Hello Mr. T! Kamusta ka naman? Wah, kamusta, inalarm ko ang cellphone ko para magising ako ng 9:00am pero nagising pa rin ako malapit na mag 10am. Anyways yun, medyo nalate ako for my LITERA1. So yun, grabe ang prof ko, meron siyang mga super old na books na nabili niya sa isang publishing house sa may Espanya raw before it closed down. Tapos, meron din siyang kopya ng NOLI at FILI, as in yung sulat mismo ni Rizal ha! Grabe, sobrang naaliw ako. Pero ang sakit sa ilong and hinatching ako dahil sa amoy ng lumang libro. Anyways, ayun, pina-analyze sa min yung sulat ni Rizal sa NOLI at FILI. Kagroup ko si Ayles, Maruel and some guy. Hahaha. Ayun, grabe si Ayls, sobrang magobserve. Medyo ang tagal namin sa paganalyze. Gusto niya ata sobrang precise. Anyways ayun, buti naman natapos din namin. And then nakiupo ako sa SYSDEV2 nina Tin. Ayun, sila nagrereport. Wala raw transaction process yung system nila. Kailangan nilang dagdagan. Pero naaliw ata mga classmates nila dahil walang nagtanong. So yun, TECNPRE, hindi pa tapos paper namin. So hindi pumasok si Deck, Aubrey and Anjhe ng TECNPRE. Kaming 2 lang ni Tin pumasok dahil may ginawa na kami nung gabi. So yun, nagreport lang group nina Jeri and Lillet. Anyways, haba ng report nina Jeri. Sobrang inantok ako. Tapos pinagisip pa ko ni Sir Molano ng tanong sa group kasi sobrang ingay ko ata. Tapos yung report naman nina Lilet sobrang okay. Much better than  Jeri's group. Kung hindi sana sobrang haba nung report nila eh mas okay. So yun, kumain muna ako sa Eric's. Sumunod si Tin, Aubrey and Deck. Nag-isaw sila. Ako ng Hotdog Sandwich at kwek kwek. Si Jobet andun din, nanghingi pa ng 2 piso tapos si Anjhe rin and Ian andun. Sabi ko kay Anjhe maghanap ng calculator dahil may case sa PRTEMAN. Ayun, si Tin umuwi na. Ako late sa PRTEMAN dahil nauna pumasok si Anjhe. Ayun, nagdiscuss si Sir ng may mga numbers na sobrang di ko nagets. At nagbigay nga ng Group Seatwork. Ayun, grabe, wala kamin alam ni Anjhe at Mikael. Ayun, bait ni Rina and Camille, nagpaphotocopy sila ng pinresent ni Sir. Ayun, hindi pa rin nakatulong, so yun, we ended up copying the seatwork of our seatmates. Pinapass niya sa kin eh, so kinopya namin. Hahaha... so yun.... mga atat kami ni Anjhe magANIMO party so nagmamadali kaming pumuntang YUCHENGCO.

          Nakasalubong namin si Anne at nagdali dali kaming pumunta sa Central Plaza para salubungin sina Deck. Ayun, nagtatambol na ang PEP para sa parade. May Picture picturan sa ASTRING-OSOL, nagpapicture kami. Tapos naghahanap kaming bandana pero ubos na. Ang lakas ng tugtog sa CENTRAL tapos ang dami ring tao sa AMPHI. So yun, naghintay kami ng ewan dun sa may Museum. Hindi namin alam kung ano hinihintay namin dun. So tinext ko si Beck kung san sila. Ayun, nasa Gox, tumawag siya kasama si Sherry. Ayun, ewan ko kung baket kami naghintay ni Sherry kina Beck, Mouse, Omai at Hazel eh sa Sportscom naman pala sila pupunta dahil magaaral si Mouse magbreak dance. Kala ko pupunta sa Party. So yun, with Sherry, sabi ko tumuloy kaming YUCHENGCO kung nasan sina Aubrey. So yun, grabe! Parang kasabay kami sa parada ni Sherry. The whole time kaming naglalakad kasabay namin si ATKINS!!! Feeling ko lahat ng pictures ni ATKINS na kinunan ng mga students andun kami. So sabi ko sa likod na lang kami ng SJ dumaan dahil papansin na. So yun, andun pa rin sina Aubs. Ayun, kamusta. Pinabantayan sa min ni Sherry and Philip yung place dahil pupuntahan nila si Jah sa McDo. Anyways, andun naman si Philip. Medyo tinamad na kami ni Sherry after 1 hour. So since nakakuha ako ng pics ni ATKINS at nakakuha na rin ako ng LASALLE BALLOONS. We decided to go at dinaanan muna namin sina Aubs sa McDo. Ayun, umuwi na kami ni Sherry. NagLRT1 kami like we used to before. Nakakaiba ng feeling. Sobrang tagal na naming di nagawa yun and masaya. Imagine since 1st-3rd year kasabay ko si Sherry. Hay --- I love Sherry. Anyways, si Deck pala bumalik ng bahay para magpalit. Ang daya kaya nawala rin ako sa mood dahil lahat sila nakabihis. Anyways, nung tinext ko si Aubs na gusto ko bumalik, sabi niya maraming tao. So nawalan ako ng gana. Ayun, nagANIMO part sila til 9pm ata or 10pm. And based from what I've heard, disastrous ang Victory Party! Ahahaha... naubos ang food, ang sikip, hina ng sounds, maalinsangan, hahaha... buti na lang hindi ako bumalik. So yun, si Sherry pala bumaba sa D. Jose. Tapos yun, ako umuwi na rin. :) Ayun, di ba --- nagANIMO PARTY SILA... We're Back, We're One, and We're #1! Go Lasalle! Hahahah... mwah!

Currently listening to: Later by Fra Lippo Lippi
Currently feeling: blank
Posted by jjcobwebb on October 11, 2007 at 10:12 PM in Everyday Drama | 2 comment(s)
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

Comment posted on October 13th, 2007 at 02:48 PM
Masama loob ko! haha di ako nakakaen sa animo partry...huhuhu amfufufuf! proque di ako nag-mass di na ako papakainin?! haha tae...

subtlebliss (guest)

Comment posted on October 13th, 2007 at 03:30 PM
kasi papunta punta pa