LA UNION at ILOCOS
5:54 pm na and2 kami ngaun sa ORTIGAS. Sobrang sikip dito sa REVO ngayon. Si ERWIN nagdridrive, si ATE at EMO. Katabi ko si MAMA, katabi niya si KATHLEEN at MANANG LUZ. Nasa likod sina MABEL, MARIE, MARISSA, REAMAUR at KOBE. Maraming bagahe at talagang masikip na. Pero komportable pa naman kami kahit masikip. Nasa EDSA na kami at pinatutugtog ngayon COUNTRY ROAD (TAKE ME HOME) sa radyo. Sana hindi traffic. Nagpalit kami ng lugar ni MAMA dahil gusto niya ng may sandalan ng ulo. Shet traffic paNORTH! Ahaha, hindi pa kami nakalalayn ubos na ang CHEESE BALLS! Hindi na traffic dito ngayon papunta sa SM NORTH EDSA.
Pinagtimpla pa ko ng gatas ni EMO! Nagkatapontapon ang gatas! Umaandar kasi eh! Ayan, kakabayad lang namin ng toll at nasa NORTH EXPRESS way na kami. Grabe may makapal na usok kaming nadaanan! 0 vicinity yun ah! Ayan, nilagay ang ERASER HEADS ANTHOLOGY CD! Ayan nasa toll gate na naman kami. 7:13pm na, hay, hindi ako makakanood ng AMERICAN IDOL nakakakainis naman! Si EMO umihi sa lalagyan ng CHEESEBALL sobrang ihi na malayo pa kasi ang mga stop over. May nakasalubong kaming mga 2 lalaki nagbubuhat ng krus. Nagpepenitensya ata. Ang ganda ng tugtog OVERDRIVE akmang-akma. 7:54pm na, nagkakaroon na ng pagbuibuild up ang
traffic dito sa bandang TARLAC. 8:22pm na, nandito kami ngayon sa MAX'S FRIED CHICKEN LUISITA branch. Kakain muna kami dito then tutuloy sa pagbibiyahe. Katatapos lang namin kumain, 9:21pm na. NIDO SOUP,FRIED CHICKEN, PANCIT CANTON, SPRING ROLLS at CARAMEL CAKE ang mga kinain namin. Nandito kami ngayon sa PARKING hinihintay si ATE at MAMA nagCR. Ayan paalis na kami at tuloy ang biyahe.
10:25pm at nandito na kami sa PANGASINAN, at tumutugtog sa radyo ngayon ang A WHOLE NEW WORLD. Medyo inaantok na ko. 11:35pm na, nasa La Union na kami pero malayo pa ang destinasyon namin. Nagtext si TITA NENE traffic na raw sobra sa NLEX. May pagkaZIGZAG ang dinaanan namin kanina ang saya. 12:28am na at nakarating na rin kami. CHINA SEA BEACH RESORT ang lugar kung san kami tutuloy. Nasa kwarto na kami kung san kami magis-istay. 2 rooms kami, ROOM 11 and 16. 1:35am na, matutulog na kami. Good night!
8:50am, gising na halos lahat kami. Sina ATE, EMO at ERWIN na lang ang tulog. Nagpapainit sina MAMA ng pagkain sa ROOM 26. Eto nakaupo ako ngayon dito naghihintay. Ayan, gising na lahat kami, nalock pa kwarto namin pero nabuksan na rin sa wakas. 10:58am na, mabilis lang kaming lumusong sa SWIMMING POOL at DAGAT, umahon agad kami. Mababaw lang ang pool at mabato naman ang buhangin ng BEACH. Maitim ang buhangin pero malinis naman ang tubig. Hindi patag ang sahig ng dagat, may malalim, may mababaw mahirap tantiyahin. Nasa kotse na kami ngayon sa may SHELL STATION nagpacheck up ng kotse. Papunta na kami ngayon sa ILOCOS. 2 oras daw ang papunta dun. Salamat naman maluwag na ang kotse. Ayan paalis na kami sa SHELL. Mga 11:50pm na at nasa paa na kami ng bundok dito sa ILOCOS SUR. Puros TOBACCO ang
tanim dito Ang ganda tignan, mataas pa sikat ng araw. Nakakarelax at COUNTRY MUSIC pa ang tugtugin dito sa kotse nakakatanggal ng stress.12:47pm na, wala pa rin kami. Ang daming parang DESERT dito sa ILOCOS SUR malaGRAND CANYON. Hala, natanggal ko
hikaw ni KATHLEEN! Malay ko kung paano ko natanggal! Umiyak tuloy to! 1:34pm na, stop over muna kami dito sa GREMAR'S EATERY. Ang ganda ng view dito! Mag2 2:00pm na, tapos na kami kumain. PAPAITAN, MENUDO at SEAWEEDS tong mga kinain namin. May nagdive na langaw sa iniinom kong COKE puta!
2:00pm, paalis na kami ngayon... tuloy ang biyahe. Ayan ang ganda ng tulay! Nagpicturan muna kami. Nandito na kami sa Heritage VIGAN, mga luma ang bahay dito, mga sinauna. Ang ganda dito parang bumalik kami nung mga pnahon ng KASTILA. May pagkakahawig tong lugar sa INTRAMUROS. Pumunta kami sa bahay ng mga CRISOLOGO. Ang laki pangmayaman at maraming memorabilia sa loob. 4:00pm, andito na kami sa kotse at
papunta naman kami sa ILOCOS NORTE. 30 minutos lang raw simula dito hanggang dun. Hay... nang nalaman namin na pwede kaming abutin hanggang 3 oras papunta sa NORTE, naisipan na lang namin na bumalik at kumain na lang sa HERITAGE. Kumain kami ng OKOY na may LOBSTER at EMPANADA ILOCO. Hindi ko masyadong nagustuhan pero sila gustong gusto. Pagtapos namin kumain, nagpunta naman kami sa VIGAN CATHEDRAL. Dumami ng dumami ang mga turista kanina. Pumasok kami sa loob ng simbahan pero madali lang kami sa loob dahil hindi namin naintindihan ang
misa dahil nasa wikang ILOCANO. Pagkalabas namin ng simbahan, namili muna sila sa may PLAZA sa harap ng
simbahan. Parang mini-LUNETA. Okay naman siya kahit marami na ang tao. Nasa kotse na ulit kami papuntang PAGUDPOD para panoorin ang DAPIT HAPON. 5:22pm na sana makita pa namin ang paglubog ng araw. Wah! 6:26pm na! Wala pa kami dun sa pupuntahan namin! Hindi na namin nakita ang takip-silim. Nakatulog pa ko simula kanina pa sa balikat ni MAMA at ngayon lang ako nagising. Napapagod na ko. Nagstop muna kami ngayon para bumili ng
gatas ni EMO. Ayan may nadaanan kaming PROSISYON. 8:05pm na at nandito na ulit kami dito sa CHINA BEACH RESORT. Iba na room number namin, room #16 na. Kakain na ata kami. 8:40pm- Ang sarap ng kinain namin kanina, INIHAW NA LIEMPO, ADOBO, SALAD, MANGGA at DININGDING. Hay busog na naman ako. Magsiswimming sila. Ako wala sa mood manonood na lang ako ng MYX. At hindi rin ako nakatiis... nagswimming na rin ako! May 3 babae kanina ang sesexy tapos may foreigner ang gwapo...hay.Tapos nun nagmasahe ako kina ATE, ERWIN, MAMA at MANANG LUZ. Ang sakit na ng likod ko! Eto ngayon 11:09pm na at katabi si KATHLEEN at patulog na naman kami.
Nagising ako bandang 8:45am. Ako na lang ang tulog nun. Namalengke sina MAMA atbp. Pagkagising ko nakiswimming na rin agad ako sa swimming pool. Tapos, pumunta kami ni MABEL sa BEACH. Ang lakas ng alon ang sarap. Nandito na ko ngayon sa kwarto kaaahon ko lang sa tubig. Hindi man lang ako nagTAN! Buti pa tong sina EMO, KOBE at KATHLEEN namula. Ako nagbabad na sa tubig wala pa rin. Kumain na ang lahat ng lunch ako hindi pa. Hindi pa ko gutom eh. Hay 12:45pm na, nakahiga lang ako. 5:00pm mahigit, kagigising ko lang! Nakatulog na naman ako sa sobrang pagod. Feeling ko nangitim ako pero wah! Nagdry ang skin ko! Nagpatuyo ako sa hangin kanina eh! Yung mga bata, nagswiswimming na naman. Ako eto nakaupo malapit sa beach. Naghahanap ng SUNSET
wala naman. Mga 6:05pm, katatawag lang ni KAROL, nung una di ko narinig boses niya pati sa pangalawang beses di ko rin narinig kala ko sira na phone ko. Tumawag siya para sabihing lahat ng kanta sa THE EMANCIPATION OF MIMI ni MARIAH naLEAK na! Wah! Gusto ko na umuwi! Pinakita pa kanina ang MUSIC VIDEO ng ANYTIME YOU NEED A FRIEND! Ayun nandito na naman ako sa kwarto nanonood ng balita habang nagswiswimming at nasa ibang kwarto ang
iba. Sana magSING-ALONG kami gusto ko ng kumanta! Ang ganda ng STATION OF THE CROSS na dumaan sa dagat kanina lang! Ang ganda ng ilaw! Ang sarap ng pagkain kanina, SINIGANG at INIHAW NA BANGUS, SALUYOT,PORK CHOP, NILAGANG OKRA at TALONG, MANGGA na naman! Sarap! Ayan, 12:30am na... kagagaling lang namin sa CABANA RESORT at nagvideoke kami at katatapos lang din nila ERWIN mag-inuman! May stage pa ang MUSIC BAR at maganda ang SOUND SYSTEM! Ayun
may singe sila dun tapos pwede ka rin magVIDEOKE. May mga katabi galing MAKATI at may kasama pa silang BRITISH... sikat! Ahaha! Ayun, kasama ko sina ATE, SALVE at yung kapatid niyang isa. Umorder kami ng drinks tapos SING-ALONG na.Tapos nung medyo tumagal kami roon, sumunod si MAMA na may kasamang 2 alalay. Ayun tuloy pa rin kami sa pagkanta. Yung singer dun sa BAR okay sana eh kaso yung lettet T niya nagiging Z! Yung THAT niya nagiging ZAT! ehehe... eto patulog na naman kami. Aalis kami bandang 8:00am daw! Daw! Feeling ko hindi masusunod yon!
Eksaktong 8:00am nga kami nakaalis! Galing! Nagising kami bandang 7:15am. Naligo tas kumain ng breakfast. Si MAMA may nakita pang beauty queen si DANG CECILLO. Kinausap pa at nakipagchikahan! Ngayon nandito na kami sa loob ng kotse pabalik ng MANILA. 9:31am, stop oveq muna kami dito sa PETRON gagamit ng CR. 1:44pm, nasa NLEX na kami. Kakakain lang namin sa ALING LUCING'S SPECIAL SISIG. Ang sarap! Nakakaasar ang laki na ng tiyan ko! Nawala na ang abs-absan ko! Ehehe! 73 km na lang to MANILA! Wah! kamuntik malaglag cellphone ni MABEL binuksan kasi ni KOBE ang bintana! 2:30pm, nasa MANILA na kami pero wala pa sa bahay. 2:51pm, WE'RE HOME!