Kilala mo ba yan Mr. T! Hahahah --- dati naalala ko ang Jem and the Holograms 10:00am - 10:30am sa ABS-CBN. Tapos every Tuesday siya pinalalabas. Sobrang nakakatuwa kasi nung bata ako sobrang gustong gusto ko tong palabas na toh --- ewan ko ba, bata palang talaga ako eh bading na ko. Anyways, yun, salamat sa Youtube at napapanood ko siya in my spare time. Ayun nga lang basically ginawa ko for this day eh. Nanood ng Jem sa Youtube. Hindi ko kasi natuloy toh nung bata ako eh... aroung 1994 ata toh pinalabas sa Channel 2. Pero nalaman ko na sa America 1985-1989 tumagal yung show at nagkaroon pa ng mga Jem Dolls dun na naging patok. Anyways ganito kasi kwento niyan eh, si Jem ay ang alter-ego ni Jerrica. Pinamana ng dad niya sa kanya isang device na ginawa para magproject ng Hologram. Tapos tong device na toh eh ang tutulong kay Jerrica and mga friends niya talunin ang mga Misfits na isa ring all-girl rock band. So basically mababaw lang siya. Umiikot ang storya sa paggawa ng disaster ng Misfits sa Jem and the Holograms. Pero lahat ng disaster nalulusutan naman nila. Marahas pala tong cartoon na toh ngayon ko lang narealize. Puros sapakan, sampalan, kaguluhan... ahahaha... pero masaya pa rin panoorin. Ayun muna update ko Mr. T! Ayt? Mwah mwah!

Currently listening to: When She Cries by Restless Heart
Posted by jjcobwebb on July 22, 2007 at 11:20 PM | 2 comment(s)
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

subtlebliss (guest)

Comment posted on July 24th, 2007 at 01:01 AM
ahahaha... paborito ko yung TRULY OUTRAGEOUS by Jem and the Holograms... grabe na toh! ahahaha...
Comment posted on July 23rd, 2007 at 11:45 PM
I said it before, I'll say it again: I LOVE JEM!!!

Jacob, may favorite song ka na? Ako, may favorites per band..

1. "Jealousy" by Jem and the Holograms - kahit na once lang ever nila kinanta, I love this song..

2. "I Am a Giant" by The Misfits - actually, love ko almost lahat ng songs nila, pero this song is the only one with two versions..

3. "Destiny" by The Stingers - Kasi this is the only song that the girls sing sa verses and not sa chorus lang..

Ang haba.. Sorry, labo.. Haha! :)