Hello Mr. T! Holiday kanina. Umaga na kasi eh. So yun, akala ko May 2 ang Holiday... oh... Happy Birthday pala sa ATE ko! Wahaha... birthday niya ngayon. Anyways yun, we've spent almost half our day EATING!!! I mean EATING... yung LAMON... hahaha. Ganito ha, umaga pa lang pinapapak ko na ang MILO, tapos nagTRIX pa ko. Tapos may BREAD pa sa lamesa. And then pumunta kami sa bahay ni ate, naku, bagong grocery siya, so, naubos ko yung Yakult, nilantakan ko mga tsokolate sa ref niya, hindi pa ko nakuntento nagCHUCKIE pa ko. Ayun, nakakita ako ng LAYS, and then, sobrang nagcracrave ako ng SARDINES for the past few days, nakakita rin ako, patay kinakain ko lahat ng nasa lata! Ayun, pagkababa ni ate pinagluto niya ko ng CRAB BALLS, hay... ang dami ko na namang nakain. Around 4pm we headed off to VirraMall para makita si SPIDERMAN na nakacostume at magpapicture. Ayun, nakapagpapicture kami. Thanks to ANABEL na pinsan ko, supervisor siya ng TOYKINGDOM kaya nagkaroon kami ng pass to take pictures with SPIDERMAN. So yun, ikot ikot, shux sana nagpabili ako kay MAMA ng mga damit kaso nainip sila sa Greenhills kaya sabi magROCKWELL na lang. Ay, nakita namin si CARMINA VILLARUEL sa THEATRE MALL with her twins. Grabe ang cute ng mga anak niya. Anyways yun, narealize namin na baka marami din tao so nagROXAS BLVD. na lang kami. Lumamon na naman kami sa EMERALD Restaurant. Naku puros Chinese, nakakainis. Ayun, sobrang busog na busog ako na gusto ko na masuka... uch. Pero anyways, revitalized na ko. Nakatulog na ko and marami na kong reserved energy para magpuyat :D Update you soon Mr. T! Love you. PS. Nakalimutan ko magpasalamin at dapat sa SUBIC yung punta namin pero inaway ko ATE na sobrang layo nun kaya hindi natuloy. Hihih... mwah!
Currently listening to: Just the Way You Are by Milky
Currently feeling: natatae :P
Posted by jjcobwebb on May 2, 2007 at 01:09 AM in Everyday Drama | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.