Hello Mistah T! Ahahaha... grabe may bagyo nga! Meet CALOY! Waheheh... pero alam mo kahit bumagyo, natuloy pa rin kami sa SPLASH ISLAND pero bago yan, galing kami  kahapon nina BECK, AK, MARVIN and JC sa PGH dahil dinalaw namin si SHERRY. Ang ganda ng scene kasi tinanggal na rin yung benda niya nung bumisita kami. Ayun, magaling na si SHERRY nakakatawa na eh. Andun sa  room Mom niya, Tita niya tapos pamangkin tapos dumating mga pinsan niya. Ang laki pala ng PGH! Parang school! Ayun, RM 738 siya and lumabas na rin yesterday night. Pagkaalis namin sa ospital kumain kami sa McDo sa DLSU. Then sinamahan ako nila kunin EAF ko. Sa wakas nakuha ko na rin. Magtatanggal ako ng subjects grabe. Bawal pa ko mag ELEMFRE pala nakakainis. So ayun, si Beck nagkaroon pa kahapon buti nagCR ako. And then ang bait nila kasi naghintay sila sa kin pero umalis na rin kasi sabi ko okay lang kahit ako na lang maghintay kay Ms. Divine. Ayun... then nagbantay sa PLANET QC dapat pupunta ko kila ATE para turuan si EMO pero ang lakas ng ulan kaya dun na lang ako sa QC. Sarap ng CHICKEN BALLS sa QC ahahah... wala lang. Ayun.... wala lang yesterday yun. So yung susunod na mga linya ngayon yan nangyari... Paggaling ka SHERRY!!! I love ya!!! Mwah!
    

     Ayun, sobrang sayang because Beck almost made it to go with us pero since may bagyo, hindi siya pinatuloy ng parents niya. So ang nangyari, yung ticket for her napunta sa driver ni Jeffrey. So ayun, around 8:30am nagkita kami ni RHITZ sa AYALA STATION and then sobrang naiihi na ko so pumunta kaming WENDY'S. Ako para umuhi tapos siya para bumili ng breakfast. And then we rode a bus going to ALABANG. 29php yung fare ang mahal! Tapos parang feeling namin probinsya na pinupuntahan namin. Ayun, tapos muntik na kami lumampas sa meeting place namin nina Jeff buti nakita ko yung MERCURY DRUGS na may malapit na JOLLIBEE. Then sa JOLLIBEE kami naghintay ni Rhitz for Jeff. After mga 30mins dumating din sa wakas si Jeffrey. Ayun, mukhang kakagising lang which is OO... kagigising lang niya and then ayun alis na. Maluwag yung SLEX pero sa SPLASH exaj ang daming tao. Buong BPI sa METRO MANILA pala kasi yung nagoouting. Thanks sa mom ni Jeff binigyan kami ng ticket. Hmm... and alam mo, yun yung first time ever ko makapasok sa SPLASH ISLAND. Ayaw pumunta ng family ko dun kasi lagi raw madaming tao  pagnakikita nila from SLEX. Hmmm... oo nga marami talaga. So sa loob parang may party tapos yung mga dahon dahil may bagyo naglipana sa daanan at mga swimming pool. Parang ang dumi dumi tuloy ng swimming pool. Ang daming nakaTSHIRT habang nasa pool. I find this act very disrespectful Mr. T!. Ano ba yung pool HUMAN LAUNDRY MACHINE? Naku ha... ang damit pagbinabasa nilalabhan hindi pinangswiswimming. Ayoko lang talaga yung mga taong nakaTSHIRT habang nagswimming. Take down notes SPLASH ISLAND! Ayun, sobrang we had a hard time finding a place to settle our things down. So tinawagan ni Jeffrey yung driver nyan umiikot ikot sa SPLASH para maghanap and bantayan yung mga gamit namin. Ang hirap maghanap kasi every cottage seem to be occupied. Pero buti may isang family mabait nagtanong kami kung pwede lang makishare tapos pinayagan naman kami. Then SWIMMING TIME. Ayun first dun kami sa may pool na may WAVES pero walang kuryente so wala pa siyang WAVES so umalis kami dun. Next dun sa pool na parang RIVER. Naku! Puros dahon parang pangsinigang yung tubig ang daming dahon! And then we tried to ask a personnel kung pwede magSLIDE but he told us na walang electricity so baka malate mag-operate ang SLIDES. Ayun, bumalik kami dun sa may WAVES tapos nagkwentuhan. Siguro after 45 mins yun, biglang nagkakuryente.... tadah --- nagkaroon ng waves!!! Naku ang saya! Pero hindi na masaya nung dumami yung tao sa pool!!! Hmph! So ayun, since may kuryente na. We headed back sa may mga slides. First slide was a SOSO SLIDE. Okay naman siya kahit hindi masyadong thrilling. Kailangan pala ng salbabida dun sa SPLASH pagnagsslide. Sobrang lamig dun sa tuktok ng slide. Ayaw magslide ni Rhitz eh so kami ni Jeff ang nasa tuktok shete! Kung hindi lang masagwa tignan yumakap na ko kay Jeff. Sobrang nilalamig na ko to death. And then yun, second slide was the most exciting, thrilling, fantastic slide i've ever been on to. Sobrang parang JUNGLE LOG JAM yung feeling kasi--- hmmm... hindi ko maexplain basta. Sobrang steep nung slide tapos yung feeling nung bumagsak ako intense... again... a lifesaver was needed for this slide. After that, sobrang giniginaw na talaga ko so sabi ko sa kanila magbabad muna kami dun sa pool na RIVER. So ayun, isang round kami dun and then ayun, may family slide. Sobrang taas na naman nung papunta sa tuktok ng slide. Malaki ung lifesaver tapos mga 5 tao pwede sumakay. So si Rhitz sa isang dulo tapos kami ni Jeff magkatabi para pantay. Nakakahilo yung slide!! Pero masaya dahil lahat kami nandun sa slide at sabay sabay nagslide. And then pagtapos nun last slide na... yung walang salbidang kailangan na slide. I forgot the name of the slide pero panget yung slide nakakahilo na naman. Tapos pagkadausdos mo sa tubig papasok at papasok ung tubig sa ilong mo. Naku! After nun nagbanlaw na kami at umalis. Kung walang bagyo siguro probably until 4pm andun kami. We left past 12pm.


     After having fun sa SPLASH ISLAND, pupunta dapat kami sa bahay ni Jeff pero brownout so sa ALABANG TOWN CENTER kami natuloy. First time ko rin sa ALABANG TOWN CENTER.... eheheh. Yes! Saya! Ayun, dapat manonood kami movie but instead tinour ako ni Jeff tapos nagkwentuhan habang umiinom ng ZAGU tapos sa POWER BOOKS ganun na naman. Tapos sa grooundfloor ganun na naman. Ang dami kong nakitang Lasalista. Mga taong tagaSOUTH. Ayun and then nandun yung parents ni Jeff so mineetup namin. Ayun, usual, bawal ang 'happy movements' kailangan formal. Ayun nilibre nila kami sa PHO HOA. Anyways sila nagdikta kung anong dapat orderin. Tapos yun, hinatid na kami ng DAD niya sa may METROPOLIS MALL para magabang ng bus dun papuntang CUBAO. So ayun, nilibre ko na lang si Rhitz sa pamasahe. Grabe ang mahal nung fare. I don't know how much pero si Rhitz sa AYALA bumaba at ako sa ORTIGAS... ang change ko 25 php na lang. Magkano naman yun!??! Shete talaga. Ayun nagstroll muna sa ROBINSON'S GALLERIA and then umuwi na. Around 9:30pm. Umalis kami sa ALABANG around 8:00pm eh dapat 7:00pm pero kasi libre yung dinner kaya ayun. Mabait naman pala parents ni Jeff. Kala ko nangangain sila ng tao but they we're very warm. Tapos english pa ng english tatay ni Jeff buti hindi dumugo ilong ko. Ayun, buti I got home safely. Nasa BATAAN pala sina Mama, Reamaur tapos sila Ate. They'll be back tomorrow. Ayun... kahit binagyo sa SPLASH sobrang saya. Thanks guys! Ay pahabol, birthday pala ni ALYSSA rin. Ayun, sarap nung CRISPY PATA. Sobrang wala kong gift sa kanya kaya 200php na lang. Ahahah... I love ya. So eto muna Mr. T! Update you soon.

Currently listening to: Mariah's PEPSI Commercial Jingle
Currently feeling: stiff
Posted by jjcobwebb on May 13, 2006 at 11:06 PM | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.