Hello Mr. T! Andito ko sa bahay ngayon ni Ate. Habang nanonood ng MYX. Sad ako Mr. T! alam mo naman yung dahilan di ba. Pero okay lang naman, dapat pa ring maging saya. Ang hirap ng ganito noh... hehehe. Hmmm.. 1:57am na at dapat tulog na ko, pero since hindi pa rin ako inaantok eto update muna kita. Dapat pupunta kong Makati awhile ago pero pinapunta ko ni Ate dito so yun. Tumulong na lang ako sa paghanda ng mga kakainin sa birthday party ni Emmo. Ayun, nagbake kami ng pizza, nagmicrowave ng popcorn, nagbarbecue, naglagay sa tootpick na may flag ng hotdog and marshmallow and nagprepare ng salad. Grabe Mr. T!, narealize ko ang sarap maging chef. Hay eto na naman ako, 4th year na eh gusto pa rin magpalit ng course but anyways yun. Masaya yung naging party. Dumating mga relatives namin and mga iba ko pang pamangkin. Grabe, tinamaan ako kanina ng Johnny Walker whisky ha! Grabe as in hilong hilo ko kailangan kong humiga. Sobrang lakas ng ulan kanina. Nawala pa sina Carmi and Mau papunta dito. Ako pa sinisisi kasi di raw ako nagpunta dun... hahaha. Anyways yun, miss ko na ang school. One more week and few days na lang naman pasukan na rin. Ano na kaya nangyayari kay Rhitz and Barry. Buti pa sila ang productive ng summer. Si Jeffrey naman may trabaho na. Those things make me depressed Mr. T! I know I can much better than bum myself inside the house. Pero ewan ko, I feel like I'm retracting myself to do these things. Bum na wala pang lovelife --- kung pwede lang isa kina Barry, Rhitz and Jeffrey gawin kong bf okay na! Ewan ko ba, gusto ko silang 3 bf ko kasi ang babait nila and sila lang yung mga nilalang na kilala ako inside and out! Wala sa kanilang tatalo!  Hahaha...I love them all pero they're all off limits to friends... hahaha! Ligawan lang ako ng isa sa kanila sasagutin ko eh... hahah... pero di ata nila ko type... funny noh Mr. T! Hot, hot ko pa naman... hahaha. (Nasisiraan na ata ako!) But anyways yun, si Karol nagmessage kanina. Nagrerequest na kumanta raw ako sa Fiesta nila sa Naic, Cavite sa May 31. Though may pasok kami nun, I'd cut for him dahil gusto raw ng mga kapatid niya na ako kumanta ng responsorial psalm sa Mass. Hmmm... ano pa ba. After birthday ni Emmo, birthday naman ng isa ko pang pamangkin na si Kobe. 7th Birthday na niya. I have no clue kung kakain ba kami sa labas or magluluto na lang.
 
        Hmmm... oh, on the other side of the story, dumating na ng Saudi Arabia si Tito Boy, asawa ni Tita Nita. It's sad dahil dumating siya na may sakit at nakawheel chair. Inatake kasi siya sa puso sa Saudi. Sabi ni Ate parang gulay na raw siya at hindi makagalaw. Ang mas malungkot pa, may bukol siya sa ulo nadect at sinasabing pwedeng cancerous. Hay... kawawa naman si Tito Boy. Malaki utang na loob namin kay Tito Boy kasi dahil sa kanya nakapagtrabaho si Papa sa Saudi rin. Kaya kanina pa tawag ng tawag si Papa kay Ate para icheck at bigyan ng instruction si Ate para kay Tito Boy. Kasama si Mama kanina ni Ate nung dumating na si Tito Boy. Dinerecho siya sa hospital. Sa UE Hospital ata. Sana gumaling pa siya. Baket kung sino pa yung mga mababait na tao Mr. T! sila pa yung nabibigyan ng ganitong problema. Alam ko naman may way si God kung baket niya binigay siguro yun. Hindi naman magbibigay si God ng problemang di natin kakayanin di ba. Hay... yan siguro ang isang mahalagang fact of life na natutunan ko lately. Anyways ayun, Mr. T! All in all mixed emotions and day na toh. Masaya and at the same time bothering. Pero everything turned out well. I'm anticipating on what will happen mamaya sa birthday ni Kobe. Hahaha... si Kobe na takot sa Mascot at Clown. Hindi ko alam kung paano niya icecelebrate 7th Birthday niya. Sarap magFlyff Mr. T! Hehehe... update you soon Mr. T! Love you!!! Mwah!!
Currently listening to: Girlfriend by Avril Lavigne
Currently watching: MYX - Avril Lavigne: Girlfriend
Currently feeling: sad
Posted by jjcobwebb on May 11, 2007 at 02:21 AM in Everyday Drama | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.