Baguio: With Jeffrey, Rhitz and Barry
Okay, Hello Mr. T! Whaadup?? So where do I start... hmmm...
BEFORE BEFORE: In what I've said on my previous entry, May 9 dapat pupunta kami sa Baguio nina Barry, Jeffrey and Rhitz.... thanks to Barry, pupunta siyang TAIWAN sa May 9 so we had to move the date before or after his trip. But since malapit na ang pasukan after namin siguro umuwi kung after May 9 pa eh pasukan na sa May 22, mahirap na mag-enjoy nun. So ayun, right and then we have decided na May 4 na lang kami umalis. So bali ganito yun, okay na sa min lahat ang May 4 except for Jeff na kagagaling lang ng Roxas at nag Summer of Service dun. Tinitext namin siya kung nakapagpaalam na ba siya kasi ilang days lang ang pagitan aalis na naman siya. Gumabi na at wala pa rin kaming nareceive na text at hindi sinasagot ang tawag sa phone niya. So yun, akala namin hindi na talaga tuloy ang trip.
BEFORE: Morning, aroung 7:00am, nagtext si Jeffrey at Barry sa kin at tumawag pa na pinayagan na raw si Jeff ng nanay niya. Ayun! Salamat sa kanila, nataranta ko kung anong una kong gagawin. I fixed my things as soon as possible to make it to the 1:00pm departure time ng VICTORY LINER to Baguio. Ayun, akala ko ang VICTORY LINER Station sa Cubao eh nasa likod ng ALI MALL, yun pala lampas ng Gateway and nasa EDSA part papuntang NORTH. Sobrang init talaga! Bandang tanghali na nun. Sobrang nagtatawagan na kami kung nasan na kami and kung san yung pesteng VICTORY LINER Station na yun. Si Barry and Rhitz were the first to come on the station. Nung akala ko sobrang late na ko, Jeffrey was later than me. Ayun, hindi na talaga kami nakahabol sa 1:00pm na bus so buti na lang may 2:00pm na bus. So ayun, si Barry muna nag-abono ng pamasahe kasi wala kaming mga barya puros buo. Si Jeffrey naglunch muna dun sa station habang kaming tatlo nakaupo at nag-uusap usap. Then 2:00pm na, time to go. I don't wanna over the whole bus trip basta Jeff and Rhitz were seated together and I'm seated right next to Barry. We had 2 top overs, one in Pampanga ata and one in La Union na. So there, nahilo hilo ko sa bus and around 8:00pm. We were in Baguio.
IN BAGUIO: After alighting the bus, para kaming mga turista. May mga bag na malalaking dala. At hindi alam kung san pupunta. SM Baguio was near VICTORY LINER Station so naisip muna naming kumain. Pinabaggage counter namin mga bags namin muna sa DEPT. STORE. Then after that we had a hard time deciding where to eat. I was chosen to choose on where to eat so I said sa FOODCOURT muna ng SM. So yun, ako kumain sa LAOG'S BEST silang 3 sa COUNTRY CHICKEN. After nun, stroll stroll muna around the mall tapos nag-grocery ng breakfast for the next day. We bought BREAD, STRAWBERRY JAM, COFFEE, 16L of WATER, CUP NOODLES. While we, Barry, Rhitz and I were on the supermarket, Jeffrey was looking for an ATM kasi kulang nadala niya. Unfortunately wala siyang nahanap since gabi na. Hmm... to our surprise, nagsasara na ang mall. Yes, nakalimutan namin ang mga bags na dineposit namin sa DEPT. STORE. So Jeffrey and Rhitz rushed to the place while Barry and I waited for them outside SM. Then after retrieving our bags, we planned of hailing a TAXI going to RHITZ'S house in REGAL LEXBER SUBD. Sobrang mahal ng fare from SM to LEXBER, 200php ang sabi ng driver na fare. So no choice, lahat ng TAXI ganun ang hiling so si Rhitz na lang nagprisintang magbayad. Sobrang bilis ng FX na nasakyan namin. Kala ko katupasan na namin. Ang dilim ng daan at bangin pa. Harurot talaga kung harurot yung FX. Thankfully, we arrived sa place nina RHITZ safe and sound. Pero hindi pa natapos dun ang gabi.... HINDI MABUKSAN NG SUSI ANG PINTUAN SA BAHAY NINA RHITZ!!! Wahhh... di ba? Sobrang dilim pa naman ng Subd. so nakakatakot. Pumunta kami sa reception para ipaalam sabi naman tama yung susi. Gumawa kami ng mga conclusion na baka nafreeze na yung mga ngipin nung door knob. Kami naman ni Jeffrey nanghiram ng lighter para painitan yung knob (tanga!). Nung hindi namin alam ang solusyon, tumawag na naman kami ni Jeff ng tagareception at nagpatulong. Salamat sa kanya at wala rin siyang nagawa. Si Barry ang nakadistinguish kung paano dapat ang grip sa door knob. Ayun, bago kami nag-ayos pinag-aralan muna namin yung door knob. Ang galing ni Barry. May talent sa pagbubukas ng door knob! Ayun, the house was empty. Tables and chairs lang ang nandun. So inayos namin. Buti may mga folding bed kahit sobrang empty nung house. May sink and Bathroom naman. Pero cozy yung place, kulang lang sa gamit. Ayun, wala pa kami sa mood matulog naglaro muna kami ng UNO na dala ni Jeffrey. Ang ingay ingay namin na may kumatok na babae galing sa RECEPTION. Siguro nireklamo kami ng kapitbahay. Take note, hindi lang siya isang beses nagbabala kung hindi dalawa. Akala kasi namin tahimik na kami hindi pa pala. So yun, inantok na rin, naglinis, nagkwentuhan at natulog na rin sa wakas... ending up our first night in Baguio.
BAGUIO DAY 1: Sobrang nakakapuyat dahil si Jeffrey and Rhitz nag-usap ata the whole night at ang aga pa nagising ni Jeffrey. As usual ako ang pinakahuling nagising. Naiihi nga raw pala si Jeff nung madaling araw kaso nahirapan siyang gisingin ako kaya kay Rhitz siya nagpasama. Moving on, nag-almusal, naligo and then naghanda na kami for our first day in Baguio. Akala namin madadalian kaming makahanap ng transpo papunta sa Baguio City pero after 30 mins lang kami nakasakay sa bus at nakatayo pa. So what we did was to take pictures muna nung hindi pa dumadating yung bus. 15 php yung fare sa bus and then bumaba kami ng SHELL STATION malapit ata yun sa CITY HALL ng Baguio (hindi ko na marember). From there nilakad namin ang BURNHAM PARK. So, umikot ikot muna kami dun. Tapos nung nakakita kami ng mga namamangka, na-iinggit kami. So ayun, 30php ata unlimited
hour na yung paggamit sa bangka. Ayun, sobrang saya sa bangka grabe... hindi kami marunong magrow ng boat kaya si Rhitz na lang ang katangitanging nagrow ng boat. Basta masaya nung nagboating kami. Kaaliw pa yung isang SWAN na may sakay... wahehehe. And then after namin magBOATING. Nag-isip kami kung san kakain. So habang nag-iisip, picture-picturan muna kami habang umiikot ikot sa BURNHAM PARK. Siguro mabait ang DIYOS, yung TITA ni Barry nag-alok atang maglunch kami ng sabay sabay.
Ayun, kumain kami sa OMAIKAN. Malapit lang naman yun sa PARK kaya nilakad na lang namin. STIR FRIED ang pagkain dun. Ikaw na bahala kung anong mga sangkap ang gusto mong ilagay sa meat mo. Name ng tita ni Barry nga pala ay SUSAN. Ayun, kasama niya yung anak niya, driver and yaya. Naka2nd serving kami dun sa OMAIKAN kasi masarap siya. Ayun afterwards, naisip naman naming magMINE'S VIEW. So ayun, picture picture dun as usual. Grabe yung CR dun nung nagCR kami, parang pwede kang makitaan ng 'NOTES' sa urinal nila. As in isa siyang parang malaking lababo na nakaharap ka sa dingding habang umiihi ka. Basta ganun. And then ayun, nabaliw kami, nilakad namin mula doon hanggan dun sa may mga nangangabayo (nakalimutan ko name ng place). Sobrang gusto ni Jeff mangabayo pero wala kami lahat sa mood kasi mahal pa. Nagpalipas kami ng oras tapos naiisipan naming manood na lang ng movie. So nagFX papuntang SM. Pero bago yun umikot
muna yung TAXI sa CAMP JOHN HAY. Umikot lang. In S, nawala kami sa mood magmovie so naghanap na lang ng Jacket si JEFF sa DEPT. STORE. Buti nakabili siya. And then pumunta kami sa AMA ni Barry. Ayun nagpalipas ng hapon dun sa kwarto sa tuktok ng bahay ng AMA niya. Kwentuhan to the next leve. Masakit ulo ko mga panahon na to as in. And then nung naggabi na, dumating mga kamag-anak ni Barry dun sa bahay ng AMA niya. Time to leave. Next stop was ELEGANT HOTEL. Sobrang nilibre na naman kami ni TITA SUSAN. This time kasama
niya yung pinsan ni Barry and yung boyfried nito. Ayun, shabu shabu yung drama ng dinner. Afterwards nanood muna sila ng GULONG NG PALAD and then hinatid kami nung BF ng pinsan ni BARRY sa may mga bars. Ayun, paikot ikot kami sa buong BAGUIO CITY. Si Jeffrey feel ang 'NEIGHBOR' kaso nahirapan kami maghanap. May nakita nga kami kadiri naman. Ayun naglakad lakad pa rin kami. Sobarn isip ng isip kung ano ang mga gagawin. Tapos ayun...so what we did was to just drink COFFEE sa KAFFELATSCH <--- ang arte di ba. Ayun nagpalipas ng gabi until mga 12:00am. Ang ganda ng boses ng kumakanta dun siyempre papatalo ba ko? Kumanta rin ako. Eheheh... and then ayun, pagkatapos namin uminom ng kape si JEFF gusto ng umuwi kasi may
evaluation sila tungkol sa SOS nila sa CSB. We tried everything to stop him pero made up na yung mind niya. We hailed a taxi tapos pinaghintay ni JEFF yung taxi and then nag-ayos na siya ng gamit and then nagbabay na. It's so sad. Ang lungkot ko nun talaga. Naiinis na nalulungkot sa pag-alis ni Jeffrey. I don't want somebody leaving. Hay... we should have stayed in the COFFEE SHOP much later or instead went inside a 'NEIGHBOR' para hindi na nakauwi si JEFF. Ayun, 2am nakaboard na siya ngbus ang 8am nasaCSB na siya. Salamat naman he was safe. Sobrang nag-aalala ko, kami for him. Ayun, nung wala na siya nag-usap usap kaming 3 sa baba. Grabe may dumating na naman na SUPERVISOR, pinatatahimik kami. Ayun, natulog na lang kami nung pagkatapos namin masabahin. Pero bago matulog, si Barry nagkwento ng mga sentiments niya. Nakinig naman ako pero nakatulog ako. Tapos nagising ako madaling araw kasi sobrang lamig. Dapat yayakap ako sa isa sa kanila kaso mas feel ko nag jacket ko. Ahahah... ayun, nag-umaga may mga maiingay na bata sa kalsada. Pero tuloy pa rin ang pagtulog. Around 9am, gising na kami.
BAGUIO DAY 2: Jeffrey is gone. Iba yung feeling. Malungkot. Basta. Wala ko sa mood bumangon and gloomy ang pakiramdam ko. After awhile natanggap na rin namin na wala si JEFFREY. So same routine, sila kumain ng breakfast ako hindi. Tapos naligo and then time to go na. Siyempre una nagpicture picture muna sa LEXBER SUBD. Ayun, and then pahirapan na naman maghintay ng transpo papuntang BAGUIO. Luckily may dumaan agad na JEEP. Pero inunahan namin yung mga mas maagang naghintay sa amin. Sorry na lang sila. Tapos may 2 baka pa malapit sa waiting shed. Wala lang. Tapos yun. We were in Baguio ulit. Kaming tatlo
na lang, maglulunch na nag-isip kami ng makakainan. Eh may tita na naman si Barry... this time si TITA VIVIAN. Naku, eh di dun kami sa RESTO niya kumain. SA CENTRAL PARK (ZONG GUO) may ganun pa. Ayun, si TITA nagorder. Grabe nakalibre na naman kami at ang sarap pa ng food na kinain namin. After that nagSM ulit kami kasi gusto ko kumain ng ICE CREAM. After nun, naisipan namin mag CAMP JOHN HAY sa may BUTTERFLY SANCTUARY ba yun? Ayun, sobrang saya kasi first time ko lang makapasok sa ganun. After nun bumalik kami sa mga may mga nagkakabayo. Umakyat muna kami dun sa mataas na stairs and then sa THE MANSION nag picture picture. Ayun bumaba ulit sa mataas na hagdan after nun nangabayo kami ni BARRY. Shet sobrang laki nung kabayo namin. Ang tamad tamad pa nung kabayo ko. Sobrang
kinakabahan ako nung nakasakay ako tapos tumayo pa yung kabayo ko. Buti na lang may nakatingin sa min. Hindi ko na tinapos yung 30 mins binayaran ko na agad sobrang takot na takot na ko. Ganun din sa Barry. After nun naglakad kami papuntang BOTANICAL GARDEN. Pero bago yun dumaan kami ST. JOSEPH'S CHURCH para magpasalamat kay LORD. And then sa BOTANICAL GARDEN na, sobrang wala na siyang GLORY. It was not the BOTANICAL GARDEN I knew back in 1992. Ngayon lang ulit ako nakapunta dun. Napabayaan na sobra. Hay... Dahil sobrang tuloy tuloy ang mga ginawa namin for that day, nagdecide na kaming bumalik sa LEXBER para makapag-ayos ang makapagpahinga na sa pag-alis namin the next morning. Kinontrata namin ung FX na sinakyan namin pabalik na kung pwede siyang bumalik para sunduin kami dun sa bahay. Ayun kinuha ni Barry yung number niya. Around 4 nasa house na kami. Tapos natulog muna. Mga 7pm nagising na kami. Inayos na namin yung bahay and then mga 8pm tinawagan na namin yung TAXI.
Binaba kami sa VICTORY LINER. Since gutom na kami, naghanap kami ng makakainan. Sa paghahanap namin, nakakakita kami ng COMEDY BAR. Sayang hindi namin nakita yung nung nandun pa si JEFF. Ayun, nagFX na lang kami at nagpatulong sa DRIVER kung san masarap kumain. Dinala niya kami dun sa GOOD HOUSE. Grabe ang sulit, for 75php ang laki ng serving nila. Ayun tapos naglakad lakad kami papuntang VICTORY LINER. 1am yung ticket namin so mga 11pm andun na kami. Tapos 2 hours naghintay sa TERMINAL, ayun 1am umalis na kami sa Baguio. Tapos mga 7am nasa CUBAO na kami. Si Rhitz bumaba sa PASAY. At dito nagtatapos ang isa sa mga kaganapan sa aking buhay na hindi ko maaring kalimutan kahit kelan. Glad to have friends like them. Thanks guys.
EPILOGUE: Right now nagkakagulo gulo kami.... hmmm... GOODLUCK TALAGA!!!