Hi Mr. T!!! Hilo na ko sa COMPRO2 at ANMATH2!!! Wahhh... anyways ayoko ko galawin yan. Alam mo muntik na naman ako masagasaan? Ang dami na tlagang incident na pwede na kong mamatay dahil sa pagkakabundol ng kotse! Siguro nga masama akong damo kaya hindi ako mamatay-matay or mayroon lang talaga akong GUARDIAN ANGEL dahil mabait ako... ahaha. Mga pangyayaring muntik ko ng ikamatay:

1. Nung bata ako sa may N. DOMINGO muntik na kong masagasaan. Lahat ng tao naiskandalo!!!

2. Sa mga CROSSROADS dati sa GREENHILLS, tumatakbo ko tapos may kotse humaharurot buti na lang nagbreak nung hair-strand na lang pagitan namin

3. Nadaanan ng jeep ang paa ko. Buti buo pa siya

4. Nabunggo ako ng kotse pero thankfully slight lang papunta kami sa bahay ni LAMAR nun.

5. Nabunggo ako ng tricycle kasama ko rin si LAMAR nun.

6. Papunta kami ni KAROL kina WILMER, nagtutulakan kami buti nd niya ko natulak nung may humarurot na VAN!!!

7. Kasama ko si BARRY sa PEDRO GIL at nagkagulo gulo ang mga jeepney driver dahil parang wala ako sa sarili nung tumawid at parang ako ang may ari ng kalsada!!! Grabe namura ako ng driver!!!

8. Sa TAFT ilang beses na kong nakikipagpatintero sa mga sasakyan! Lecheng TAFT yan!

9. Nabunggo kami dati nila BRIAN at KUYA TOTO sa bike ng kotse buti buhay pa ko!

10. Nabunggo kami ni GYRA sa bike ng jeep! Buti buhay pa rin ako!

11. Muntik na ko kaladkarin ng jeep noon galing akong palengke kasama si KATHY buti nakasabit agad ako!

12.  Nabunggo yung kotse nina TITA CHIT at humagis ako papuntang harap! Buhay pa ko!

13. Kanina lang sa TAFT! Muntik na naman kami mamatay nina AK at BECK!

14. Kahapon sa AVENIDA! Shet na mga jeep toh! Ikamamatay ko kayo!!!

   Ilan lang yan sa mga kaganapan sa buhay kong muntik ko ng ikamatay dahil sa mga pesteng motorista na yan! Ahahah... I also blame myself minsan wala talaga ko sa sarili ko!!! Naku! Ilang beses na kong naliligtas baka next time hindi na ko makaligtas! Wag naman sana!!! Ano ba yan!!! Ahahaha... ayun...

     Kahapon nakalimutan ko nakaSLACKS pala ko, nagslide ako sa may STAIR RAILINGS ng J. RUIZ station...shet ang velocity ko kakaiba! Muntik na kong umikot ikot sa hagdan buti napigilan ko!! Feeling ko kasi nakaJEANS ako kahapon!!! Nawala na naman ako sa sarili ko! Ahahah... sobrang kinabahan ako dun! Ahaha...tanga tanga ko. Ayun, ano pa ba, PROV na naman kanina. Si JULIUS ayaw ako kausapin! Nagpacheck up ako kanina dahil may butlig butlig mukha ko...CLARITIN ang pinainom sa kin. Hmmm... nagMCDO sa MAKATI MED with JESEL. Tapos antok na antok na ko. Nawawala ko pa magazine ni REHAM shet! Hmmm... ano pa ba...ayun, si JHETT buhay pa pala. Muntik akong magbus papuntang LAS PIÑAS buti may dumaan papuntang AYALA. Nakita ko si POPOY sa TAFT. Sa CSB na pala siya nag-aaral.  Ay tapos na rin ako kahapon mag INFORMATIVE SPEECH sa ENGLTRI! Hay... marami pang speech na dadatin! Flawless daw sabi ni OMAI at 91 binigay sa kin ni AK !!!Ang e pala eh equal to 1. Ehehe... ano pa ba... basta yun, yung JEWEL IN THE PALACE patindi na ng patindi at ako'y inaantok na po! Update you soon Mr. T! Love ya okay??? Mwah!!!

Currently listening to: My Heart Is Calling by Whitney Houston
Posted by jjcobwebb on February 1, 2006 at 11:33 PM | 2 comment(s)
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

juli (guest)

Comment posted on February 4th, 2006 at 01:20 AM
naka-blue ka kanina!

Pogz (guest)

Comment posted on February 4th, 2006 at 01:14 AM
Astig ka ah..

Parang pusa.. ang daming buhay.

Thank your guardian angel. Hahaha..

Astig.