Entries for November, 2004

Hello tabulas! After to months of hiatus, i'm finally back... okay... ano ano na ba mga nangyari sa life ko... ehehe... Well, actually today is my birthday! Wah... 19 na ko, until now hindi ko pa rin tanggap, feeling ko ang tanda tanda ko na... 1 year na lang and my teen years are over pero di ba kung iisipin natin, age is nothing but numbers, anjan lang yan para ipaalala na kailangan na natin magisip at kumilos ng ayon sa edad mo pero our age can't take away the child in us! We can be youth forever di ba! ehehe... wala lang... ehehe...

Marami na rin ang nangyari for the past two months, sumali ako sa CCS Icon, si Ate Ningning nanganak na, nadukutan ako ng phone, nagrush kami mag-ayos ng bulletin board for the Chorale Concert, hay... basta, sobrang dami ng naganap na hindi ko na alam kung anong dapat kong ikwento...Actually, those i've said above are the main events that happened for the past two months, nd ko na maalala mga details eh... eheheh

Ahm, CCS Icon muna, ayun, for the first time ever in my life, nakasali ako sa isang singing contest. At ang cool pa, every night meron eliminations, guess what? Nakaabot ako sa finals! Wahey! Puros girls nga pala yung nakuha at ako lang ang natatanging BOY... hmm... boy nga ba!!! OO naman! ehehe... ayun, nung first night, OPM kami, Kinanta ko The Promise ni Martin Nieverra, ehehe, mabait naman ung audience pero sabi nila i have to move from my place; Second night, Ballad, kinanta ko All Is Fair In Love ni Stevie Wonder, okay pa rin ung mga comments ng judge, nasobrahan naman ako sa galaw!; Third night, OST, I Believe I Can Fly naman kinanta ko by R. Kelly, ehehe... nakakaasar kasi ung day na un eh may DEPEX kami sa COMPRO1 kaya mukha akong ginahasa habang nagperperform. Pinauna na nila ko kasi kailangan ko pa magtest; Forth night, Broadway, This Is the Moment! YES! Performance ko raw superb! Oh di ba! ehehe... wala lang... ang galing kasi nakaabot pa kong finals at kinanta ko YOU RAISE ME UP, okay lang kahit i only bagged the 4th place, pinuri naman ako eh... .eheheh...

Ayun, nanganak na si Ate NingNing, kakauwi nga lang kanina, Gabriel Kurt ang name! Ahahah, nakakatawa dahil sa Revo nanganak siya sa sobrang traffic... amazing noh! ehehe... Death anniverssary rin ni Manay ngayon, ayun may salu salo dito sa compound! Ewan ko, actually antok na antok na ko pero naalala pa kitang sulatan...

Bago naganap lahat ng ito! Ahuhuhu, nadukutan ako ng phone! Kasi tanga tanga ko nakatulog ako sa JEEP eh... 6510 yung dala ko nun pero thank GOD at nd ung de-kulay kong phone! Baka mapatay ako ng nanay ko! Ung sim card ang nakakapanghinayang eh... hay

Ei, member na pala ko ng DLSU Chorale, wala lang, feeling ko na tuloy ngayon sobrang galing ko na kasi onti lang talaga pumapasa roon eh... ehehe... pero sobrang hassle, parang everyday may practice kami 6-9pm, nagiicp nga ako kung magququit eh, pero sayang ung scholarship if i do hay.... Tapos shet, sobrang tinaranta kami ng Chorale ni EDS kasi 430-700pm rush ginawa ung bulletin board na 8x8 ft. nakakabaliw! hay... pero siyempre natapos namin with the help of MARVIN and some Chorale New Members!


Hay... all i can say is... goodbye 18, 19 here I come, sana mas marami pang magagandang bagay ang mangyari ngayong 19 years old ako! Wish ko lang lagi akong masaya, malusog at inspired... ehehe... sana magkaroon na rin ako ng lovelife! bwahahah.... sige sige... write to you soon! mwah!

*subtle_bliss
Posted by jjcobwebb on November 16, 2004 at 01:01 AM | Post a comment
« 2004/09 · 2004/12 »