Campaign Week
Campaign week na Mr. T! I'm rooting for SANTUGON as usual hindi lang sa dahilan na nandun yung mga kilala ko kung hindi dahil alam kong kaya nila. Anyways ayun, same old routine. Kahit wala pang announced na exam date sa ANMATH2 nagrereview na ko. Sherry tried to seat-in sa JP kanina pero di siya pinayagan ni Sir. So ayun, kumain kami nina MARVIN, BECK and SHERRY sa DONDON kanina. Nkakainis, nagTAGAYTAY block ko yesterday! Shet baket di ako nila tinext! Wahhh... anyways, that's all for today. I wasn't able to introduce SANTUGON pala kasi hindi ako nakaYELLOW! Lols, bukas daw white and khaki.
Nag-iisip lang ako, baket kaya iba-iba ang pakikitungo ko sa iba't ibang tao. Pwede naman ako magpakatotoo at maging ako lang. Pero dahil sa mga iba't iba nilang ugali, pananaw etc, wala kong magawa kung hindi umangkop. Parang nagiging plastik tuloy ako. Pero alam mo yun, wala kang magawa kasi sa ganung paraan mo lang makakasundo ang ibang tao--- sa pakikisama at pag-angkop sa mga ugali nila. Hindi ako mahirap pakisamahan Mr. T! Basta totoo ka lang sa kin at sa sarili mo okay ka sa kin. Mas madalas ako ung nag-iiba pa ng ugali mapasaya at maging 'connected' lang sa mga tao. Baket kaya ganun. Sa tingin mo kaplastikan yun? Hmm.... update you soon Mr. T!