After I had lunch, natulog na naman ako!!! Tulog ng tulog! Nakakaasar at take note, finals na namin sa Monday! Shet!!! Hay, pagtapos naligo, at navideoke na naman! Bisyo ko na ata ang videoke! Si Mama pinagbihis dahil kakain daw kami sa labas nila ate at marami pang iba... mga relatives ba!

Ayun, kumain kami sa may LUNETA, sa may Harbor View. Ang traffic papunta dun... ang daming nagEEL SHADDAI! At shet! Dun sa resto nakita ko na namam yung cute na waiter dun! ahaha... landi ko! Anyway, masarap yung sinigang na bangus nila with bayabas... huling huli na nga akong tumayo nung kumain kami dahil gustong gusto ko ung sabaw ng sinigang na yun. Tapos yun, lumayas na kami sa Harbor View at nagroadtrip kami! Tong itlog na to eh, kung san san kami dinala... sa Malate ( in fairness ang daming tao sa Malate ngayon... malamang sa Saberday eh!)... tapos yun, hindi pa nakontento si itlog, nagda FORT pa kami, wala, kumain lang kami ng GO DONUTS dun at biglang bumuhos ang ulan... ang tamis tamis nga pala nung DONUTS nila!!! Tapos sa wakas umuwi na kami... buti na lang tumila na yung ulan...

Well... yun lang naman mga naganap ngayong gabi... sana next time naman hindi naman mga kamag-anak ko ang kasama ko! Lagi na lang sila! Masyado ng tight ang bond namin! Sana next time mga friendships naman!!! Sige... write to you soon... I love ya, I enjoy ya, i appreciate ya...!!! Mwah!!! :)

*subtle_bliss
Currently listening to: Forever's Not Enough by: Sarah Geronimo
Posted by jjcobwebb on August 22, 2004 at 01:25 AM | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.