanood na kami. :)
The Pizza Company
Ayun, since gabi na at dapat magdinner na, gutom kami in short. Si Barry, gusto magFriday's kaso hindi naman kakain! Wah ang labo! Unfair yun di ba kasi kung dun kami hindi siya hahati! So sabi ko wag dun! Pangmayaman! Ahahaha... so yun, sabi ko si Jeffrey na lang may decide kung san niya gusto kumain.So yun, si Jeffrey ang naglead sa min, sa The Pizza Company kami napadpad. First time ko dito kumain, ganun rin daw sila. Ahahah... anyways, yun, medyo hindi masarap ang luto nila. Tagal pa ng service pero mababait naman yung crew. Pinaglalauran ko yung oregano nila nung pagtapos namin kumain --- wah lakas talaga ng trip ko. Ayun, had pizza, spaghetti, chicken wings and onion rings na may pitcher pa ng Pepsi. Anyways, nakakabusog naman or dahil hindi ko pa totally nadidigest yung kinain namin nung lunch but anyways yun. Kwento kwento, usap usap, parang wala ng bukas or graduation ni Jeffrey the next day --- hahaha.
Seatlle's Best Coffee
Ayun, tapos kumain sa The Pizza Company, bonding session muna kami sa High Street. Tapos kinuha yung camera para last time picture picturan session. Hay, tumawag pa si ate tinanong ako kung susunduin raw ako. So sabi ko tignan ko. Parang grabe, ayaw ko na matapos yung gabi Mr. T! Everybody was so happy. Ewan ko ba, may spirit atang nagpapasaya sa min Mr. T! Basta yun, stroll stroll sa High Street tapos nakita pa namin si Kian yung sa PBB. Wow mukhang gay. But anyways yun, gusto kasi nilang magdessert pa, so ang daming tao sa Coffe Bean, expected namin marami ring tao sa Starbucks, so nung nakakita si Jeffrey ng upuan sa SBC, pumasok siya agad at umupo na kami dun. Ayun umorder sila ng mga kape nila, ako hindi na dahil hindi ko na kaya magpasok ng kahit ano pa sa bituka that time or else masusuka na ko. So yun, bonding session na naman. Usap usap, kulitan, picturan, harutan and kung anu-ano
pa. Inask namin si Jeffrey kung anong hope niyang makita pagkabalik niya or mangyari, pero labo niya, gusto niya lang marinig sina Ritz and Barry kumanta. Ayaw ni Ritz kasi isang bagsakan lang daw yung and gusto niya yung paghihirapan. Grabe, wala ata akong narinig na wish or hope ni Jeffrey sa kin. Ang narinig ko lang kay Barry, love life, kay Ritz, career, sa kin ata wala. Ano ba yan. But anyways yun. Naglolokohan kami na pagbalik niya payat na yung 2 at ako naman mataba na! Hahaha --- basta sobrang saya. But since super late na and graduation pa ni Jeffrey the next day, as in 6:30am dapat nasa school na siya, at magte 10pm na, everything must come to an end. Ayun, si Rhitz social grabe hindi inubos yung kape niya dahil hindi niya raw type. Sayang sa pera hahahah. So yun, we headed for the parking lot na. Weird, walang kasama mom ko sa house tapos si ate gusto ako patulugin sa bahay nila. Sabi ni mama na dun na raw kami tumira kay ate since lagi naman raw kaming wala sa bahay. Hahaha... nakakatawa pero nakaklungkot at the same time. Ganun ata talaga pagtumatanda, nagtatampo dahil nagiging malayo and pre-occupied na mga anak mo sa iba't ibang bagay. But yun, sabi ko sige uuwi na lang ako sa bahay and hindi na ko matutulog kina ate.
A Good Way to End the Night
Just when we thought the story is over, may epilogue pa ang araw na toh. Parang pelikula ang nangyari Mr. T! Kasi ganito yan, yung pintuan sa kotse na ako ang nagsara, hindi nasara ng mabuti so sabi ko okay lang dahil wala namang nawala sa loob at locked naman in all fairness ang pinto. So nakaupo na lahat kami sa kotse, sabi ni Rhitz ayaw magstart nung car. Hala, so sabi ko, wag siya magjoke at anong oras na at si Jeffrey baka katayin na ng nanay niya. Pinastart pa sa kin ni Rhitz yung car pero ayaw nga talagang magstart. So sabi niya baka yun or hindi lang baka, most probably dahil dun yun sa pintuan na hindi masyadong nasara. This caused the car daw to loose charges para dun sa battery. Basta parang ganun hindi ko naman magets. So sabi ni Rhitz mag-ask raw kami ng Jump Starter sa may security guard. Ayun, nagask kaming 3 pero wala naman. So sabi ni Rhitz ikot ikot muna kami baka magrecharge and magstart yung car. Ayun, pagkabalik namin wala pa rin. So sabi ko samahan ako ni Jeffrey maghahanap kami aroud Serendra. May nagsabi sa min na sa may HONDA raw most probably meron, so yun, grabe, nilakad namin ni Jeffrey til HONDA pero thanks to our badluck wala pa rin. Pawis na pawis na ko Mr. T! and ang iingay ng mga cricket sa grass (wala lang gusto ko lang sila isama sa kuwento). Ayun, umupo kami at nagisip kung anong gagawin kung magcacab na si Jeff pauwi dahil uber late na or maghihintay kaming himala. While making isip kung anong gagawin, may mga weirdo na pinicturan kai. Hahaha --- ano kami STAR? Hahaha --- ayun, parang may lumabas na lightbulb sa ulo ni Jeffrey and naisip niyang itulak raw namin yung kotse nina Barry while iniistart ni Rhitz. Ewan ko kay Barry and Jeffrey nagtalo muna sa idea na itulak but anyways sabi ni Jeffrey itulak na so ayun, nagtulak na kami.
Testosterone Overload
OMG talaga Mr. T! First time ko ata ginawa ang magtulak ng kotse sa buong buhay ko! Grabe, ayun pero sobrang saya naman siya! Yung masculinity naming 3 nagsilabasan nung tinulak namin yung car. Anyways, first attempt masyadong mabagal pagtulak namin: FAILED. Second attempt, kumadyot na yung car pero nagstop kami sa pagtulak dahil akala namin aandar na: FAILED. So sabi ni Rhitz, tuloy tuloy raw until umandar ng todo. So yun, buti na lang wala ng nakapark sa harapan namin. Sinadya ata ni Lord para matulak namin ng dire-diretso yung kotse. Ayun, third attempt: SUCCESS. Wow! Para kaming nanalo sa lotto. First time lang din daw ni Rhitz magawa yun, first time din namin ni Barry magtulak... well si Jeffrey nagtulak na raw before. So yun, ang saya. Sa landi naming toh natulak at napaandar namin yung car. May pabukas bukas pa kami ng hood nung kotse eh tulak lang naman pala yung kailangan. At the end of the day, Jeffrey and his brilliant idea was the hero. Ayun, lumabas kaming EDSa and bumaba si Jeffrey sa may AYALA, from there magbubus raw siya. Grabe buti na lang nakauwi ng maayos si Jeffrey. Tapos yun, si Rhitz dadaan ng Wilson para sunduin kapatid niya so nagpababa na lang kami ni Barry sa Promenade and from there nagcab kami. Nung pababa ako nung cab Eversince the World Began pa yung tinutugtog --- wala lang. Ayun, 10 minutes lang ata yung pagitan ng pag-uwi ko and Jeffrey. 11:20pm ako nakauwi sila ata 11:30pm. Hay... sobrang daming nangyari ngayong araw na toh Mr. T! Kung pwede lang sana na hindi na matapos. :) Narealize ko na importante pala yung 3 Godesses sa buhay ko. Hindi ko naimagine na magiging super close kami ng ganito. And for Jeffrey, sana maging okay siya sa Taiwan, kahit sadness na aalis na naman siya like nung hindi niya kami kinausap, sana maging masaya siya dun. And mag-ingats as always. And for the 3 of us na maiiwan dito, malamang bonding session. Sana lagi naming alalahanin na Apat Dapat and Dapat Apat lagi kami para happy always and always happy. :)
P.S. Naiwan ko ang shoes ko sa kotse ni Ritz. Wah! Kadiri at kahiya dahil andun socks ko na basa... wah....