Grad Pic Photoshoot and Overnight sa Bahay ni Bo
Hello Mr. T! I'm alive! Ayun, dami nangyari kahapon. Una late ako sa PROBSTA. Ewan ko, bago na ata classroom namin dun kasi second time na toh na sa G210 kami nagclass. Tapos nakakaiyak ang INTPHIL first exam ko --- 59/100. Nakakalungkot pero marami naman mas mababa sa kin. Sabi ni Ms. Velasco pwede pa raw makabawi yun. Tapos pictorial namin. Ayun, pero bago yun, tumambay na muna kami sa may Chizzy, Sherwood. Kaaliw yung place. May basketbolan tapos may billiards, tapos may kainan tapos may network gaming din. Kulang na lang videoke kumpleto na. May maganda rin silang sofa na muntik ko ng tulugan. Ayun, si Deck umuwi tapos kaming 3 kumain sa Joey's dun din sa Sherwood. And then naligo na sa Sports Complex. Grabe bakla pa ata yung kasabay ko sa shower room tingin ng tingin amp! Ayun, so mga 1:20pm nandun na kami sa SPS para sa photoshoot. Kaloka puros bakla nasa loob. Ayun, nalaman lang nilang bakla ako nung sinabi kong baket hindi ako minakeupan. Kala raw kasi nila lalake ako kaya powder lang nilagay sa kin. Yun naaliw sa ngiti ko yung photographer kasi consistent raw. Malamang! Minemorize ko ata ngiti ko. Tapos nag-group pic kami with Mel and then kumain sa McDo. Tapos umuwi muna ko bago pumunta kina Bo. Around 8pm ako pumunta kina Bo. Nagcab ako. Tapos yun, mga 9pm andun na ko sa Makati. Puros babae pala sina Bo. Pagkadating ko dun gumagawa si Anne tapos si Waway nagPPS lang. Ayun so ako rin nakilaro habang yung dalawang babae nagpoprogram. Tapos nung nagkatamaran na naglaro na lang kami ng cards. Tapos ganda pala nung pinakaate nina Bo, na si Bap. Cute ng mga pangalan nil... Bap, Beep, Bo pero yung bunso Apple ang name. Ayun, tapos mga bandang 3am na kami nakatulog. Tapos nung umaga na, ako ata nagising ng maaga. Tapos yung kapitbahay puros Air Supply pa pinatutugtog. Mga 11am kami umalis ni Anne. Nagcab kami to school tapos ako from there nagLRT and LRT2 na.
Pagkauwi ko naman, kanina lang, sumama ako sa megamall kay Kuya Joel. Buti may hatid kasi susunduin niya si Emo sa megamall. Andun sina Ate and Erwin din. Pinatingin ko yung screen ng laptop ko kasi may mga blotches. Sabi raw mga 2-3 weeks ko makukuha dahil dadalhin raw sa supplier. Sabi ko sa Term Break na lang kasi kailangan ko pa gamitin. And then nagtext si Barry nasa Gilmore daw siya pinaayos PC niya. Ayun kaladkarin ako eh, so sumunod ako. Ayun kumain kami sa Little Store. Hindi namin naubos yung lumpia namin. Libre pala ni Barry yung food. Hahaha... at ang sira ng PC niya bumigay ung isang RAM. Anyways, ayun, ang labo ng ulan, pabugso bugso. Si Karol din nagtext kanina gusto rin pala makipagkita pero nalate reply ko. Tapos ayun, nagbantay na ko ng Drugstore. Buti naman gawa na yung DSL at ayun download na naman ako ng download. So yun muna Mr. T! Ayt? Update you soon! :) P.S. Si Jeffrey raw nagonline kagabi sabi ni Rhitz --- kabaliw yung text ni Rhitz may bitch pa! Kaloka. Gusto ko na nga maayos eh. Sabi ko kausapin niya pero hindi niya ata kinausap. Sayang wala ako sa bahay kahapon at hindi ako nakapagYM. Anyways...