I Wish Yesterday Didn't End
Sobrang blast kahapon mga nangyari Mr. T! First of all, nagenroll na rin ako kanina. Kasabay ko si Gilbert pala. Ang dami pa rin palang nageenroll sa last day of payment. So yun, kahapon naman, sa wakas, after not attending 2 classes of RELSFOR last week, nakaattend ako papaano kahapon. And then, tumambay muna ko sa Gox Lobby while waiting for BPOUTSR. Nakita namin ni Bo si Mr. Sipin lumabas ng Faculty Room. Since last time sabi niya baka absent siya for Friday, pinatanong sa kin ni Bo kung may pasok or wala. Ayun, wala nga. Sina Tin tinext ako na wala raw class --- social nila tinext sila ni Mr. Sipin kahapon. Ayun, dahil galing silang CISP, gusto nilang magkita sa Gateway para manood ng movie.
Gateway
So yun, I went there, pero parang si Tin lang gusto manood ng movie yesterday. Aubrey and Deck and me were not on the mood. So sabi ko dapat lahat sang-ayon kung ano dapat gawin. Eh halos lahat gusto kumain, so yun, nag Terriyaki Boy kami sa Gateway. Anyways yun, habang umoorder kami si Tin pumuntan munang CDRKING kasi ipapaburn niya sa kin mga Gamehouse games na dinownload ko. So yun, ang dami namin sobrang nakain. Nakalimutan ko na naorder namin pero umabot kaming 700php. Ayun tapos si Jeffrey nagtext na pupunta raw siya ng school para kung TOR niya at kung gusto raw namin magkita kita. Sabi ko go lang. Bago umuwi dumaan na naman kaming CDRKING para bumili ng CD PEN. So yun, umuwi na kami nina Tin. Kasama ko sina Aubrey and Deck sa train pauwi, si Tin sa kabilang train.
Promenade
Ayun, sabi ko kay Jeffrey sa Promenade na lang magkita since sobrang feeling ko hindi ako makakahabol kung sa Glorietta magkikita kita. Ayun, nageffort si Jeffrey pumuntang Promenade. Kainis talaga sa Ortigas mga bandang 4:00pm, sobrang traffic. Uwian kasi ng LGSH at XS. So yun, nung andun na ko, sabi ni Jeffrey magkita sa dating pinagkitaan namin. Grabe, hindi ko na matandaan kung san yun so sabi ko sa Theater Mall na lang kami magkita. So yun, nagNational Bookstore muna kami at wala ang book na hinahanap ko dun. Sina Barry and Rhitz susunod raw sa amin. Tapos nagShoppesville muna kami ni Jeffrey, umikot tapos nagjuice for awhile at nagkwentuhan. Then tumawag na si Barry na nagpapark na raw sila. Ayun, pumunta na kami ni Jeff sa Promenade. Habang naghihintay nag Circle Dome muna kami --- grabe kaaliw talaga tong game na toh. Nung wala na kaming coins umupo muna kami sa may nagpiapiano na kumakanta at pinanood muna namin siya. Galing nung kumakanta grabe nakakainlove shux. So yun, dumating na rin sa wakas sina Barry and Rhitz. Si Jeffrey feel na feel mag World Music Room so go kami.
World Music Room --- Family KTV
Room 6, grabe, ang liit ng room ha. Si Jeffrey sabi sulit raw ang 85php dun. Grabe Nachos lang at French Fries lang naman pala yung consumable shux. Pero pwede na rin. Minadali ko yung mga kinakanta ko habang sila kain ng kain --- hahaha. Ayun, dapat di ako nagbayad dahil libre pala ni Barry. All in all okay naman yung lugar. Mas maganda nga lang sound system ng Redbox pero pwede na rin.
Pho Hoa
Ayun, umikot ikot muna kami buong GH Shopping Center bago napag-isipang sa Pho Hoa kakain. Ayun, ang dami ko na namang nakain. Nilibre ako ni Barry this time ---- hahaha. Si Rhitz din ang daming inorder. Yung lemon ko nalaglag sa soup ko at natalsikan ako ng sabaw sa mukha at tshirt at sa table. Ayun, then si Barry nag-aya uminom. Hindi ko alam ano pumasok sa isip niya. Since ang Metrowalk malapit lang, dun namin napagisipang maginuman.
Metrowalk
Ang daming tao sa Metrowalk. Wala naman okasyon. Siguro Friday night lang talaga. Ayun, after umikot kung san san, napag-decidan namin na sa Decades uminom. Buti umabot kami sa Happy Hour. Buy 1 take 1 ang beer. Ayun, ganda ng pinapalabas sa loob mga concert ng mga iba't ibang artist. Tig-2 lang kaming beer. Tapos si Rhitz umorder na naman ng French Fries and salty Spicy Chicken Wings. Si Ate tumawag pa, hindi ko sinagot baka malamang nasa ganung lugar ako at malamang patay ako! So yun, kwentuhan and as usual, si Jeffrey hinanap ng mother dearest niya. So yun, we left the room as early as 10:30pm. Marami na ring tao that time so okay na ring umalis. Nagpababa si Jeffrey sa may EDSA na lang and magbubus na lang raw siya. Sabi ihahatid na lang siya pero mas gusto niya ata magbus. So yun, buti naman safe siya nakauwi.
Car Drama Rama
Ang weird dahil biglang nag-iiyak si Barry sa kotse. As in hindi ko siya kinaya. Nagulat kaming dalawa ni Rhitz kasi tumatawa lang siya tapos bigla siyang nag-iiyak. To cut it short kung baket siya umiiyak, umiiyak siya dahil sa mga lost opportunities. Grabe, so sabi ni Rhitz magkape muna kami so nagStarbucks Gateway muna kami.
Starbucks Gateway
Nahimasmasan na si Barry. Traffic sa Cubao grabe. Concert pala ng Fall Out Boy kahapon. Ang daming tao. So yun, usap usap kaming 3 --- malamang tungkol kay Barry. Ang weird talaga Mr. T! 2 SanMig Light lang yun nawala na siya sa sarili niya. Paano pa kaya kung 3 or more pa yun. Eh di nawala na talaga sa sarili si Barry. So yun, hindi na ko nagpahatid kay Rhitz, nagcab na ko pauuwi para hindi na out of the way at tuloy tuloy na rin siya sa EDSA.
To sum it all Mr. T! Sobrang saya ng araw kahapon. Actually feeling ko nabeat kahapon yung time na nagBaguio kaming 4. Mas masaya kami kahapon. Wala lang nafeel ko lang yun Mr. T! Ibang level yung happiness kahapon. Kahit na si Jeff umuwi ng maaga, sulit lahat ng nangyari eh. Ewan ko, ganun ata pagnagmamature --- wah! Ganun ba yun? Mas lalong nagiging close? Siyempre naman di ba, sino pa makakaintindi sa min eh di kami kami rin. Sana wag na kami ulit mag-away away Mr. T! Hay sobrang mahal ko mga kaibigan ko Mr. T!. I won't trade them for anything in the world right now --- kahit lovelife pa! Mwah mwah! Update you soon Mr. T! I love ya, I appreciate ya, I enjoy ya! :)