Shet Mr. T! Sobrang kinabahan ako kanina kay Deck. Akala ko iiwan na naman ako ng isang kaibigan. Hay... buti na lang drama lang niya yun. Ganito kasi yan, gusto namin ni Tin pumuntang G4 tapos si Aubrey sasama na. Eh si Deck ayaw, nasa Jollibee kami nito ha. Ang dami ng PVP Liner na dumadaan eh. Tapos nung ayaw ni Deck sumama, kinuha namin ni Tin yung laptop niya tapos ako nagbuhat. Grabe, tapos yun umalis si Deck at iniwan kami. Sobrang hindi na siya bumalik ayun kinabahan na ko. Una naghintay kami kung babalik siya. Eh hindi, so pumunta kaming National to check him there pero wala, tapos pumunta kami sa mga Lab sa Gox pero wala. Last chance namin sa Yuchengco Lab. Grabe wala rin. Tapos nagtext s Anjhe na hinahanap raw kami ni Deck at pinababalik yung laptop. Ang masama nito, nasa bag rin ni Deck yung laptop niya... hay. Ayun, nagkita kami Gox Lobby. Sobrang naiyak raw si Deck sabi niya. Sobrang naguilty ako. Sabi naman nina Tin chill lang ako pero hello Mr. T! di ba... nadala na ko sa ganyan. Iniwan na nga ako ni Jeffrey pati ba naman si Deck. Naku ayoko ng mawalan ng kaibigan hay. Ayun, tapos nagusap muna sina Tin and Waway may gagawin ata sila sa ORGBEHV nila. So yun, after nun, nagROBPLACE kami. Ikot ikot. Tapos kumain sa Auntie Anne's. Tapos sumama tiyan ko, nagCR ako sa mall tapos ang sama dahil sira yung flushing system. Shet sobrang nahiya ako tumakbo ako palabas para hindi makita mukha ko. Tapos yun, umuwi na kami. Tapos as usual tulog pagkauwi. Si Barry nagtatampo or nagseselos kay Jeffrey kasi may bago atang post siya sa Multiply. Normal lang yun, sabi ko kay Barry live and let live na lang. Kung san siya masaya dun siya. Di ba Mr. T! Tapos kanina sina James and Co. pumunta dito sa bahay. Birthday niya pala. Tapos nanay ko nagtreat ng pancit --- oh di ba social. Ayun, tapos ngayon eto inuupdate kita. Ano pa ba... hmmm... basta yun Mr. T! Ang haba nga pala ng pila para sa ticket ng ADMU vs. DLSU as in. Mula Yuchengco elevator malapit sa SPS hanggang SJ Walk. Kamusta naman di ba. Tapos INTPHIL Q2 kanina. Grabe sobrang hindi ko na alam pinagsasagot ko. Kanina gusto ko talagang tulungan si Bo sa SYSDEV2 pero hopeless talaga ko pagdating sa programming Mr. T! Hay... ayun, ang ingay na naman ni Effie. I miss my "Dreamgirls" Mr. T!.... update you soon...

Currently listening to: And I Am Telling You by Jeniffer Hudson
Currently feeling: apathetic
Posted by jjcobwebb on July 23, 2007 at 10:43 PM in Everyday Drama | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.