Entries for August, 2004

Hello... testing testing...
Posted by jjcobwebb on August 19, 2004 at 11:23 PM in Online Tests | 2 comment(s)
sige! inaantok na ko... jan ka muna!
Posted by jjcobwebb on August 20, 2004 at 01:17 AM | Post a comment
Nakakaasar naman tong blog na toh! ang haba haba na ng nasulat ko kanina tpos nagbackspace lang ako nawala lahat! SHET!!! Well anyway, i'll just summarize what i've written a while ago...

Well the day started with BASICON, nagreview kami for the finals, tapos binagay nya ung class standing! Shet! pasang-awa lang ako! Kailangan onti lang mali ko sa finals or else... tsk tsk... ahhhhhh... ayun, tapos nun wala na kaming subject cuz Mr. Garcia gave us a free day, but for me, it's not free kasi i have to take a make up exam sa kanya! Bwict! tapos yun, pumunta ko sa Math Dept. para hanapin ang bading na Garcia, wala, tapos bumalik ako, wala pa rin, so i just left my quiz booklet sa pigeon hole niya at sinulat ko number ko para if ever mabasa niya, itext niya ko kung kelan ako pwede magtake ng make up exam.

Ayun, actually nd ko na talaga mahintay si sir eh, cuz, ang S13, although hindi buong block, ay gigimick! ehehe, si AK nakaisip na namang magprovidence para magvideoke, pero since marami kami, naisip niya na lang na sa Quantum na lang sa may R.P. kami magpunta. Ayun, ang ingay ingay namin sa jeep... uhm... sino sino ba kami, Si Eds, Marvin, Koys, Ron, Kris, AK, EJ at ako! malamang! Tapos simula ata 1030 hanggang 130 nagvivideoke na naman kami! Actually, dapat talaga manonood sila ng sine at sasama ko, kaso, si AK ang gaga gaga, may imimeet na namang friend kaya ayun naudlot panonood ko ng sine... natira ung iba... si Omai nga rin pala aalis din dahil may imimeet na mga friends sa school nya nung hs. Ayun, magkabay kami ni Omai kanina umuwi kasi same way naman ung jeep na sasakyan niya. Pagdating namin sa Quiapo, yun naghiwalay na kami, dun siya sa may jeep going to Boni at ako going to San Juan. Tapos un, nd pala muna ako dumiretso sa bahay, bumaba ako sa SM Centerpoint to buy some new Videoke VCD's para naman nd na paulit ulit kinakanta ko at makapagpractice na rin for the PINOY POP SUPERSTAR auds... di ba! Ayun, i bought 3 VCD's, hay wala na naman akong pera!!

Pagkauwi ko sa bahay, i started writing on this stupid blog! why stupid?? read nyo ung mga nauna...!!! ayun, sobrang nabadtrip ako dahil nabura, natulog muna ko...zzzz... pagkagising ko, ahaha, dahil sobrang excited itry ung mga nabili, ayun, nagsimulang kumanta na naman si Jacob, nagwala na naman at nagfeeling concert!! nagsimula 430 natapos 800... ahaahha, sira na lalamunan ko!!! ahahaha!!! While I was singing nga pala, tumawag si ate, bibigyan niya raw ako ng ticket para sa concert nina NYOY at NINA entitled EL NIÑO, EL NIÑA... taray ng title sa Music Museum at maghanap daw ako ng kasama dahil dalawa ung ticket... syempre hinila ko agad si Cathy, malamang, mahilig din sa kantahan yun eh! At ayun, pagtapos kong magwala sa bahay, dumating sina ate at Erwin, sinundo kami... off we go sa concert...

Ang galing galing nilang dalawa nung concert! Habang nagcoconcert nga sila iniimagine ko ako rin nagcoconcert!! ahaha... frustrated! Ayun, umuwi kami ni Cathy at nagjeep kami! Shet sira ang get-up namin... lolz. Hay, sana palarin talaga akong makasali, kahit nd na manalo, basta makita lang sa TV at magkaroon ng MAKE-OVER sa PINOY POP SUPERSTAR. Tsk, nd na ko iinom ng coke ngayon, sprite na lang, at di na rin ako magyeyelo.... shet... sana talaga Lord, sana palarin po ako sa audition at mga susunod na audition...:)

*subtle_bliss
Currently listening to: Outside by: Mariah Carey
Posted by jjcobwebb on August 21, 2004 at 12:45 AM | Post a comment
Hello! ehehe, wala lang... last night pala meron akong nakachat from ADMU, cool siya kaya inabot kami ng 3am sa pagchachat... mabait siya, may sense kausap at cute siya! Lolz! hehehe... Ayun, tapos today, paggising ko, nagpatugtog ako ng CHA CHA na CD na binigay ni Mabel dahil ewan ko dun, feel niya ata yung ganung sound, pero okay naman ung CD, nakakaaliw siya. Pagtapos nun pinatugtog ko na naman ung CD ng Go the Distance at yun, sinabayan ko na naman si Michael Bolton... ang saket sa lalamunan!

After that, pumunta ko kina Bambi, nagluluto siya, pumasok ako sa room niya at binuksan ko laptop niya... kaasar, pinaayos niya tuloy computer niya... sira kasi eh di makaconnect sa internet. Okay naman ung modem at hardware kaso ayaw pa rin talaga... siguro kailangan lang talagang may baguhin sa software... nakakaasar di ko mahanap kung ano ang sira!!! shucks... Comp. Sci. pa naman ako!!! Habang inaayos ko, hinulaan ako ni Bambi sa cards... puros pera nakikita niya...bago pala kasi un nakita nyang nagsosolitaire ako! Shet nabuo ko! Nd solitair sa computer ha! Sa baraha na papel mismo! Dahil di ko talaga maayos ung laptop niya sabi ko next time ko na lang ayusin... pagiisipan ko muna kahit di ko maicip!!! Sige... daan lang eh... talk to you soon!

*subtle_bliss
Currently listening to: Go the Distance by: Michael Bolton
Posted by jjcobwebb on August 21, 2004 at 03:24 PM | Post a comment
After I had lunch, natulog na naman ako!!! Tulog ng tulog! Nakakaasar at take note, finals na namin sa Monday! Shet!!! Hay, pagtapos naligo, at navideoke na naman! Bisyo ko na ata ang videoke! Si Mama pinagbihis dahil kakain daw kami sa labas nila ate at marami pang iba... mga relatives ba!

Ayun, kumain kami sa may LUNETA, sa may Harbor View. Ang traffic papunta dun... ang daming nagEEL SHADDAI! At shet! Dun sa resto nakita ko na namam yung cute na waiter dun! ahaha... landi ko! Anyway, masarap yung sinigang na bangus nila with bayabas... huling huli na nga akong tumayo nung kumain kami dahil gustong gusto ko ung sabaw ng sinigang na yun. Tapos yun, lumayas na kami sa Harbor View at nagroadtrip kami! Tong itlog na to eh, kung san san kami dinala... sa Malate ( in fairness ang daming tao sa Malate ngayon... malamang sa Saberday eh!)... tapos yun, hindi pa nakontento si itlog, nagda FORT pa kami, wala, kumain lang kami ng GO DONUTS dun at biglang bumuhos ang ulan... ang tamis tamis nga pala nung DONUTS nila!!! Tapos sa wakas umuwi na kami... buti na lang tumila na yung ulan...

Well... yun lang naman mga naganap ngayong gabi... sana next time naman hindi naman mga kamag-anak ko ang kasama ko! Lagi na lang sila! Masyado ng tight ang bond namin! Sana next time mga friendships naman!!! Sige... write to you soon... I love ya, I enjoy ya, i appreciate ya...!!! Mwah!!! :)

*subtle_bliss
Currently listening to: Forever's Not Enough by: Sarah Geronimo
Posted by jjcobwebb on August 22, 2004 at 01:25 AM | Post a comment
Hay... finals na namin tomorrow! Actuall, hindi na ko umaasa makapasa sa COMPRO1 dahil sure akong hindi ko mawa-100 yung quiz! Ayun lang kasi ang pwedeng chance para maka uno ako eh kaso parang imposible naman... di ba?!?! Hay... iniisip ko nga ngayon kung papasok pa ko para itake yung FINALS tomorrow o hindi eh... basta, aaralin ko na lang BASICON ng maigi... dun mataas pa chance ko makapasa... hay... sige... wala naman masyadong nangyari ngayon eh... Hindi nga pala ako nakapagsimba... Lord pasensiya na ha...next Sunday magsisimba po ako promise... o kaya sa Friday na lang ako magsisimba. 'Til here muna... write to you soon... :)

*subtle_bliss
Currently listening to: Piano in the Dark by: Brenda Russell
Posted by jjcobwebb on August 22, 2004 at 10:28 PM | Post a comment
Sorry di ako nakasulat sa yo yesterday... anyway... there's one bad news i have to tell you... si ate nagpaCT scan, may nakitang bukol sa matres niya... because of the lump, affected na rin yung bituka niya... hay... naawa ako kay ate dahil iyak siya ng iyak... sana lang hindi ko cancerous... masyado pang bata si ate at marami pa siyang matutulungan. Hay, pati ako tuloy nalulungkot. Natatakot ako kasi baka cancerous to eh... kasi nabasa ko a MEDICAL AND HEALTH ENCYCLOPEDIA na ung lump can grow large ang can press neighboring organs eh... shet... sana talaga wag... ayoko! Baka pati ako umiyak... :(( Cge... I'll keep you up to date on the events that will happen with my ate, ooperahan nga pala siya bukas para tignan ang result kung cancerous ba o hindi...... sana lang hindi cancerous...sana hindi... :((

*subtle_bliss
Currently listening to: Bohemian Rapsody by: Queen
Currently feeling: sad
Posted by jjcobwebb on August 24, 2004 at 09:44 PM | Post a comment
Ei! Miss you na ah... nd na kita nasusulatan lately! Hay... nakakaasar! Sira ang TV namin! Hindi tuloy ako makapagvideoke! Well, anyway, galing kaming MEGAMALL today... family outing na naman as usual... though hindi kasama si BLES at Cathy.... wawawa naman sila... ahaha... as if may nangyaring maganda sa Megamall... kanina nga gusto ko ng umuwi eh... ang tagal kasi nilang nakabalandra sa gitna ng TRIPLE V... bwict! Tapos un...eto ko ngayon...writing on you... getting more and more excited as SEPT. 9 approaches... hay... at sa wakas, nawala na rin sakit ng lalamunan ko... thank you LORD!!! Cge... til here muna... I love ya, I enjoy ya, I appreciate ya... i haven't been to sleep in 2 weeks (MC yan!)

*subtle_bliss
Currently listening to: My Sacrifice by: Creed
Posted by jjcobwebb on August 29, 2004 at 01:01 AM | Post a comment