Hello Mr. T! You'll find out why ganyan yung title. First, birthday celebration ng pinsan kong si Jerold kanina. Pero October 3 pa yung original birthday niya. Since weekday, cinelebrate ng Saturday. Anyways yun, mga nangyari yester, had a bad RELSFOR morning. Wala akong Bible and assignment. Buti akala ni sister Marave absent ako nung Wednesday and sinabi niya okay lang. Tapos tinanong pa ko kung tagaBF Homes ako! Kamusta naman! Porket WEBB lang BF Homes na? Anyways yun, tapos grabe pinagrecite pa ko. Duduguin ako dahil bawal magtagalog shet.

          So yun, tapos nakita ko si Sheila sa Gox Lobby, nakiupo muna ko tapos ginawa ko na rin yung pinapagawa sa METHODS. Ayun, umupo na mga blockmates niya nung tumagal. Pinaguusapan nila ang Facebook. Grabe, ngayon lang nauuso yun eh ang tagal ko ng may account dun. Anyways, yun, had BPOUTSR nung 11:30am na. Tapos case study lang naman yung ginawa. Afterwards, umuwi na sina Tin and Aubrey. Si Deck naiwan kasi may meeting sila nina Carms for the SYSDEV2 project.

          So yun, I thought I could wait for METHODS to end to have lunch, which by the way ends at 3:30pm. So what I did was to not attend METHODS at all. Umattend naman mga kagroupmate ko. Ako kumain sa McDo with Angelica and Deck. So yun, after nun umupo sa Conserv kasi may make up class kami PRTEMAN. Dumating sa table si JM and Carms, dun sila nagkita kita nina Anjhe and Deck. Then PRTEMAN na, nagreport kami ng SDLC W-MODEL, naconfiscate phone ko ni Mr. Sipin. Sobrang kinabahan ako pero buti na lang binalik.

          And then yun, around quarter to 6pm, nagtext na si Jeffrey na nasa Tropical na raw siya. Weird nga eh, ako pa nauna sa kanya dun, san kaya galing yun? While waiting for Barry and Rhitz, nagProvidence muna kami for awhile and then tumawag na si Rhitz na malapit na raw siya. Umalis na kami ng Prov ni Jeff and met up with Barry sa CSB gate tapos yun, andun na yung kotse ni Rhitz. Since sabi ni Rhitz hindi na showing yung Lalaki Sa Parola sa Galleria, magisip na lang daw kami kung san pa pwede pumunta. Sabi ko na lang sa Galleria kasi dun na napagusapan at dun na lang rin tumambay.

Sa Loob Ng Kotse

          Grabe sobrang traffic papuntang Galleria. We took Quirino-San Juan way pero sobrang traffic pa rin. So bonding session muna sa kotse. Masakit ulo ko kahapon Mr. T! As in wala ako sa mood makipaglandian. Pero hindi ko na lang ininda. Sayang ang bonding moments with Jeff na paalis ng Taiwan. Ayun, kwento kwentuhan, tapos may nakasabay pa kaming poging nagdadrive --- hahaha. Picture picturan --- epal epalan. So yun, since tinumbok namin ang Greenhills Shopping Center, dun kami napunta. Ayaw na rin siguro namin makatikim ng traffic  sa Ortigas.

Terryaki Boy

          Ayun, nakapark din kami sa wakas. Ang layo nga lang sa Teriyaki Boy. Anyways yun, as usual Chicken Don na naman sa kin. Ayoko kasi naguulam ng Japanese food eh. Dapat papak lang. Hahaha. As usual, usap for life at bonding for life. Tapos nung busog na busok ako. May complimentary Maki at Gyoza pa kami from Rhitz --- hahaha. So yun... naghanap ng dessert ang mga hindi busog at napagdesisyunan nila, after umikot ikot sa Promenade, na sa...

FIC

        ....kumain. Labo, mukha kaming busabos dun sa may bench sa may Promenade. Anyways, masaya naman kami kahit mukha kaming epal dun sa gitna ng Promenade. Hindi naman sila naka FIC for their information. Weird, nakita ko si TJ tapos hinihintay niya si Karol. Grabe, nung sinabi kong sumibat na kami, si Karol --- nagGrand entrance! Ayun, ayoko magpakita kasi baka akalain niya I stood him up dun sa production nila. Eh totoo lang naman sinabi ko kanya eh, class ko from 8am-6pm. Ano pa kayang makikita kung tumuloy pa kong UP di ba? So yun, magdidinner sila ni TJ and sa CIBO yata sila kumain.

Cheesecake Etc.

          Hindi pa natauhan ang aking mga frienships, kumain pa kami sa Cheesecakes Etc. Eto na kung baket Oreo Cheesecake yung title nito, umorder lang naman kami ng isang buong cake nito. Walang slice slice whatsoever. Napurga ako Mr. T! Gusto ko ng isuka. Pero sayang ang 500php or 125php each times 4 kami. Hay, yun, at first kami lang customers, tapos nung tumagal dumami. Swerte ata kaming 4. Ayun, lakas ng ulan while sobrang sakit na ng ulo ko that time Mr. T! Tapos time to go na, naisip namin na ihatid na si Jeffrey sa Alabang since mahirap na umuwi ng ganoong oras kung magcocommute lang.

Sky Way or Hell Way?

          Naku nagbayad pa si Jeffrey para lang matraffic din kami sa Sky Way. Mas hindi pa traffic siguro kung hindi kami ngSky Way. Anyways yun, bonding as usual sa loob ng kotse habang traffic. Tapos nagpamasahe ako ng ulo kay Jeffrey at humiga na rin ako kay Jeffrey sa sobrang sakit na ng ulo ko. Grabe.

Alabang Hills

          Alast! nakarating din kami sa bahay ni Jeffrey. Nakigamit muna kami ng CR. Tapos nanghingi ako ng Biogesic. Wala kuya ni Jeff kaya yung pinsan niyang si Mark yung nagbukas sa min ng pintuan --- hahaha --- wala lang. So yun, sobrang sakit na ng ulo ko Mr. T!

Dreamland

          Pagkalabas na pagkalabas dun sa village nina Jeffrey nakatulog na ko Mr. T! As in, last na naramdaman ko eh yung parang umulan tapos nagising ako at nahatid na pala si Barry. Grabe! Nawala sakit ng ulo ko Mr. T! infairness. At hindi raw umulan, parang basang daanan lang Mr. T!  Ewan ko kung dream lang yun Mr. T! Pero parang muntik kaming mabangga or nahulog yung kotse sa isang hole. Wah... yun... zzzz....

P.S Nagcracrash pa rin THE SIMS 2 ko sa PC!!!! Hindi ko alam kung baket!!!!

Currently listening to: Runaway by The Corrs
Currently feeling: in love
Posted by jjcobwebb on October 6, 2007 at 09:18 PM in Everyday Drama | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.