Manila Mania w/ Kristine
Ano ba yan, puros Xtin na lang yang title ko Mr. T! Hahaha --- anyways, I wasn't late for my RELSFOR class. It was held sa Smart Room kanina dun sa Miguel. And then, our teacher gave us an incentive na starting on Wednesday, ang perfect attendance and no late students won't be taking the final exam in RELSFOR. Saya di ba! Ginanahan naman ako dun. So yun, and then nakipagchat sa YM with Jeffrey from 910-1130am. Sobrang wala akong gigawa. Tapos BP na, grabe talaga, naduduling ako sa antok kanina kay Mr. Sipin. Iidlip sana ako kaso baka bumingo na ko kay Mr. Sipin. Tapos yun, naglunch kami nina Aubrey, Tin and Deck sa Kenny Rogers. Parang walang bukas yung inorder namin. As usual busog na busog na naman kami. Ang bibigat at ang lalake ng tiyan namin kanina. Grabe baket hindi ba ko tumataba eh sobrang takaw ko na! Wah. Anyways, yun, tapos nagConserv, nakiupo kami dun sa may natutulog. Buti mabait. Sabi ni Deck amoy laway daw yung table --- hahaha. So inalcoholan namin. And then had METHODS. Grabe hindi ko talaga malaman kung anong gusto ni Dr. Loyd! Nakakaiyak na. Parang lahat ng proposals ng mga groups mali. So yun, nagusap usap kami ng mga groupmates ko kung ano talaga gusto naming gawin. Magkikita kami tomorrow for the finalization ng proposal due on Thursday. Sheila was absent pala. And then, kasama ko si Anne bumalik kaming Coserv. NAKASALUBONG NAMIN SI ATKINS! Amfufufu! Pogi shet. So yun, tambay muna sa Conserv then umuwi na.
Eto ang mas mabigat sa kinain namin kanina Mr. T!, nasiraan ang LRT sa CENTRAL STATION at pinababa kami lahat! Wow! Wowowee Part 2? Naku, since wala kami sa mood ni Tin makipagsiksikan, naisipan naming bumaba na lang at magjeep papuntang RECTO station or any station ng LRT2. So yun, mukha kaming palaboy ng Maynila. Buti naman nakarating kaming LEGARDA station ng buhay. Dumaan kami dun sa likod ng SM MANILA at from there napadpad kaming San Sebastian at Mendiola at yun. LRT2 na sa awa ng Diyos. Nakasabay pa namin si Justin sa LRT2 at tinatanong kung baket kami dun sumakay. Anyways yun. Pagkadating ko sa bahay, tulog agad ako. Tapos around 9pm na ko nagising. So yun, si Rhitz nagiinvite manood tomorrow nung gusto naming panoorin pero sobrang bawal ako tomorrow eh. Sana na lang matuloy sila and hindi ako maging hadlang sa pageenjoy nila tomorrow. So yun Mr. T! Yan muna as of now. Update you soon ayt? Mwah mwah!