Free LRT1 and LRT2 Ride
Yes Mr. T!. Tama ang nababasa mo. Libre kanina ang LRT1 and LRT2 bandang 5pm-7pm. Good thing hindi kami umalis agad ng school at tama ang prof ni Anne --- hahaha. Anyways yun, nag-aaral ako ngayon ng PROBSTA dahil may quiz kami tomorrow pero walang pumapasok sa utak ko. Kaninang umaga ako pinabili ng Shellane. Grabe para kong aatakihin sa paglagay nung hose kasi baka sumabog. Tinawag ko pa talaga si Mabel para magpatulong grabe na toh. Tapos ayun pumasok na ko. MOFTECH lang subject ko kanina. Debate ng mga groups kanina, galing ni Tin kaso 9 votes lang nakuha niya compared to 19. Tapos ayun, tumambay muna sa ORGBEHV classroom nina Tin and Aubs, tapos nagERIC's with Anne kumain siya nung buko pandan shake --- na akala namin salad. Pagtapos nun nagUM kumain ng Siomai, ng Kwek-kwek. Tapos nagyosi si Anne tapos nagMCDO kami. Ayun, yung meal na 39php yung binili ko thanks dun sa stub na binigay sa min nung papunta kaming RP. Nakita ko si Limgenco, 4 terms pa raw siya. Nauna siya umuwi. Hmmm... tapos ano pa ba, nakita ko si Rhitz sa McDo, I was calling him pero hindi niya ata ako narinig. Ayaw ng wifi ng laptop ni Anne sa McDo kainis. Ayun, may super gandang app si Anne sa laptop niya, MiniLyrics yung name. Para siyang lyrics searcher tapos ang good thing about it is umiilaw kasabay nung mga words sa kanta yung mga letters. Amazing! Hahaha --- parang Videoke. Binigyan ako ni Anne ng kopya pero di ko pa naiinstall. Sobrang kaaliw, yung Makes Me Wonder ng Maroon 5 grabe ang galing, para kaming nagvivideoke sa McDo kanina tapos pati yung Iris ng Goo Goo Dolls. Tapos yun, dumating si Tin and Aubrey. Kumain si Aubrey sa McDo tapos fly na kami. Ayun, sa LRT2 nagroundtrip ako para mas mahaba bonding namin ni Tin --- which means sa Santolan station ako bumaba tapos tumalon sa kabilang train na pabalik sa Recto. Grabe feeling ko yung lalakeng nakapink sa LRT2 kanina topic namin kasi agaw pansin yung shortpants niya. Basta yun. Dapat magUUP kami at magiikot ikot pero naalala ko may quiz pala ko. Kaya eto, hindi pa rin ako nakakapagaral. Nagflyff lang ako at binurn ko lahat ng CD ng The Sims 2 para maayos. So yun, update you soon Mr. T! Ayt? Mwah mwah!