Karol Karol Karol
Hello Mr. T! Nice to be back. Sorry wasn't able to update you yesterday dahil wala naman akong masyadong ginawa kahapon. Pumunta lang sa QC at nagscan ng document ka kailangan para dun sa Canadian Embassy. So yun, kanina nagtext si Karol around 5pm magmeet raw kami sa Galleria around 6:30pm. Good thing is, andun ako with my mom and bro. While waiting for 6:30pm sabi ko kay Karol 7:00pm na lang para makapamili pa ko. So yun, nakabili ako ng T-shirt ulit sa F&H and then pants sa Bench. Then kumain kami ng mom and bro ko sa Chef d' Angelo. Namili rin mom ko ng damit for herself and then after nun nagtext si Karol na nasa Galleria na raw siya. So yun, I left my mom and bro tapos nagrocery na sila afterwards. Tapos nun eh time to meet with Karol na after almost 6 months.
Ayun, tumaba si Karol, naka F&H na T-shirt din --- hahaha. Uso ata ang tshirt na yun. Then umikot ikot kami sa Galleria. Naghanap siya ng baso. Tapos nakita niya yung binili kong tshirt sabi niya na yung 500php na tshirt na binili ko sa F&H eh 250php lang sa Theatre Mall. So grabe, hindi ko kinaya yung narinig ko, eh dun sa Robinson's 10% lang yung nabawas dahil sale nga, tapos dun sa Theatre Mall 250php lang tapos hindi sale? Wow! Sabi ko kay Karol punta kami dun ora mismo. So yun, nagbus kami til Greenhills --- grabe ang traffic. Nagpapalibre pa si Karol ng isang tshirt sa F&H, grabe pumayag naman ako! So yun, buti na lang! Pagkadating namin sa Theatre Mall eh pasara na ayaw na kami papasukin dun sa entrance na kaharap ang SHOPPESVILLE ! So pumunta kami sa CINEMA para pumasok sa Theatre Mall. Grabe, hindi kami napansin ng Guard. And to our un-luck, nakapasok nga kami, sarado na yung F&H. Hahaha --- too bad hind ko malilibre ng shirt si Karol. So yun, nag-ikot na lang kami Virra Mall and then sabi ko nood na lang kami SHREK. Nagpapalibre na naman ang Karol. So sabi ko sige, nung nasa Promenade na kami, buti na lang --- mahaba ang pila!!! Hahahaha --- tinamad kami manood. Grabe ang dami XS batch '04 kanina sa Promenade. Andun din si Alejandrino kasama ibang batchmates para manood ng Shrek 3. Goodness ha --- ayaw ko sila pansinin kanina pero wala kong magagawa dahil si Karol bati ng bati sa mga batchmates. Yung mga andun sina JP, Anton, Mark, Jeffrey, Clark, Patrick, Angelo <--- grabe mga matatalino hindi ko kinaya. After nun kumain si Karol sa CINABON, thank God hindi nagpalibre! Ayun, usap usap and then umuwi kami. Guess what Mr T!?! Nirelive namin ang HS days by walking from Virra to his house. Grabe, masaya Mr. T! Ang tagal ko na rin hindi nalakad yung Ortigas. Ayun, habang andun naguusap kami, kwento kwento, reminiscing HS days at kung anu ano pa. Tapos yun, nakarating din kami sa bahay nila. Ayun, si Margareth ganun pa rin, si Ivan grabe ang tangkad na, mom ni Karol tumaba, si Kat ganun pa din. Sabi ni Margareth gumwapo raw ako! Hahaha --- pero lahat sila nag-aagree pumayat ako. So bali yun, pinakita ni Karol mga pics niya sa CMC, pinarinig yung kanta ng friend niya, dinownload yung kakantahin ko for the Mass. So bali yun mga ginawa namin Mr. T! Sa bahay niya. Tapos ang bait pala ng aso nila. Si Choy-choy, isang Chow-chow --- hahaha. I missed those days na palagi ata akong nasa bahay ni Karol nun. Wala, masaya alalahanin. It's good to know that after all these years intact pa rin friendship namin ni Karol kahit hindi na kami masyadong nagbobonding or naguusap personally. Sana magawa namin ng mas madalas yun. And sana rin yung sila KRV and Wilmer din... grabe nakakamiss sila. I love them Mr. T! :)
It's 1:40am na --- gigising na mga tao mamayang 4:00am dahil pupunta kaming SUBIC. Sabi ng mom ko gisingin ko na lang sila... hahaha. Update you soon Mr. T! Mwah mwah!!!