Retrospective Post: Kung Hindi Na Lang
Minsan pag-iniisip ko, siguro hindi talaga para sa kin ang magkaroon ng iniibig. Yung pag-ibig na pinagsasaluhan ng dalawang tao na nakakapagpasaya sa kanilang dalawa. Yung pag-ibig na nagdadamayan, yung handang magsakripisyo at yung hindi naninino. Inaamin ko malungkot ako mga nagdaang araw. Hindi ko alam kung baket tuwing akala ko tama na yung nararamdaman ko, maraming di kanais nais na eksena ang dadating at sisira lamang sa mga pangarap kong magmahal ng tunay. Ayaw ko mang isipin na nagamit ako pero yun yung nararamdaman ko ngayon. Eto siya, dumating nung mga panahong malungkot na malungkot at walang makausap. Walang masasandalan at walang kakuwentuhan. Eto ako, si tanga, tanga na nga nagpakatanga pa rin. Pinagbuksan naman ng pintuan ang taong to. Akala ko wala lang noon
Sige, magkwento ka lang, ilabas mo lang yang sama ng loob mo at andito ko para makinig. Sa simula pa lang binalaan ko na siya, baka mahulog ako sa kanya pero hindi ko ininda yun at ganun din siya. Naglaon mga araw, naramdaman kong unti unti na nagiging masaya ko pagkausap ko siya, pagkasama siya, pagnaaalala niya ko at kung anu ano pa.
Oo masaya ko nun, dahil masaya siya. Sabi niya rin masaya siya dahil napapasaya niya ko. Minsan nagkakaroon ng mga biruan. Bibiruin niya ko pero lahat ng mga pagbibiro na yun ay para sa kin tinotoo ko lahat. Siguro baliw lang talaga ko. Naging masyado kaming malapit, para na ngang magkasintahan kami eh. Akala ko papunta na yun dun. Pero alam kong hindi dahil siya mismo ang naglagay ng balakid kung hanggang saan lang maaring humantong ang pagkakaibigan namin. Ako naman, sige... okay lang masaya naman ako at masaya ka, yung ang mahalaga. Pero lumipas pa mga araw, unti unti na kong nahuhulog. Isip ng isip kung kamusta na ang kalagayan niya. Hindi siya mawaglit sa isipan. Nilalasing sarili ko sa kaiisip sa kanya. Masakit isipin pero oo alam ko tanga ko. Hindi ko masyadong inintindi yung nararamdaman ko. Sabi ako ng sabi sa sarili ko... okay lang ako...okay lang ako. Pero sa loob ko para na kong sinasaksak ng ilang daang kutsilyo. Magaling ako magtago kung ano talaga ang nararamdaman ko pero mga oras na yun hindi ko na talaga kinaya. Lumuha ako. Nag-isip at pinagtapat ang lahat ng mga ito. Hindi ko sukat akalain na hahantong ang pagiging malapit namin sa ganito.
Siguro dapat wala akong sisihin dahil naging masaya naman ako ganun din siya. Nagkaroon ng kulay ang mundo ko pansamantala. Pero bakit ganun, kahit anong gawin ko, andito pa rin ako umaasa kahit sobrang imposible. Alam ko na hindi talaga puwede ang mga gusto ko mangyari. Gusto ko manisi oo. Kung bakit sa kin siya lumapit nung mga nangangailangan siya ng masasandalan. Kung bakit itinuloy niya ang pagiging malapit sa kin kung nabalaan ko siya nun na baka mahulog ako sa kanya. Pero ayoko talaga manisi. Sa totoo lang, naging insipirado ako mga panahong magkalapit kami. Naging maganda mga umaga ko at mahimbing mga pagtulog ko. Hindi ako nagpuyat nun dahil ewan ko, may salamangka ata siya. Ayaw kong sabihin na sinaktan niya ko dahil sa simula pa lang alam ko ng masasaktan ako. Sinisisi ko sarili. Sana una pala lang lumayo na ko. Pero dahil sa kanya natutunan ko na kaya ko palang magmahal ng tunay. Yung walang halong paglalaro. Walang halong pag-aalinlangan. Pagmamahal na nakakapagpabago ng ugali kong hindi kaaya aya.
Gusto ko man ibalik ang nakaraan mahihirapan lang ako. Sa pagtatapos ng araw, kailangan ko siya alisin sa buhay ko pansamantala gumaling lang tong sugat sa puso ko. Kailangan ko siyang kalimutan at pagpatuloy ang bagay na dapat kong ginagawa. Gusto ko magpasalamat sa kanya. Marami akong natutunan na hindi ko alam dati. Tulad ng pagmamahal na walang hinihinging kapalit at ang pagiging tunay na kaibigan. Oo, isa siya sa mga tunay na kaibigan na nakilala ko. Mahal na mahal ko siya alam niya yan. Masaya ko dahil dumaan siya sa buhay ko. Hindi pa siya yung hinihintay ko... pero sa ngayon, hindi ako magsasawa sa paghihintay ng pag-ibig na para talaga sa kin. Sana maging masaya rin siya sa gagawin niya sa buhay niya.
Sa oras na maghilom na tong puso ko, babalikan ko siya hindi para umasang mamahalin niya ko, kung hindi para dugtungan ang pagkakaibigan na dapat hanggang pagkakaibigan lang. Minsan ko lang naramdaman ang mga to... ang magmahal ng tunay at masaktan ng dahil sa pagmamahal na tunay.