Bicol Express Talaga
Well hindi siya yung pagkain Mr. T! Bicol Express kasi super express ang pagpunta namin sa Bicol. Roughly 24 hours kaming gising at nasa kotse. Ayun, yesterday kauuwi lang namin. Nung paalis kami, hindi ko alam kung saan nakuha nina ate yung Expedition na sinakyan namin. Pinambayad daw sa utang sa kanya yung kotse sabi niya. Ayun, with Erwin, Ate, Mama, Manang Luz, Page, Mabel and Carmy mga 11pm umalis kami. Tapos sinundo muna namin si Mang Jun sa kanila kasi siya yun magdadrive til Bicol. Ayun, grabe, 8 hours kami nasa kotse. Ang hirap pa ng lagay ng paa namin sa likod nina Page and Carmy. Tapos around 7am nasa Naga City na kami. Had mass dun sa Shrine ng Peñafrancia and then pumunta naman ng Nabua. Binisita lang ni Erwin yung lupa raw nila dun at kumain muna sila. Ako hindi kumain dahil wala ako sa mood. And then pumunta kaming Legazpi, Albay para masilayan yung Mayon, unfortunately, cloudy kaya hindi namin nakita in full glory ang world famous Mt. Mayon. And then from Legazpi, Albay, tumuloy naman kaming Sipucot, mga 3 hour-drive siya. Ayun, binisita namin sina Auntie Susan and si Kathy and yung anak niya. Wala yung asawa ni Kathy dun. Grabrielle pala yung name ng anak niya. Tapos, kumain muna kaming pancit at malagkit habang naguusap usap. Ako nakitulog muna ako sa kwarto nina Kathy dahil antok na antok na ko. Tapos around 4pm umalis na rin kami. Nadaanan namin si Kuya Joel pala sa del Gallego, grabe may party sa kanila at sabi uuwi na rin daw siya ngayon. So yun, naipit pa kamay ni Manang Luz sa bintana ng kotse... hahahaha. Around 7pm, kumain muna kami sa isang carenderia sa Quezon. Sarap ng pagkain nila dun. Sinigang, Lapu-lapu, pusit etc. Tapos yung mga 11pm nakarating din kami sa bahay. Sobrang hilong hilo ako kagabi Mr. T! Pero buti nakatulog ako putol putol nga lang sa kotse. Anyways, kahit pagod masaya naman. Nakay Kathy pala pix namin wah... Sige til here muna Mr. T! Mwah!