Welcome Back Part 2
Ayun, eto nga ang part 2 Mr. T! Well, Welcome Back rin title nitong entry nito kasi si Jeffrey nagparamdam na. Ang saya di ba? Kasi ganito yan, last Saturday night nag-online ako, himala, nag-online din siya. Hindi ko alam baka invisible lang siya sa kin pero anyways yun. Dapat imemessage ko siya pero nauna siya magmessage sa YM. Ayun, nagulat ako dahil kinumusta niya ko. Tapos ayun napag-usapan na nga namin mga naging problema nung iniwan niya kami. Browse niyo na lang entry ko nung May kung gusto niyo malaman yung kwento. Anyways yun, narealize niya impotance namin and mga ganung eksena. Siyempre ako masaya dahil nga nagbalik siya. Grabe, parang nung nagiinarte siya kinain ko lahat ng pride ko maayos lang kami. Ang pangit naman siguro kung inaway ko pa siya lalo nung binati niya ko di ba. So ayun, sabi niya isecret ko muna kay Barry and Rhitz. Hindi ko alam kung baket kailangan ako una niyang batiin. So yun, parang walang nangyari. As usual umiral na naman kagagahan namin online that night. Gusto niya raw kami magkitakita. So sabi ko na ako na bahala dun. So ayun, sinet-up ko nga na kahapon or kanina magkita sa Glorietta, second home namin. Anyways yun, gusto ko maiyak talaga dahil binati niya na kami. Kahit binagsakan niya ko ng phone, kahit super deadma siya sa amin. Madali naman ako magpatawad Mr. T! Nakita ko rin naman importance ni Jeffrey nung kaming 3 na lang nina Barry and Rhitz magkakasama. Somehow may kulang talaga. Anyways yun, ang sad lang kasi, aalis din si Jeffrey for Taipei kasi dun na siya magwowork. Alam mo yun, parang gusto ko sabihin na sana di ka na lang nagparamdam eh aalis ka rin naman. Pero mas maigi na rin siguro na nagkaayos kami di ba? Ayun sad lang. Sinabi ko sa kanya yung mga plans namin for his graduation, yung plan na puntahan siya at kung anu-ano pang mga nangyari nung panahong hindi na niya kami iniimik. Ayun, nagkwento rin siya about sa mga happenings sa buhay niya. Na ang hirap magpanggap with all your "different" friends out there. Nakakatawa mga kwento. Parang ikamamatay ko ata yun kung ako nasa sapatos niya during those times. And then yun, planado na lahat for Monday (kanina). Ayan, fast forward na tayo Mr. T!
*NOTE YUNG ENTRY SA BABA SUMMARIZED NA DAHIL NAGCRASH PC KO SO BALI YUNG ENTRY SA TAAS LANG ANG NASAVE
So yun, nagkita kami ni Jeffrey sa Tropical. Nagusap dun pero hindi naman umorder. And then nagProvidence. Sumunod sina Tin, Deck and Aubs dun. Tapos around 12:30 pm we went seperate ways na pero ako at si Jeffrey magkasama pa rin to meet with the Godesses. Ayun, nagLRT and MRT kami. Tapos sa Digita Exchange namin mineet si Barry na nasa phone. Buti naman hindi nagtaray si Barry. Ayun, tapos kumain kaming Tokyo Tokyo tulad ng dati. And then dumating si Rhitz, hindi prepared. Tapos nagTIMEZONE kami sa GB3 tulad ng dati. Ayun, pinavideoke na naman ako ni Jeff. Twice ko nakanta yung CHANGES IN MY LIFE for this day. And then sina Barry and Rhitz nagpinball, nagbarilan, tapos lahat kami nag CIRCLEDOME. Wah, nagTILT pa yung unit na nilalaro namin! Hahaha... so yun. Tapos tumambay kami sa Powerbooks. Nagusap usap. Nagkaayos na rin sa wakas. And then since sasabay si Jeffrey sa kanyang forever overprotective mother, by 7pm umalis na siya nung nasa Jollibee na kami. Nakakatuwa dahil parang walang nagbago sa min. Ganun pa rin, palakad lakad. Di alam kung san pupunta. Kwentuhan kung ano lang maisipan. Asaran pa rin. Kulitan. Siguro may mga bagay na mababago pero feeling ko babalik rin halos lahat sa dati. Though sadness nga lang si Jeffrey aalis for Taipei, hindi na naman kami kumpleto. Ayun, nagMRT kami umuwi ni Rhitz and Barry. Pagkauwi ko tulog ako agad. So yun, 2:28. Leche nabura pa yung una kong entry! Shetness talaga. Some realizations lang, siguro kahit gaano galit ko sa isang tao, madali ako magpatawad. Ewan ko, natutunan ko yun kasi wala rin naman akong mapapala kung hindi kami magpansinan. Hindi maayos ang problema kung hindi kasi pinaguusapan yun eh. Sana we'll always stay this way. Laging masaya, kahit may kontrabidang mother okay lang. Kahit na aalis si Jeffrey sa malayo. These things add spice to life. Wala lang, masaya ko kasi buo na ulit kami. Parang Dreamgirls talaga ang kwento. So yun, sobrang happy ako. Ang sarap isipin na bawat friends mo eh importante ka sa kanila and importante rin sila sa buhay mo. Sana hindi na maulit yung mga madadramang moments nun. Hello tanda na rin namin para mag-ayaw ayaw na parang mga bata di ba? Hay... ang saya. I just realized that I don't need a boyfriend after all cause I have the 3 of them! Hahaha --- sige sige update you soon Mr. T! Ayt? I love ya, I enjoy and appreciate ya! Mwah!