May 12, 2007
Kobe's 7th Birthday
Hello Mr. T! I'm back. Hmmm... nagsimula araw nung nagising ako sa bahay ni ate. Grabe ang sarap tumira sa kanila! Lahat ng katulong pinagsisilbihan ako! Hahaha... sarap ba ng breakfast. Kahit anong gusto mong kainin meron ata sa ref nila. Hindi tulad dito sa bahay! Poor! Hahahah... pero mahal ko tong bahay namin noh! Anyways yun, tapos nun, umuwi ako, pumuntang Makati and then sinamahan si Mau and Carmi sa RCBC. Nagonline na rin sa wakas si Barry and nakapagusap kami after a long time. It's good to know marami siyang ginagawa and he's not thinking of somebody not-made-for-him anymore. Mabuti naman di ba? Birthday kanina ni Kobe, hindi masyadong grande since sabi gagawin na lang Saturday or Sunday yung official celebration. Nagkaroon lang ng maliit na kainan and videokehan sa bahay nila kanina. So yun, grabe ang tanga ko Mr. T! Nawala ako sa Makati kanina. Nung pauwi na ko hindi ko binasa yung plakard ng JEEP. Dapat BUENDIA-MRT STATION sasakyan ko. Eh sa sobrang tagal na puros punong jeep, GUADALUPE-SOMETHING nasakyan ko! Grabe, nawala ako sa sarili ko nung nagFLY OVER na yung jeep sobrang kinabahan ako. Feeling ko talaga mawawala ako. So yun, pagkababa na pagkababa sa FLY-OVER nilakad ko until GUADALUPE MRT STATION. Grabe! Para akong busabos sa EDSA kanina! Hindi ko akalain malalakad ko yung ganung kalayo! Naku talaga ang tanga tanga ko. Tapos sa loob naman ng MRT, yung lalaking katabi ko feeling ko hinaharass ako! As in talaga Mr. T! Yung kamay niya nakabalot na sa buong katawan ko tapos yung THING niya nafefeel ko as in sa aking behind. Tapos nung bumaba ako sa CUBAO bumaba rin siya tapos tumitingin sa sa kin! Naku! He's gay I know! Grabe... binilisan ko yung pagbaba ko! So yun, tapos grabe may nakasakay ako sa Jeep na bata. Sabi niya hindi niya raw iboboto si ERAP dahil kurakot daw. Grabe, gusto ko maiyak talaga. Naisip ko kung ganun lang ang mentalidad ng mga boboto sa Monday eh may pag-asa kahit konti mabago sistema ng politika dito sa Pilipinas. Hay Mr.T! Nakakatuwa yung bata, kung pwede nga lang makisabay sa pag-uusap eh sumama ko pero heller... hindi kami close. Eheheh... basta ganun nagyari ngayong araw na toh. May second update ako for today okay lang ba? Basta I'm feeling sad again eh... sige sige... susulat ko na next update ko :)