May 22, 2007
Shrek 3
Hello Mr. T! Buhay na ulit ako. Medyo hindi na masakit sunburn ko sa likod and I'm feeling fine. So ayun, kahapon sobrang impromptu nakanood ako ng SHREK 3. Maraming salamat kay Tom na bukas loob akong sinamahan manood sa Promenade kahit napanood niya na yung movie. Supposedly dapat sa G4 or GB3 kami manonood ng SHREK 3 pero since masakit talaga kahapon yung likod ko dahil sa sunburn, pinakiusap ko na lang na sa Promenade para mas accessible sa kin. Muntik ko ngang icancel kasi ang lakas nung ulan pero buti tumila. Ayun, while waiting for Tom sa Greenhills bumili muna ko nung F&H na shirt sa Theatre Mall. Isa lang nabili ko kasi yun lang yung Small na size, lahat XS na --- kamusta naman di ba. Well around 6:30pm nagstart na yung movie. 3 out of 5 stars yung SHREK 3. Mas maganda for me yung SHREK 2. Parang wala ng maisip yung script writer na kwento na kailangan lang talaga nila gumawa ng sequel. Pero all in all maganda naman at nakakatawa at nakakaaliw...blah blah. And then pagtapos ng movie dapat kakain kaming Gateway pero since wala kaming mahanap na cab, sa Tokyo Tokyo na lang kami kumain. Grabe, nakailang ikot kami sa buong Greenhills Shopping Center sa totoo lang. Pero fun naman dahil ang dami namin napagkwentuhan ni Tom. Grabe, lahat ata ng lugar na napadpad kami katapat ng aircon. Sa movie house ang lamig, pati yung sa Tokyo Tokyo ang lamig. Ayun tapos around 9:30pm umuwi na kami. It was fun. So yun, pagkauwi ko umiiyak na ko dahil hindi ko mahubad ang tshirt ko sa sobrang sakit ng likod ko. But anyways yun, masarap naman kasi matulog sa aircon kaya parang nawala yung sakit.
Kanina naman, wala, lumamon lang ako ng lumamon dito sa bahay, simula umaga hanggang ngayon. Grabe buti na lang nakapaggrocery kami sa Subic. Ang dami talagang pagkain dito sa bahay ngayon. Wala kang karapatang magutom. Sana laging ganito. Tapos nakatulog ako mga 3pm - 7pm. Kamusta naman di ba. So yun, tapos text ako ng text kay Jeffrey, nakikipagpeace na ko pero lahat ng effort ko lead to nothing. Hay --- hindi ko na alam gagawin ko. Gusto ko man tawagan feeling ko idodrop niya lang yun call. If he wants it that way bahala na siya. Hay, nakakalungkot Mr. T!. Anyways, pasukan na bukas. 8:00am ang start ng class ko and around 10:20am uwian ko. Hahaha --- sobrang light ng load ko ngayong term Mr. T! Sana naman wala na kong ibagsak nito! So yun, sana magising ako bukas ng maaga Mr. T! Wow maglelevel 30 na pala ako sa FLYFF hahaha, miss ko na rin si Jeffrey sa FLYFF :( Hay... ayaw ko talaga ng mga kaaway. So ayun, I'll update you soon ayt! Love you! Mwah mwah!!!