Hello Mr. T! Guess what? Papunta kaming BAGUIO right now. Hindi pinaghandaan. Actually, itetest drive tong kotse ni ERWIN, brother-in-law ko. Pagkauwi ko kanina galing barbero, sinabihan ako ni PAGE, niece ko, na mag-ayos na raw dahil pupunta raw kaming BAGUIO. So, since naisip ko na wala naman ako gagawin the rest of the day, I've decided to go with them. Kasama si rin si EMMO, nephew ko and si WINA, isa sa mga kasambahay ni ATE. Ngayon, nasa NLEX na kami with a speed of 120kph. We left the house 3:00pm and now it's 6 minutes before 4:00pm. It's now 4:02, I think we're already in BULACAN. Hay, I'm sleepy. Ang cool may nakita kong kakaibang ibon. Kulay puti at kakaiba lumipad at hagod ng pakpak niya. Ano kayang ibon yun...Nasa PAMPANGA na kami and it's just 4:16pm. Nakatulog na ko 4:54pm na at nsa TARLAC na kami. Ganda ng song kanta ni Stevie Wonder I JUST CALLED TO SAY I LOVE YOU. Ang sakit na ng pwet ko si EMMO kasi nakabaluktot natulog. Hay, tiis na lang muna. 5:16pm na. Ano ba ito lubak lubak to the next level to. Kami lang nga dumadaan dito ano ba to. 5:26pm na andito na kami LUISITA. Hindi na kami nagstop-over sa BAGUIO na lang daw kami kakain. Nagutom si ATE, 6:29pm na, katatapos lang namin kumain sa FORTUNE HONG KONG SEAFOOD RESTAURANT. Mga before 6:00pm kami pumasok dun sa RESTO. Busog na ko, we had BEEF KAYLAN, FISH AND TAUSI, FRIED DUMPLINGS, FRIED PEKING DUCK, and FRIED RICE. Ang dami pero naubos namin. Nagbibihaye na kami ulit. Siguro by 8 or 9pm andun na kami. 7:21pm na. Stop over muna kami dito sa SHELL para magwiwi. PANGASINAN na pala kami. I don't know if it's just me, but right now I feel so eerie. We're the only car on this super dark street and a motorcycle behind us. Hope we get there safely. 8:31pm, we're here na sa KENNON ROAD. Alam m Mr. T! ang dami sobrang star na nakikita sa langit ngayon. Nakakagalak pagmasdan. Matagal tagal na rin ako di nakakakita ng maraming bituin. Nakakatuwa. 9:04pm na, wala pa kami sa tuktok ng BAGUIO. Medyo nahihilo na ko dahil sa zigzag na kalsada. 9:11pm kadadaan lang namin sa LIONS. 1992 pa ata ang last time ko na nakita yun. Lagi kasing MARCOS HIGHWAY dinadanan namin nun. It's almost 10pm at naghahanap pa kami ng HOTEL. First sa CONCORDE tapos EL CIELITO kaso walang vacancy. Finally meron na. We'll be staying dito sa MICROTEL INNS SUITE. 10:21pm na. Room 201. Mali pa kanina yung nakatok ko nung kinuha ko ung comics sa PARKING. Nagulat ako ibang tao nagbukas. Ahahaha. Nood muna kami PINOY BIG BROTHER. 12:15am na, kagagaling lang namin sa isang lugawan para kumain ng lugaw malamang. Bandang 11:00pm kami nagsimulang maglakad kami papuntang MCDO sa SM BAGUIO. First we went to this VICTORY LINER TERMINAL STATION dahil may kainan din kaso sarado na. Parang airport yung terminal. Tapos since walang kainan, nagtuloy kami sa paglalakad hanggang SM kaso sarado na. So lakad kami at sabi ni ATE na sa CHOWKING na lang. Kaso ang daming tao sa CHOWKING. So we took an FX para maghanap pa ng makakainan. So yun napadpad kami sa may lugawan. Hay, I can't help but remember this person who once was in BAGUIO 2 weeks ago. Anyways, we're about to sleep na. Wash muna ko then watch then tulog. : )

Nagising kami around 9:00am then had breakfast sa lobby. Nagdeliver lang sina ATE at ERWIN. Tapos nagayos na kami para pagdating nila aalis na kami magiikot-ikot. 9:49 na pala, andito na sila ATE. Magbrebreakfast daw muna sila. Ano ba to hindi pa ko naliligo. Sige mamaya na lang. Ayan, 10:46am na, magiikot-ikot na kami pero bago yun magdedeliver muna ulit kami ng gamot sa may UNIVERSITY OF BAGUIO. First stop PMA, wala lang maraming beses na kami nakapunta dito. Tapos yun picture taking lang with the mga tanke. Then umikot tapos puntang walang kamatayang MINE'S VIEW. Pero before kami punta dun, dumaan muna kami CAMP JOHN HAY since on the way naman. 1:25pm na. Katatapos lang namin sa CARLO'S PIZZA. Busog na ko. We just had, CAPRICIOSA, FRIED CHICKEN, BUFFALO WINGS, CHILI CON CARNE WITH NACHOS, SPAGHETT WITH MEATBALLS, and CEASAR'S SALAD. Hindi namin naubos dahil sobrang dami ng servings. We're on our way to MINE'S VIEW na. 2:26pm na, andito na kami ulit car galing MINE'S VIEW. Nag-ikot ikot lang tapos eto nakabili ako ng hand-woven bag. Meron doon picture taking with a ST. BERNARD dog. Si EMMO lang ang nagpapicture. Eh nung nakita kong medyo pagod na yung aso sabi ko "Pet slavery". Narinig nung may ari sabi "What did you say?" Sabi ko "I was joking" Tapos sabi nung asawa niya "You're joking at the wrong place, it's a model". Nagtaas ako ng kilay. Gusto ko sanang sabihin na bat sya guilty. Ayun and then nagpapicture naman si ATE and EMMO sa PINK na HORSE. And then ikot-ikot na naman. Tapos pumasok kami sa isang store puros MASKARA. Naaliw ako gusto ko sana bumili kaso grabe 1,500php isa. So yun pabalik na kaming HOTEL para magcheck-out. Kailangan namin makarating sa MANILA bago mag eviction night ang PBB. 5:23pm na andito na kami PANGASINAN. Ang ganda ng sunset pinikturan pa nga namin. Ayun, we left around 3:00pm tapos sa MARCOS HIGHWAY kami. Namili muna kami ng mga gulay tapos strawberries. Ayun muntik na makain lahat ng strawberries. Ayun tapos dito sa PANGASINAN namili naman kami ng BAGOONG. Nakatulog ako kanina. Hay ang ganda ng sunset. 7:55pm na, katatapos lang namin kumain sa FRESH CATCH ISDAAN, TARLAC. We were there around 6:00pm. Sobrang ganda ng place. It was a multi-purpose restaurant. May kantahan, masahihan at there's this one place na pinakanakakasira ng ulo, it's called TACSIADO. It's like a place where you get to throw plates on the wall and shout <Name of the person>, TACSIADO ka! Of course you have to buy plates from them. The plates' prices vary according to its material. Also in that place we were able to FEED THE FISHES for free. The place was really cozy. For dinner we had SINIGANG NA BABOY, SISIG, INIHAW NA HITO and KIMCHI FILIPINO STYLE. Busog na naman ako. Tapos bago kami umalis may babae pang nakakita ng AHAS sa LADIES' CR. Aheheh...it was small lang naman. Ayun pinatay ng mga tauhan ng place. We're on our way back to MANILA, this time with no more stop-overs. Right now we're tuned-in on 99.7, it's like a religous station that plays religous songs of course and has prayer intervals between songs. Hope we get home by 10:00pm. 9:04pm na, nasa NLEX na kami.82 km pa ang MANILA, we're going 120kph para mahabol talaga PBB. Ehehehe. Nasa BANAWE na kami and it's 10:04pm. Mga 15 mins na lang we're home na. 10:16pm and we're home... PBB na... ehehe. Hay what a trip. Thank God we're safe back home. :)

P.S. I need to get a DIGITAL CAMERA for my own. And I mean mine!

Currently listening to: Careless Whisper by Kenny G. and Brian McKnight
Currently feeling: lethargic
Posted by jjcobwebb on November 5, 2005 at 11:03 PM | 2 comment(s)

subtlebliss (guest)

Comment posted on November 7th, 2005 at 10:50 PM
talaga? sayang naman.... sana nagkita tayo...
Comment posted on November 7th, 2005 at 10:43 PM
Oh my God! :splat: No shit! :slaphappy: I was in Baguio the same time as you. Hindi tayo nagkita! :(
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.