SUGBU
Makulimlim ang langit ngayon. Nandito ko ngayon sa may loob ng DOMESTIC AIRPORT habang sinusulat to sa cellphone ko. Sinundo ako nila ate sa may harap ng GOX ENTRANCE, pero nasa kabilang kalsada sila ng sila'y makarating. Malakas ang ulan kanina bandang 2:30pm. 3 ang subject ko ngayon. GENPSYC lang ang inatenan kong klase sa dahilang kinakailangan kaming makarating sa AIRPORT mga 4:00pm. Nagreview lang kami sa GENPSYC tapos maaga kami dinismiss ng aming teacher. Pagtapos ng subject na yun eh break ko naman talaga kaya hinantay ko na lng sila ate para sunduin ako. Ayun, kasama sa kotse si EMO, BRUNO,
ATE, ERWIN at ang nagmamaneho ay si AL. Malakas pa rin ang ulan ng makarating kami sa AIRPORT. Iniwan na namin si AL nang makasapasok na kami sa loob ng AIRPORT, iuuwi niya kasi ung kotse at hindi talaga siya kasama. As usual maraming check check sa loob ng AIRPORT. Mga x-ray, kapkapan, mga garet atbp. Ayun inayos muna namin ang mga dapat ayusin sa loob tapos kumain kami sa may upuan malapit sa RED RIBBON. HAMBURGER, PASTA, JUICE ang kinain namin. LA PAZ BACHOY ang kinain ni ERWIN kanina. Pagtapos kumain ay naisipan kong magtype dito sa cellphone ko. Lumipat na kami ng upuan at hanggang ngayon nagsusulat pa rin ako dito sa cellphone ko. Mag fi5:00 pm na hindi pa rin kami pinagboboard. 5:00pm pa naman kasi flight namin. Sobrang inaantok ako ngayon parang gusto ko matulog... hay...Nagkape muna ko s DELIFRANCE
5:30pm
Delayed ang flight 'til 6:30pm pakshet!
6:30pmSa wakas, nakasakay na rin kami sa eroplano. 1 hr and 5 mins. raw ang itatagal ng aming biyahe hanggang CEBU. Maalog at nahilo ako sa eroplano na sinakyan namin. Sayang nga kasi gabi na kami nakaalis hindi na tuloy makita ang view sa baba, mga ilaw na lang. Hindi na rin makita ang ulap dahil nga madilim na. As usual, coffee, milk, tea o juice ang inoffer at asado sa GOLDILOCK'S. Juice ang ininom ko.
7:50pm
Wala lang, pagkalapag namin sa MACTAN AIRPORT, ngarag na ko! Hay, ayun, hinanap namin mga bag namin and then sumakay na kami sa kotse na nirent ni ERWIN. Kumain kami sa MATTIAS, isang barbequehan. Puros bisaya mga tao! Ahaha! Malamang! Ayun, nakakaaliw ung kanin dun sa kinainan namin. Nakalagay siya sa lalagyan ng SUMAN! Ang aliw talaga! Tapos tumuloy na kami sa HOTEL, sa CEBU MIDTOWN HOTEL. Kadugtong niya ang ROBINSO'S PLACE CEBU kaya pwede ka magmallmall muna! Ayun, RM 1216 kami, humingi kami extra bed para magkasya kami. After that, ligo na kami tapos natulog na kami.
8:00am
Nagising na kami lahat. Nag-ayos na sina ATE, ERWIN at EMO para sat dadaluhan nilang kasalan. Ayun, kaming dalawa ni REAMAUR dito. May mga housekeeper dito ngayon nag-aayos n kwarto. Pagtapos nito ay naligo ako at naghandang pumunta muna sa ROBINSON'S PLACE CEBU. Ayun, kasabay ko si REAMAUR, papunta sa MALL. Naghiwalay kami ng kapatid k. Ako naghanap ng INTERNET CAFE para idownload ang mga handout namin sa GENPSYC para sa FINALS namin sa LUNES. Wala sa loob ng MALL ng INTERNET CAFE nagtanong tanong ako sa mga tao dito,
binibisaya pa ko ng mga iba syempre, sinasabi ko hindi ko sila maintindihan. Sa wakas, nakahanap din ako ng INTERNET CAFE. Mura lang dahil 20php lang per hour. Ayun, nakuha ko na rin ung mga files na kailangan ko. Naglog-in ako sa YM kanina, nakachat ko for the first time si DYLAN. I really had fun talking with him. Tapos un, bumalik ako sa HOTEL at nakita ko sa LOBBY si REAMAUR. Hindi raw sya pinapapasok dahil isang susi lang ang binibigay. Nagbsa na lng siya ng librong binili nya. Kaya un, ako naman bumaba at bumili ng shorts ko dahil isa
lang nadala ko. Tapos bumili rin ako ng charger dahil walang nagdala. Bumalik ako sa HOTEL LOBBY, wala pa rin sila. So ang ginawa ko, umidlip muna ko sa sofa dun. Pati si REAMAUR nakaidlip na rin. Nagising ako sa kalabit ng manager ng HOTEL. Bawal daw dun matulog! ahaha, so sinabi ko kung baket dun kami naidlip. Ayun binuksan din sa wakas ang room namin. Pagkadating nila ate, nagpahinga kami muna bago nag-ikotikot. Una namin pinuntahan ay ang MAGELLAN'S CROSS. Bumili ako
ng kwintas dun. Tapos nagsindi kami ng kandila sa SIMBAHAN. Ayun, pagtapos naman ay naglakbay kami sa bulundukin mg CEBU. Mala TAGAYTAY at BAGUIO na nga kataas eh. Pumunta kami dun sa may TOPS. Thet name says it all! As in nasa tuktok kami ng bundok! Ayun, after that mga bandang 7:30pm, kumain kami sa GOODAH-GUD. Sobrang dami kong nakain talaga! Pagtapos nun ay pumunta kami sa bahay ng kapatid ni ERWIN ngayon. Eto kami ni REAMAUR, naghihintay sa VAN hay... masakit na tiyan ko at medyo nahihilo na ko! Sana bumalik na kami sa HOTEL. At saka wakas nakabalik na rin kami. Naglinis at natulog na kami kaagad kahit may Bb. Pilipinas pa.
Nagsimula ang LINGGO sa pagkain namin sa HOTEL ng BREAKFAST BUFFET. Sobrang dami kong nakain, may CEREAL, LONGGANISA, BACON, OMELET, SPAM, SALAMI, CORNED BEEF, at iba pa. Pagkatapos mag-almusal ay naghanda na kaming mag-ayos papunta sa BEACH. Sumakay kami ng TAXI papunta roon. Tumuloy kami sa MARIBAGO BLUE WATERS, isang resort na may beach at swimming pool. Katatapos nga lang namin magbanlaw ngayon dito eh. Medyo nagpapahinga na sa LOBBY nitong resort nag-iisip kung san kakain. Dito sa resort, maraming foreigner,
mga HAPON, KANO, KOREANO etc. Paalis na kami ngayon dito sa resort at di ko pa alam kung san pupunta. Dito nga rin pala sa resort may mga DOLPHINS,SHARKS at kung anu ano pa. Maputi ang buhangin dito ngunit mas maputi pa rin ang sa BORACAY. Mapayapa ang dagat at hindi masyadong maalon. Umangkas ako sa JETSKI na minaneho ni ERWIN. First time ko nakasakay sa JETSKI kahit angkas lang. Sobrang nakakaaliw dahil nasa malalalim na parte na kami ng dagat. Ewan ko kung anong taglay ng BEACH at gustong gusto ko sa BEACH kaysa swimming pool magswimming. Nasa taxi na kami ngayon papuntang SUTOKIL, restaurant ata. Hay, ung kapatid kong si REAMAUR nangangati ewan ko kung anong kumagat sa kanya hindi niya rin alam. Ang dami talagang FOREIGNER dito. Paalis
na nga lang kami may dumadagsa pa. Eto na kami. Mamimili ka pala ng kakainin mo tapos ipapaluto mo dito sa SUTOKIL. Hinintay namin ang order namin
ngayon. May VIDEOKE dito kaso hindi bukas. Nandito na kami sa SHANG-RILA MACTAN. Katatapos lang namin kumain sa SUKOTIL. Ang sosyal ng SHANG-RILA MACTAN. It's PARADISE! Totoo! Sa palagay ko lang naman eh. Una imikot-ikot muna kami sa loob. Kunwari magiinquire kami pero sa totoo hindi. Ayun, umorder lang kami ng 2 BANANA SPLIT tapos humiga dun malapit sa pool. Binigyan pa kami ng twalya ng mga crew dun akala nakaCHECK-IN kami. Tapos yun, nang hindi ko na kinaya, nagbihis na rin ako at nagdamit panlangoy na. Hay ang sarap magswimming dun. Ang dami na namang FOREIGNER may KANO, KOREAN, JAPANESE, ENGLISH, DUTCH
atpb. Tapos nun, may beach kasi sa tabi yun, SHET! sobrang puti ng BUHANGIN dun! Man-made raw ung beach dun sabi ni ATE. Ang galing nilang gumawa sa totoo lang. Tapos ayun, after swimming, nagbihis na kami. Nabaliw ako may JAPANESE na lumabas sa SHOWER ROOM ng nakahubo! Over pero okay lang hindi naman siya cute. Ahahaha! Maganda talaga dun. Paano ba namang hindi gaganda eh 12,000 up per night! Pangmayaman di ba?!? Ayun, after leaving SHANG-RILA, we headed
over to PLANTATION BAY. Wala lang umikot lang kami dun at nagpicturan. Pagtapos nun, bumili sina ATE ng mga DRIED FISH tapos bumalik na kami sa HOTEL. Kumaim muna kami sa FOODCOURT ng ROBINSON'S. Hindi ko nagustuhan yung binili ni ERWIN kaya pumapak na lang ako ng mga binili ni ATE na pagkain. Nauna sila umakayat sa HOTEL ako pumunta munang MERCURY DRUGS para bumili ng POND'S CREAM pero bumalik ako sa ROBINSON'S at dun ako bumili ng PONDS at MINERAL WATER. Ayun, nasa HOTEL pa rin kami nanonood ng K! 1M at SEARCH FOR STAR IN A MILLION. Patulog na kami ngayon, katatapos lang ng pinanonood namin. 11:00 pm na! Gud night!
Nagising kami bandang 6:00am, wake-up call kasi namin. Ayun nag-ayos na, nagligpit at kumain ng almusal. Nakasakay na kami sa taxi ngayon papunta ng AIRPORT. Malapit na matapos tong kwento ko tungkol sa CEBU. Nandito na kami sa AIRPORT nakaupo at naghihintay para sa pagboboard sa eroplano. Pasado 9:19am na at inaasahang mga
9:30am ay makalilipad na ang eroplano. Feeling ko madedelay na naman tong flight namin bwisit! Nakabili na kami ng mga remembrance, tshirts at pasalubong dito sa loob ng AIRPORT. Ayan na pinaboboard na kami 9:23am na! 10:38 na at nakalapag na kami sa MANILA. Susunduin na kami ni AL at papasok na ko sa school. Mataas ang sinag ng araw at may background music pa dito sa eroplano. Tumigil na ang eroplano at dito nagwawakas ang aking kwento tungkol sa aking experience sa CEBU
-11:00 am SEAT 30C
P.S. Pagtapos namin makalapag, naghintay pa kami ng 1 oras sa pagaantay ng mga dala naming bag. Nagkaroon daw ng TECHNICAL PROBLEMS. Ayun, around 12:00nn na kami nakalabas ng AIRPORT... nagpahatid na ko diretso sa LASALLE then took my GENPSYC FINAL EXAM... and dali!